3. TAKING CHANCES WITH GABBIE

55 1 0
                                    

Ano ba naging mali ko sa relasyon namin ni Gabbie?

Mahal ko naman sya. Mahal na mahal actually. Pero bakit parang hindi yun naging sapat sakanya?

Napapagod at nagsasawa na daw sya. Saan?

Bakit ako di ko maramdaman yun? Mas gusto ko nga lagi kami magkasama.

Hindi ko sya maintindihan. Ang labo.

Sa apat na taon namin ni hindi ko nagawa tumingin sa ibang babae.

Sa kanya lang ang atensyon ko.

Madami nga mga babae na naghahanap ng ganitong relasyon. Yung faithful ang lalake. Bakit sya parang ayaw nya? Weird!

Pinilit ko sya kausapin. I've been calling her 40 times to be exact pero hindi nya sinasagot tawag ko. I even sent her 55 text messages pero walang reply.

What have I done para magkaganito ang girlfriend ko?

I need to talk to her. Ayoko maghiwalay kame. Mahal na mahal ko si Gabbie.

" pre " tawag ni Mike sakin. Lumapit sya at tinapik ako sa balikat

" oh pre "

" malungkot ka ata parekoy.. " ungkat nya. Masyado ba ako halata?

Ngumiti lang ako at dumampot ng bato. Itinapon ko yun at tumingin ako sa malayo.

" tara iinom natin yan " nag aya uminum ang loko. Patulan ko kaya? Tama iinom na lang ako. Bka sakali kausapin ako ni Gabbie pag nalaman nya uminom ako.

" tara " sagot ko sakanya. Agad kami pumunta sa isang bar. Tig isang bucket kmi ni mike para solve.

" ano ba problema drei? " yan ang tawag sakin ng mga tropa ko.

Teka di naman siguro masama magsabi kay Mike. Tropa ko naman sya.

" si Gabbie pre " bungad ko

" oh anu nangyare kay Gab?

" nakipaghiwalay "

" what? " takang tanong nya. Pati sya nagtaka. Wala kasi talagang mali.

" oo pre.. Gusto daw nya ng sace napapagod at nagsasawa na daw sya " sabay tungga ko ng isang bote.

" ganyan talaga mga babae pre magugulo ang utak " naiiling na sagot nya

" di ko lang maintindihan san ako nagkamali "

" naku parekoy nagpapalambing lang yun.. Tingnan mo pag di mo yan pinansin sya naman maghahabol sayo " nakangiti nyang payo sakin.

" ewan ko, knowing her di sya ang tipo na maghahabol " tungga ulit ako.

Naubos namin ang iniinum namin. Mejo may tama na ako palibhasa di ako sanay uminom.

I need to see Gabbie. Gusto sya makita at makausap.

Hinatid ko lang si Mike saka ko pumunta kila Gabbie.

Bukas pa ang ilaw ng kwarto nya. Gising pa ang mahal ko.

Tinext ko sya at sinabi ko dumungaw sya sa bintana. Naghintay ako ng ilang minuto pero walang Gabbie na dumungaw.

Tinawagan ko sya pero di sya sumasagot.

" Gabbie! " sigaw ko

" Gabbie magusap tayo " wala ako pakialam sa mga nasa paligid ko. Gusto kausapin si Gabbie.

" Gabbie! Pakiusap kausapin mo ako! "

pero walang Gabbie na sumagot.

" Gab! Gabbie lumabas ka magusap tayo! "

maya maya ay narinig ko bumukas ang gate.

Si Gabbie!

Agad ako lumapit sa kanya

" kala ko matitiis mo ako eh " nakangiti kong sabi sakanya

" what the hell are you doing? " galit nyang tanong

" gusto ko lang kausapin ka, magusap tayo "

" ng nageeskandalo? " di ako nakasagot. Napayuko ako

" I'm sorry " un lang ang nabanggit ko

" umuwi ka na " pagtataboy nya sakin. Hinila ko sya sa kamay. Nagkalapit ang mga katawan namin. Nagkatitigan. Hinalikan ko sya. Ngunit itinulak nya ako.

" ano ba Andrei mahiya ka nga sa ginagawa mo nsa kalsada tayo " galit na sabi nya

wala ako pakialam ang gusto ko bumalik sya sakin. Pero mukang hindi ganun ang mangyayari. Lalo ko ata pinalayo ang loob nya.

Why Can't It Be (ON GOING SERIES)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon