Naging mahirap sakin tanggapin ang nangyari samin ni Gabbie. Akala ko nun hindi ko na magagawa ang ngumiti. Akala ko hindi ko na magagawa ang maging maayos ulit. Buhay at trabaho ko ang naapektuhan sa ginawa ni Gabbie.
Hanggang sa dumating sa buhay ko si Megumi.
" hi are you okay? " narinig kong tanung ng isang babae. Hindi ko halos sya maaninag dahil sa pagkalasing ko.
Inangat ko lang ang kamay ko para sabihing okay ako. Kahit hindi.
Akmang tatayo na ako ng bigla ako mabuwal. Agad akong inalalayan ng babae.
" okay nga " bulong nya habang nakakapit sya sa bewang ko para alalayan ako. Kahit lasing ako naramdaman ko ang lambot ng katawan nya. Ang bango ng katawan at hininga nya. Nagigising nya ang pagkalalaki ko.
Yumuko ako para titigan sya. Maliit lang sya kumpara kay Gabbie.
" may kotse ka ba? " tanung nya
tumango lamang ako. Nahihilo talaga ako sa dami ng alak na nainum ko.
" halika ituro mo na lang saakin " pilit nya ako inaalalayan kahit hirap na hirap sya.
" okay lang ako miss-- "
" Megumi.. Just call me Meg " nakangiti nyang tugon. Para syang anghel sa paningin ko.
" are you sure okay ka lang? I can drive.. Papadala ko na lang sa driver ung kotse ko " alok nya
" yeah I'm okay ipapahinga ko lang toh " saka ko inayos ang sarili ko.
" okay.. Next time hinay sa pag inum " ngiti nya saakin.
" salamat " tugon ko.
" nasa kabilang table lang ako if you need help " itinuro nya ang table kung san sya nakapwesto sa loob ng bar na yun.
Tumango lamang ako. Umalis na sya at umupo sa pwesto nya.
Hindi lamang iyon ang unang pagkikita namin ni Meg. Gabi gabi ako pumupunta sa bar na yun para makita syang muli.
Ikatlong gabi ng muli kaming magtagpo.
" hi " ngiti nya saakin. Agad ako tumayo para alalayan syang umupo.
" thank you "
" Meg.. gusto ko magpasalamat sayo.. About nung nakaraan "
ngumiti lamang sya saakin.
" pasensya ka na " nahihiya kong paumanhin.
" its okay kahit di mo sinabi pangalan mo " irap nya ngunit nakangiti pa rin.
Napakamot ako ng ulo habang nahihiyang ngumiti sa kanya.
" its okay.. Now pwede mo na ba sabihin ang pangalan mo? "
" Joe Andrei... " inilahad ko ang kamay ko sa kanya
" nice to meet you Joe " ngiti nya. Ayoko tinatawag akong Joe pero bakit nung sya ang nagbanggit parang ang sarap pakinggan.
" same here... " sagot ko.
Un ang naging simula ng magandang pagkakaibigan namin ni Meg.
Ang pagkikita na yun ay nasundan pa.
Masasabi kong isa syang malaking tulong para makalimutan ko kahit konti ang sakit ng pag iwan sakin ni Gabbie.
BINABASA MO ANG
Why Can't It Be (ON GOING SERIES)
General Fiction" una ka naging akin.. una mo akong minahal.. Pakiusap ako na lang ulit.. Tayo na lang ulit... " - GABBIE