13. ANDREI

30 0 0
                                    

" Andrei! "

kitang kita ko ang paghihirap sa mga mata ni Gabbie. Parang hindi ko sya kayang iwan sa ganitong sitwasyon.

" Andrei please... I'm sorry "

humarap ako sa kanya at pilit nilabanan ang nabubuhay na damdamin ko para sa kanya.

" Gabbie please... wag mo na ako guluhin..tahimik na ako at masaya na ako kay Meg "

bakit ba nangyayari ito? Tumalikod ako sa kanya para pumasok sa kotse ngunit yumakap sya mula sa likuran ko.

" ako ang mahal mo Andrei hindi si Meg.. Pakiusap tayo na lang ulit "

pilit ko tinanggal ang pagkakayakap ni Gabbie saakin. Humarap ako sa kanya at hinawakan ko sya sa magkabilang braso. Hilam sa luha ang mga mata ng dating babaeng nagpapaikot sa mundo ko.

" Stop! Tigilan mo to Gabbie! "

" No I won't stop loving you.. Ako naman talaga ang mahal mo di ba? Please Andrei tayo na lang ulit "

" Gabbie enough! Mahal ko si Meg.. Sana ganun kadali.. Sana ganun kadaling maging tayo ulit.. Kaso hindi.. Masyado pa masakit.. Dito oh.. Sagad dito.. Baon na baon sa puso ko ang ginawa mo.. "

napayuko si Gabbie habang humahagulhol.

" Gab.. akala mo ba ganun lang para sakin ang ginawa mo? 4 years Gabbie apat na taon na wala ako ibang ginawa sa buhay ko kundi ang mahalin ka lang.. Sa isang iglap bigla mo ako iiwan dahil lang sa gusto mo ng space.. Un lang ang binigay mong dahilan sakin.. Nagmakaawa ako sayo di ba? "

" Andrei you don't understand... "

napakamot ako at napahawak sa ulo ko.

" ano ang hindi ko maintindihan sa ginawa mo? Ano???? "

hindi sya makapagsalita.. Hikbi lamang ang narinig ko sa kanya.

" kung wala ka na sasabihin aalis na ako.. Kalimutan mo na ako Gabrielle... Move on "

hindi ko na hinintay na magsalita sya. Agad ako pumasok sa kotse at pinatakbo ang sasakyan.

Kung san ako pupunta yun ang hindi ko alam.

Why Can't It Be (ON GOING SERIES)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon