Hindi na ako nag aksaya pa ng panahon. Kailangan ko makausap si Andrei. We need to talk.
Kahit kinakabahan ako pinilit ko yun labanan. Kung hindi ko ito gagawin ngayon kelan pa? Pag huli na ang lahat?
NO! its now or never.
I'm doing the right thing.. I know.
Di ko namalayan andito na pala ako sa tapat ng bahay ni Andrei. Nanginging ako na hindi ko maipaliwanag. Pride ko nakasalalay dito sana naman may magandang kahahantungan.
Napabuntong hininga ako bago ako nag doorbell.
15 minutes ako naghintay. Pero walang nagbukas ng gate. Gusto ko maiyak.
Mahigit isang oras na ako naghintay ngunit walang Andrei na lumabas.
Dami tumatakbo sa isip ko. Pero hindi ako susuko. Babalik ako.
Paalis na ako ng makita ko ang sasakyang paparating.
Si Andrei!
Inayos ko ang sarili ko at agad ko tinakbo ang sasakyan na huminto sa tapat ng gate.
" Andrei! Please, let's talk " nagsusumamo kong sabi sa knya hbng nakatunghay sya sa bintana ng kotse.
" Gabbie what else is there to talk about? Tanggap ko na ang ginawa mo noon.. Di ako makapaniwala na may lakas ka pa ng loob na kausapin ako "
ini-off nya ang ignition ng kotse. Ngumiti ako sa kanya ng makita ko pababa sya ng sasakyan.
" thank you Andrei "
" I'm only giving you ten minutes, sabihin mo na ang gusto mong sabihin may lakad pa kami ni Meg "
ouch!
" I'm sorry Andrei. Gusto ko ihingi ng tawad ang ginawa ko pananakit sayo, gusto ko sanang--- "
" nothing can ease the pain Gabbie, I hate you because of it "
natigilan ako.. Ang sakit!
" you're part of my past. But the past still hurts me.. Di ko makapa ang kapatawaran sa puso ko dahil sa pang iiwan mo ng ganun lang "
napanganga ako. Di ko inexpect ang eksenang ito..
" I don't want to be harsh on you Gabbie but you also weren't gentle when you broke my heart so what's the point of being gentle? "
napatango ako at napayuko saka humugot ng malalim na hininga.
" I deserve that Andrei "
Ilang sandali na namayani ang katahimikan sa pagitan namin.
" I don't have time kailangan ko ng umalis, just say what you want to say Gabbie "
" I wanted to say... I'm sorry Andrei " pilit ko nilalabanan ang mga luhang kanina pa gusto magwala.
" that's what you said a while ago. Yun lang ba talaga ang gusto mo sabihin? Sinasayang mo oras ko " nag iwas ng tingin si Andrei ng makita nya ang namumuong mga luha sa gilid ng mga mata ko.
" hindi totoo na hindi na kita mahal Andrei " napayuko ako at di na napigilan ang umiyak.
" it was the hardest thing to do. To say that I don't love you when in fact I still do. Kailangan ko saktan ka para maniwala ka at iwan ako "
" para saan Gabbie? Bakit kailangan mo gawin un? Para sa ipinaglalaban mong space? Para sa freedom? Oh dahil talagang di mo na ko mahal! "
" no! no! no! Andrei No! Mahal kita.. I was a fool when I've done that.. I regret it.. I love you " umiiyak kong tugon sa kanya.
" stop lying Gabbie I hate liars "
" I know but I'm not lying now.. Mahal kita Andrei.. Please forgive me "
" hinihintay na ako ni Meg.. bye "
" Andrei! "
BINABASA MO ANG
Why Can't It Be (ON GOING SERIES)
General Fiction" una ka naging akin.. una mo akong minahal.. Pakiusap ako na lang ulit.. Tayo na lang ulit... " - GABBIE