" are you okay? " tanung ni Tina saakin. Isa sya sa mga malapit na kaibigan namin ni Andrei.
" oo naman " ngiti kong sagot.
" naging masaya ka ba ng mawala si Andrei sa buhay mo? "
umiwas ako ng tingin.
Damn! Kailangan ba talaga itanung nya pa yun?
" ano bang tanung yan Tina " tugon ko na hindi tumitingin saknya.
" sagutin mo lang Gabbie.. Naging masaya ka ba? "
" ou naman.. Naging malaya ako eh " sagot ko na hindi pa rin nakatingin sa kanya. Itinuon ko ang mata ko sa niluluto ko.
" pwede mo lokohin ang mga tao sa paligid mo pero di mo maloloko ang sarili mo Gabbie "
saglit ako natahimik sa sinabi nya.
" I said I'm okay " tugon ko ng humarap ako kay Tina.
Nakatitig lang si Tina saakin na tila binabasa kung anu nasa utak ko.
" change topic na nga.. " pagiiba ko sa usapan.
" alam mo ba pinagdaanan ni Andrei ng maghiwalay kayo? "
hindi ako kumibo. Nagpatuloy ako sa ginagawa ko.
" naging miserable ang buhay nya Gab "
hindi pa rin ako kumibo at nagpatuloy sa ginagawa kong pagluluto.
" hanggang kailan ka magiging masaya sa kalayaang sinasa-- "
" enough na Tina " hindi ko na hinayaan tapusin nya ang sinasabi nya.
" I'm sorry " paumanhin niya
" Its okay.. Ayoko na pagusapan si Andrei. Tapos na ang samin.. "
" concerned lang naman ako eh.. Alam namin hindi totoong okay ka.. Hindi ganun kadaling maka move on Gabbie.. "
" I'm okay " mahina kong tugon.
Okay nga lang ba talaga ako?
Okay ako ng mawala kami. Wala ng nagtatanung kung nasan ako.
Okay ako ng mawala kami. Wala ng nagtatanung palagi kung kumaen na ba ako.
Okay ako ng mawala kami. Wala ng naghahatid sundo sakin sa trabaho.
Okay ako ng mawala kami. Wala ng nagtetext at tumatawag para sabihin ang mga salitang I love you at I miss you.
Okay ako ng mawala sya. Wala ng nagpapatawa pag malungkot at badtrip ako.
Okay ako ng mawala sya... Okay ako... Okay nga ba ako?
Shit!
Bakit bigla ko sya namis? What have I done?
" Tina... Anu balita mo sa kanya? " tanung ko
napatingin sakin si Tina.
" akala ko ba ayaw mo na sya pagusapan? "
" ha.. Ah eh gusto ko lang makibalita kung kumusta na sya.. k-kung okay na ba sya "
" I think he's okay now.. Nagkita kme nung isang araw sa Ortigas.. He's with someone.. I don't know who she is " mahabang paliwanag ni Tina.
" ah talaga? Good to hear that.. I mean atleast okay na sya.. Naka move on.. na sya "
saka ako tumalikod at muling hinarap ang pagluluto.
Bakit nasaktan ako ng marinig kong may kasama sya?
May iba na kaya si Andrei?
Girlfriend nya kaya yung kasama nya?
Bakit ang bilis?
Oh God! Ayoko maramdaman to. I'm okay without him and I don't care kung sino mang panget na babae ang kasama nya.
I DON'T CARE!
BINABASA MO ANG
Why Can't It Be (ON GOING SERIES)
General Fiction" una ka naging akin.. una mo akong minahal.. Pakiusap ako na lang ulit.. Tayo na lang ulit... " - GABBIE