4. PUSHING HIM AWAY

48 0 1
                                    

I've been harsh to him I know Iam. Naiinis na talaga ako sa kakulitan nya.

" umuwi ka na Andrei "

umiling lang ito at yumuko. Alam ko nagsisimula na syang umiyak. At kailangan ko maging matatag.

" kung ano naging desisyon ko yun na yun.. Goodnight "

saka ako tumalikod.

" Gabbie! " sigaw niya. Di ako lumingon pero saglit akong huminto.

" Gab please wag mo gawin to, mahal na mahal kita " nagsimula ng gumaralgal ang boses ni Andrei.

Muli ko syang hinarap. Lumapit ako sa kanya at hinawakan ko sya sa magkabilang pisngi.

" we need to grow up Andrei " hinawakan nya ang mga kamay ko at hinalikan ito.

" kung talagang tayo kahit maghiwalay tayo ngayon magiging tayo pa din " mahinahon kong paliwanag sa kanya. Umiyak na si Andrei ng mga oras na yun. Masakit sakin pero kailangan eh. Kailangan namin mag grow pareho ng wala sa piling ng isa't isa.

" ayoko! Ayoko Gab ayoko! "

" I'm sorry Andrei hindi na magbabago ang desisyon ko.. "

" pero mahirap nga ang hinihingi mo Gab.. Hinihingi mo ang pinakamalaking bahagi ng pagkatao ko " puno ng pagsusumamo ang mga mata niya. Ewan pero para akong namanhid. Wala na ako maramdaman.

" malaking bahagi din ng pagkatao ko ang ibinuhos ko sayo at sa relasyon natin Andrei. Hinihingi ko na maibalik yun saakin.. I want my freedom wag mo naman ipagkait " nagsisimula na din ako maiyak.

" sa ganitong paraan? Hindi naman kita sinasakal di ba? Gabbie please... " pilit nya akong niyakap ngunit nagpumiglas ako.

" Andrei anu ba! Tama na.. Ayoko na! Yan ba ang gusto mo marinig? Ayoko na! "

muli na naman ako nagtaas ng boses. Yinakap nya ako ulit. Nagpupumiglas ako sa higpit ng pagkakayakap nya. Gumagawa na kme ng eksena ng gabing iyon.

" Andrei let me gooo! "

" no Gabbie, di ako papayag sa gusto mo ayoko "

" Andrei bitiwan mo ako anu baaa! "

" Gabbie mahal mo ako, db? Mahal natin ang isa't isa hindi natin to kailangang gawin " patuloy sya nakayakap sakin. Nakakuha ako ng pagkakataon para maitulak sya.

Nawalan ng balanse si Andrei at napaupo ito. Isinubsob niya ang mukha nya sa mga tuhod nya habang umiiyak.

" hindi na kita mahal Andrei tanggapin mo na yun " alam ko sa sarili ko na nagsisinungaling ako. Mahal ko si Andrei gusto ko lang talaga magkanya kanya muna kami. Magkaron ng magkahiwalay na mundo. Nakakasawa na nasa iisang mundo lang umiikot ang pagkatao namin.

Tumingala sya sakin.

" hindi Gabbie.. Nagsisinungaling ka. Alam ko mahal mo ako " tumayo sya at akmang yayakap sakin. Umatras ako.

" hindi na kita mahal Andrei.. Hindi na! "

" Gabbie... " humagulhol na si Andrei. Hindi ko na kayang makita syang ganun tumakbo na ako papasok ng bahay at iniwan si Andrei sa ganung kalagayan.

Why Can't It Be (ON GOING SERIES)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon