" Gab don't do this.. pakiusap wag mo ng ituloy "
napalingon ako kay Tina at dahan dahan ako lumapit sa kanya.
" Tina ito na lang ang magagawa ko.. Wag mo na ako pigilan please "
" pero Gab.. masasaktan ka sa gagawin mo "
" masasaktan? Etong nangyayari sakin ngaun wala ba itong sakit? I'm in pain Tina.. mula ng mawala sakin si Andrei nasasaktan na ako.. "
tumitig si Tina saakin. Napayuko ako at humikbi.
" I was a fool Tina, a pathetic, stupid person.. Hinayaan ko mawala ang taong labis na nagmamahal sakin, un pa lang sobrang sakit na.. So anu pa ba ang mas sasakit dito sa gagawin ko? Kailangan ko harapin si Meg, kailangan ko sya kausapin "
" Gab nagaalala lang ako sa mga pwdeng mangyari.. Pasensya ka na "
" Thanks Tin pero kaya ko sarili ko.. Gusto ko lang talaga gawin to.. Kailangan namin harapin ni Meg ang isa't isa "
di ko na hinintay na magsalita si Tina. Agad ko kinuha ang bag ko at dali dali ako lumabas ng apartment.
Hindi ko alam kung tamang harapin ko ang karibal ko. Hindi ko alam kung dapat ko ba talaga sya kausapin.
Ito lang naiicp ko para malaman ko kung dapat ko pa ba ipaglaban ang nararamdaman ko., oh kung tuluyan ko na ba ipapaubaya si Andrei sa kanya.
Ahhhh ang gulo ng isip ko. Maisip ko pa lang na ipapaubaya ko na sya parang gusto ko ng mamatay.
Narating ko ang flower shop na pag aari ni Meg.
Nagtago ako saglit sa may puno malapit sa shop habang sinisilip ko kung naroon si Meg.
Ilang minuto ang lumipas at nakita ko na ang hinahanap ko.
Sexy tingnan si Meg sa suot nitong floral dress na tinernohan ng white sandals. Mahaba rin ang buhok niya. At tingin ko hnd nagkakalayo ang kulay at tindig namin.
Kailangan ko na sya puntahan. Pero bakit di ko maihakbang ang mga paa ko.
Dapat ko ba talagang gawin ito? Panu kung tama si Tina. Panu kung dumoble lang ang sakit na nararamdaman ko?
Ah bahala na.. Ang importante sakin si Andrei.
Agad ako humakbang palapit sa shop ni Meg.
Bumuntong hininga at ska aq lumakad patungo kay Meg.
" Meg! "
napalingon si Meg at nakita ko ang pagkagulat sa mukha nya.
BINABASA MO ANG
Why Can't It Be (ON GOING SERIES)
General Fiction" una ka naging akin.. una mo akong minahal.. Pakiusap ako na lang ulit.. Tayo na lang ulit... " - GABBIE