6. HOLDING BACK

39 0 0
                                    

Isang linggo na ang lumipas mula ng iwan ako ni Gabbie.

Hindi ako sumuko. Hindi ako humintong mahalin sya.

Araw araw ako pumupnta sa kanila para lang masilayang ang mahal ko. Kuntento na ako sa ganito.

Pauwi na sya ng gabing iyon ng naglakas loob ako humarap sa kanya.

" Gabbie "

napahinto sya at dahan dahan lumingon sa direksyon ko.

Napaka ganda ni Gabbie.

" Andrei? " tanung nya na nagtataka

" hi " tipid kong sagot habang dahan dahan ako lumalapit sa kinatatayuan ni Gabbie.

" bakit nandito ka? " tanung nya sa malamig na tono

" w-wala gusto lang kita makita " wala ako nakitang reaksyon sa mukha nya ng sabihin ko yun. Masakit isipin na mukhang hindi sya naapektuhan ng nangyari saamin

" Gabbie... "

" umuwi ka na " sabay talikod ni Gabbie at nagsimula na itong humakbang.

" Gabbie sandali... " habol ko

lumingon sya " what? "

" Gabbie please magusap tayo... " nagmamakaawa kong hiling sa kanya

" anu pa ba paguusapan natin? Look Andrei tapos na tayo parang awa mo na tigilan mo na ako " naiirita nyang tugon. Tumalikod sya at humakbang muli palayo saakin.

Hinabol ko sya at hinawakan sa kamay

" Gabbie wait... "

" anu ba? Bkt ang kulit kulit mo? Do I have to spell it out for you to understand? " inis na si Gabbie alam ko.

" hindi ko kaya... " naiiyak kong tugon. Yumuko ako. Hindi ako nagpapaawa sa kanya. Hindi ko lang talaga kaya mawala si Gabbie

" pwes kayanin mo! Paulit ulit lang tayo Andrei. Hindi mo na mababago ang desisyon ko. Ayoko na! "

lumapit ako sa kanya at niyakap sya ng mahigpit.

" Gabbie no... Please "

buong lakas akong itinulak ni Gabbie.

" Anu baaa??? Utang na loob tantanan mo na ako... "

tinitigan ko sya. Nagtitigan kami.

" okay Gabbie.. Hindi ko na ipipilit na bumalik ka sakin. Hindi ko na ipipilit na mahalin mo ako ulit.. Pero sana Gab.... " napayuko ako at muli ko sya tiningnan.

"...sana Gab hayaan mo ako mahalin ka.. Hayaan mo ako mahalin ka Gab "

daig ko pa ang babae. Sakanya lang ako umiyak ng ganito. Kay Gabrielle lang.

" pinahihirapan mo lang lalo ang sarili mo Andrei... Move on! "

yun lamang at tuluyan na sya tumalikod saakin. Naiwan ako parang estatwa.

Bakit naging ganun katigas ang puso ni Gabbie saakin?

Kahit paulit ulit nya ako ipagtulakan. Sakanya pa rin bumabalik ang puso ko. Kay Gabbie pa rin.

Why Can't It Be (ON GOING SERIES)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon