Mula ng mangyari yung paguusap namin ni Andrei nawalan na ako ng sigla. Ewan ko ba..
" Gab " si Tina
" oh Tina.. "
tumabi sya saakin at hinawakan ang mga kamay ko. Aminin ko gumaan pakiramdam ko. Gusto ko mag burst out.
" are you okay? "
okay nga lang ba talaga ako? Pano ko sasabihin oo, panu ko sasabihing hindi?
" makikinig ako Gab "
mas hinigpitan nya pa ang hawak sa kamay ko. Di ko na napigilan ang emosyon ko.
" ginusto ko to Tina di ba? Ginusto ko to pero bakit ang sakit sakit? Ang sakit sakit "
napayakap ako sa kaibigan ko. Bumuhos ang mga luha ko. Niyakap ako ni Tina.
" Gab ito ang consequence sa nagawa mo kay Andrei, hindi biro ang pinagdaanan nya nung iniwan mo sya "
napatayo ako at tumingin sa bintana saka ako muling humarap kay Tina.
" I know... Pero mahal ko sya.. Gusto ko maging kami ulit.. Gusto ko mahalin nya ako ulit.. "
" which is hindi ganun kadali Gabbie.. May girlfriend na si Andrei "
" asawa nga naaagaw di ba? Gagawin ko lahat Tina.. Gagawin ko lahat maging kami lang ulit.. Ako ang una nyang minahal eh ako dapat ang nasa posisyon ni Meg ngaun, ako dapat! "
" Gabbie calm down.. Hindi mo na mababago ang sitwasyon.. Magiging masama tingin sayo ni Andrei pag pinilit mo gusto mo.. Hayaan mo muna sya.. If kayo talaga then magiging kayo ulit by all means "
" no! ayoko yung ganyang paniniwala.. kung hindi ako gagawa ng paraan, kung mananahimik ako at maghihintay na tadhana ang kumilos baka tuluyan ng mawala sakin si Andrei.. "
" pero hindi tamang agawin mo sya kay Meg.. Siya ang girlfriend hindi na ikaw "
" I don't care! akin naman talaga si Andrei eh, ako ang una kesa sa kanya.. Babawiin ko lang kung ano ang akin "
" Gabbie are you out of your mind? You dumped him.. Sinalo sya ni Meg.. Ano ba tingin mo sa damdamin ni Andrei? Bakit ganyan ka magisip? "
" whatever Tina.. mapapasaakin ulit si Andrei.. "
" selfish ka "
napatingin ako kay Tina. Pagiging makasarili ba ang ipaglaban ang minamahal mo?
" panu ako naging makasarili Tina? Kaninu ka ba kampi? "
" wala ako kinakampihan sainyo, ang akin lang mali ang agawin mo sya at umeksena ka sa relasyon nila.. "
" I'll do what I want.. At un ang bawiin si Andrei "
seryoso ako sa gagawin ko. Gagawin ko ang lahat bumalik lang sakin si Andrei. Masaktan na ang masaktan.
BINABASA MO ANG
Why Can't It Be (ON GOING SERIES)
General Fiction" una ka naging akin.. una mo akong minahal.. Pakiusap ako na lang ulit.. Tayo na lang ulit... " - GABBIE