ANDREI'S POV
Wala ako nagawa, hindi napigilang manatili ang babaeng mahal ko.
Sobrang sakit pala marinig sa taong pinakakamamahal mo ang mga salitang " hindi na kita mahal "
Parang hindi sya si Gabbie. Nawala ang lambing nya. Ganun na lang nawala ang init ng pagmamahalan naming dalawa. Nagkulang ba ako?
Umuwi akong bagsak ang mga balikat. Pero hindi ako titigil. Babalik sakin si Gabbie. Babalik sya.
GABBIE'S POV
Walang lingon ko syang iniwan. Tama lang siguro ang ginawa ko. Para maramdaman nya na seryoso ako sa desisyon ko.
Pag akyat ko ng kwarto sumilip ako ng bahagya sa bintana. Alm ko masamang masama ang loob nya. Tama lang ito para marealize nya na hindi lang kami ang tao sa mundo. Kailangan namin mag explore. Hindi na tama na ako lang ang dahilan ng pagikot ng mundo nya. Balang araw mauunawaan nya din ang sinasabi ko.
BINABASA MO ANG
Why Can't It Be (ON GOING SERIES)
General Fiction" una ka naging akin.. una mo akong minahal.. Pakiusap ako na lang ulit.. Tayo na lang ulit... " - GABBIE