10. GABBIE AND MEG

43 0 0
                                    

Mula ng makilala ko si Meg unti unti na nawawala sa isip ko si Gabbie.

Ung pagnanais ko noon na magkabalikan kame ay nawala.

Oo mahal ko si Gabbie. Pero ayoko ipilit ang sarili ko sa taong itinataboy ako palayo.

Si Meg.. Hindi lang nya tinanggap ang kahinaan ko, pati buong ako tinanggap niya, minahal at pinahalagahan.. Mga bagay na hindi ko naramdaman kay Gabbie.

Ngaun ko lang narealize na sa apat na taon naging sunod sunuran ako kay Gabbie.

Ayoko sila pagkumparahin ni Meg pro di ko maiwasan.

May mga nagagawa si Meg na hindi nagawa ni Gabbie saakin.

" babe! "

napalingon ako sa tawag ni Meg. Naisipan namin pumunta ng Mall para mag shopping at mamasyal na rin.

" sorry babe natagalan ako sa pagiikot sa ladies wear " nakangiting bungad ni Meg.

Hinalikan ko sya.

" its ok babe.. Tara kaen na tayo " niyaya ko na sya kumaen dahil kanina pa talaga ako nagugutom. And I'm sure pati sya gutom na din.

" Andrei? "

napalingon ako ng marinig ko ang pangalan ko.

" G-Gabbie " kitang kita ko ang pagtataka sa mukha niya ng makita nya ang babaeng nakakapit sa braso ko.

" h-hi " alangan nyang bati saakin. Shit naman kasi bakit dito pa kami nagtagpo.

" who is she babe? " tanung ni Meg habang nakangiti ito kay Gabbie.

Pinagpapalit palit ni Gabbie ang mata nya samin ni Meg. Hinihintay nya ang isasagot ko sa tanung ni Meg saakin.

" ah babe she's... Gabbie.. a f-friend.. Yeah she's a friend " agad kong sagot.

Kitang kita ko ang pagtataka sa mukha ni Gabbie.

" oh hi Gabbie I'm Meg " nakangiti nyang nilahad ang kamay niya kay Gabbie.

" hi " matipid na sagot niya kay Meg.

" Andrei can we talk? " agad bumaling sakin si Gabbie. Walang ekspresyon sa mukha nya. Napatingin sakin si Meg.

" some other time Gabbie.. We have to go " yun lang at tumalikod na kami ni Meg.

Para san pa na magusap kami?

Bakit ngayon nya ako kakausapin kung kelan unti unti ko na sya nakakalimutan?

Kumakaen na kami ni Meg ng magtanung sya saakin.

" is Gabbie a friend? Or deeper than that? "

" I don't wanna talk about her babe.. Let's eat " tugon ko na hindi tumitingin sa kanya.

Tumahimik sya at ipinagpatuloy ang pagkaen. Isa yun sa traits ni Meg na masasabi kong nagustuhan ko. Ayaw niya ng argumento.

Nasa sasakyan n kami ngunit wala pa rin imik si Meg. Nakatingin lamang ito sa bintana ng kotse.

" babe "

" hmm? " sagot nya ngunit di sya tumitingin saakin.

" babe may problema ba? Kanina ka pa tahimik "

tumingin lang sya saakin ng sandali at ngumiti " nothing babe.. Pagod lang " saka nya binalik ang tingin sa bintana.

Alam ko may gumugulo sa isip nya. Ayaw nya lang magtanung.

Nasisiguro ko hindi sya naniniwalang kaibigan lang kami ni Gabbie.

Di ko alam kung dapat ko pa ba sabihin sa kanya na ex gf ko si Gabbie. Wala naman ng dahilan para pagusapan pa namin ang bahagi ng nakaraan ko.

Naihatid ko sya sa bahay nila ngunit malamig pa din si Meg saakin. She doesn't even kiss me goodnight.

Bukas ko na sya kakausapin. Sasabihin ko sa kanya kung sino talaga si Gabbie.

Why Can't It Be (ON GOING SERIES)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon