17. THE FACE OFF

28 0 0
                                    

" Gabbie? " kitang kita ko ang pagka gulat sa mukha ni Meg.

Dahan dahan ako lumapit sa kanya.

" hi.. Can we talk? "

tinitigan ako ni Meg saka siya ngumiti.

" sure... I mean anu ba paguusapan? "

casual nyang tanung. Anu nga ba paguusapan namin?

Oh God panu ko uumpisahang sabihin sa kanya na si Andrei ang ipinunta ko?

" san mo gusto magusap tau Gabbie? Dito o sa cafe na lang? "

" ikaw ang bahala Meg "

" okay dun na lang tayo, saglit at bilinan ko lang mga tao ko "

agad sya tumalikod at nilapitan ang babae.

" kayo muna ang bahala dito, may kakausapin lang ako.. Pag tumawag si Mrs. Esguerra pakisabi okay na ung mga bulaklak idedeliver na lang "

" yes ma'am "

agad na lumakad palapit si Meg saakin. Kinuha niya lang ang susi ng kotse at bag nya at nagyaya na sya umalis.

" shall we? " ngiting yaya niya saakin.

Tumango lang ako at nauna na ako lumabas ng shop.

Nasa sasakyan na kami ni Meg.

Pareho kami walang imik.

Bilib din ako sa lakas ng loob ko na gawin ito.

Pero di na ako makakapaghintay na makababa pa kami. Nagsimula na ako magsalita

" its about Andrei "

napansin ko natigilan si Meg.

" w-what about him? "

tanung niya habang patuloy sa pagmamaneho.

" I want him back! "

naihinto ni Meg ang sasakyan at tumingin saakin.

" pardon? "

" I said I want him back "

tugon ko na hindi tumitingin sa kanya.

Natawa ng pilit si Meg at pinaandar ulit ang sasakyan. Ihininto niya ito sa gilid at matagal na nakakapit sa manibela habang hindi umiimik.

" Meg I know this is awkward but.. "

" but you still love him.. "

dugtong niya na hindi pa rin tumitingin saakin.

" di magagawang bumalik ni Andrei sakin hanggat andyan ka.. So please.. Iwan mo sya at hayaan mo kami maging masaya "

natawa si Meg atsaka tumingin saakin.

" Gabbie naririnig mo ba sinasabi mo? You're asking Andrei's girlfriend to leave him para lang maging kayo ulit? Ganyan ka ba talaga? Uutusan ang kapwa mo na gawin ang isang bagay dahil lang gusto mo? Di mo man lang ako tanungin kung gusto ko ba gawin ang pinapagawa mo? Oh God Gabbie give us some respect "

" I'm not asking a favor Meg.. I command you to leave Andrei "

" that's the stupid thing I ever heard in my entire life Gabbie "

" stupid na kung stupid.. Leave Andrei alone "

nagsimula ng mairita si Meg.

" I'm his girlfriend.. You're just an ex.. Don't tell me what to do "

" ako pa rin ang mahal ni Andrei Meg, ayaw ka lang niya masaktan kya di nya magawang bumalik saakin.. You see pinipigilan mo maging masaya ang dalawang tao "

" nonsense conversation.. I have to go marami pa ako trabaho "

" Meg stay away from Andrei.. Its not a favor its an order "

" how dare you talk to me that way "

bumaba si Meg ng sasakyan. Sumunod ako.

" anu ba gusto mo mangyari Gabbie? Di ko maintindihan takbo ng utak meron ka.. "

kumuha sya ng sigarilyo at sinindihan ito.

" mahal na mahal ko si Andrei at gagawin ko lahat bumalik lang sya saakin "

" you know what Gabbie? Ang kapal ng mukha mo "

" sabihin mo na gusto mo sabihin "

" iniwan mo si Andrei after four long years and then out of the blue babalik ka para lang guluhin kami? That's pathetic "

" I was a fool ng gawin ko yun di ako nag isip, nasaktan ko siya pero pinagsisihan ko na yun.. And now I'm here at babawiin ko ang dating akin "

" anu ba tingin mo kay Andrei? Laruan? No Gabbie hindi ko gagawin ang gusto mo.. He's mine now at bahagi ka na lang ng nakaraan nia.. Isa kang bangungot na sigurado ako di na niya gustong makita pa sa panaginip nya. So better leave him alone "

Why Can't It Be (ON GOING SERIES)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon