Kabanata 3

59 6 0
                                    

Nagising ako sa tilaok ng manok, dito ako natulog pansamantala sa kwarto ni Aling Camila. Bumangod na agad ako at niligpit ang pinag higaan.

Nagtungo ako sa labas at doon ko nadatnan na nandun na naman yung babaeng kausap kahapon ni Antonio, nag kukwentuhan sila. Nalipat ang tingin ko kay Aling Camila na galing kusina at may dalang kaldero, nag hahayin siya kaya agad ko siyang sinalubong para kuhain ang kaldero sa kanya at ako na ang mag lagay sa lamesa.

Napansin siguro ako nila Antonio kaya binati niya ako, kaya binati ko rin sila at bumalik rin sa kusina. Nakasalubong ko ulit si Aling Camila na dala ang isang mangkok na may laman na ulam, nginitian ko siya kaya tumango siya. Kumuha ako ng plato at mga kutsara.

Habang kumakain ay iniisip ko kung paano ko sisimulang hanapin ang gamot na aming kailangan. Hindi naman siguro nila alam yung gamot na iyon, paano ba ito.

"Binibini, may problema ba?" halos mapatalon ako ng mangibabaw boses ni Antonio sa kalagitnaan ng aking pag iisip.

Tiningnan ko silang naroon, lahat sila ay nakatingin sa akin. Napalunok ako at inubos muna ang laman ng aking bibig bago magsalita.

"H-ha? W-wala wala." sambit ko saka yumuko ulit.

Pagkatapos kumain ay namili si Aling Camila ng mga sangkap sa lulutuin niyang tinda sa kaniyang karinderya. Nagpunta muna ako sa karinderya nila dahil wala pa namang luto at sarado pa sila. Naupo ako sa upuan na nandoon at tulala.

Lumipas ang oras isang kalesa ang aking nakita na tumigil sa harap ng bahay nila Aling Camila, nakita ko siyang bumaba kaya agad akong lumapit para kuhain ang kaniyang mga pinamili. Pero sa pag lapit ko sa kaniya ay may nahagip ang aking mata na isang tao na nag tatago sa likod ng malaking puno, tila pinagmamasdan ako?

Pinilit kong huwag isipin iyon, bumaling ako kay Aling Camila para sabihin na ako na lang ang magbubuhat ng mga ilang pinamili niya bukod sa isang nasa kahon.

Nang akin ng bubuhatin ang isang bayong ay agad may kumuha sa aking kamay, nag angat ako ng tingin para tingnan kung sino iyon, Si Antonio na walang kareak-reaksyon ang mukha.

"Hindi ka dapat nag bubuhat ng mga bagay na mabibigat." mabigat? Kahit nga pitonh taon kayang buhatin ang nasa bayong, mga gulay lamang naman iyon.

"Ginoo, hindi naman ako lampa o kung ano pa man para hindi mag buhat ng isang bayong na ang laman lang ay puro gulay." asik ko sa kaniya. Napaiwas naman siya ng tingin at agad na binitawan ang bayong at tuloy tuloy pumasok ng bahay.

'Ha! Hindi niya ba alam ang salitang GENTLEMAN kaya iniwan niya pa rin dito itong bayong?' sambit ko sa sarili ko.

'Ikaw naman kasi, sinabi mo pa na hindi ka lampa.' sagot naman ng aking isipan.

Dala ko ang bayong ng may inis sa aking mukha. Nakita ako ni Aling Camila na ako ang nag dadala niyon kaya narinig ko si Along Camila na sinasabihan si Antonio.

Ibinaba ko sa kusina ang mga gulay at akmang iinom ng tubig ng maunahan ako ni Antonio sa water jug. Tiningnan ko siya at pinag masdan, ang katangusan ng kaniyang ilong at ang adams apple niya na panay taas baba.

'Drianna what are you thinking'

Nang matapos na siyang makakuha ng tubig ay agad akong naglagay ng tubig sa baso para makainom, uhaw na uhaw ako na para bang tumakbo.

Dalawang araw pa lang ako rito, dapat ay makilala ko ng husto ang lugar na ito, itong buong Cavite para kahit papaano ay alam ko kung saan ako dapat pumunta. Oo, alam ko ang cavite pero ang kilala kong Kawit Cavite ay yung nasa kasalukuyan, wala naman sigurong nag bago dito?

Matapos uminom ay sumunod ako kay Aling Camila para tulungan siyang mag luto ng ihahanda niya sa kanyang karinderya. Ito ang unang beses na mag luluto ako kasi hindi naman nag luluto sa bahay namin at kapag kasama ko naman mga kaibigan ko ay sila ang nagluluto o di kaya naman ay sa labas na lang kami kakain para walang hugasan.

Tinanong ko si Aling Camila kung ano ang aking maitutulong kaya agad niyang itinuro sa akin na mag hiwa ako ng mga bawang at sibuyas. Ihanda rin ang mga gulay, manok at baboy.

Naeenjoy ko ang ganitong bagay, atleast kahit papaano ay matututo ako magluto ng iba't-ibang putahe. Kahit nag hihiwa pa lang ako ng sibuyas at bawang ay iniisip ko na kung ano ang magiging lasa ng aking lulutuin sana ay masarap ang lasa ng kalabasan.

Natapos na naming lutuin ang kare-kare at menudo kaya sinimulan na rin ni Aling Camila na buksan at ayusin ang kaniyang karinderya, habang ako ay patuloy sa pagluluto dahil sinabi naman niya sa akin ang mga instruction.

Narinig kong may pumasok sa kusina dahil sa yapak ng paa, tiningnan ko iyon at si Antonio nakatingin sa niluluto ko kaya agad akong nag taka.

"A-ano ang iyong kailangan ginoo?" tanong ko.

"Si Angelito nasa lab—" hindi ko na siya pinatapos dahil agad ko siyang pinigilan.

"Ikaw na muna bahala dito sa lutuin pupuntahan ko lang si Angelito sa labas." ibinigay ko sa kaniya ang mga sandok para ipagpatuloy ang pag luluto habang ako ay nasa labas.

Nakita ko si Angelito na naka upo sa may karinderya ni Aling Camila, kaya tinawag ko siya.

"Angelito!" pag tawag ko nun ay tumakbo siya papunta sa akin, niyakap ko naman siya.

"Magandang umaga binibini." gaya ng ibang ginoo ay tinapat niya ang kaniyang sumbrero sa dibdib at yumuko.

Hindi ko napigilang pisilin ang kaniyang matabang pisngi at tumawa. Nabati na pala niya si Aling Camila, sinabi ko kay Angelo na dito muna siya sa labas dahil babalikan ko ang naiwan kong niluluto sa kusina.

Tumango siya kaya iniwan ko muna siya kasama si Aling Camila. Pag balik ko sa kusina ay nakita kong nag gigisa? Oo nag gigisa pero teka luto na ba ang iniwan ko sa kaniyang niluluto.

"A-antonio n-nasaan na yung niluluto ko?" tanong ko sa kaniya hindi ko alam kung bakit bigla na lang akong nauutal pag dating sa kaniya.

Humarap siya sa akin at sinagot ang aking tanong.

"Tapos na siyang lutuin, nilagay ko muna sa lamesa." napatango ako sa kaniya. Lumapit ako kung saan naroon ang naluto ng putahe, hinanap ko muna ang mga pot holder nila para mabuhat ang dadalhin sa labas.

Nang makita ko na ang pot holder nila ay agad ko iyon kinuha at binuhat ang niluto. Wala pang gaanong bumibili dahil kokonti pa lang ang putaheng nakahanda doon.

Nakailang pabalik balik ako sa labas at kusina para ihatid ang natatapos ng lutuin. Ang naka handa sa labas ay mga kaldereta, paella, kare-kare, menudo at mga gulay na ginataan.

Paglabas kong muli ay dagsa na ang mga bumibili sa karinderya ni Aling Camila kaya naisipan kong tulungan siya, kahit ako na lang ang mag takal ng mga bibilhin ng mamimili.

Nandito pa rin si Angelito na habang ako ay nagtatakal ay nag kukwento siya na siyang ikinatuwa ko. Si Angelito ay may pagka madaldal na taglay, masiyahin din siya.

Bandang Hapon ay gulay na lang ang tinda ni Aling Camila as in ubos na ang mga manok at baboy, tanghali na nakapagluto si Aling Camila pero agad ding naubos ang kaniyang mga tinda dahil dinagsa siya ng mamimili.

Well, masarap naman talaga mag luto si Aling Camila, unang araw ko rito sa kanila or kahapon ay pinatikim nila sa akin ang isa sa mga putahe na kanilang madalas lutuin.

Ala sais na at nakapag ligpit na kami dahil naubos lahat ng tinda ni Aling Camila. Maaga siyang makakapag pahinga. Tapos na rin kaming mag hapunan kaya't napag pasiyahan ko na lumabas muna saglit.

Nakatingin lang ako sa kalangitan, ang kalangitan na may maliwanag na buwan at libo libong bituin na siyang nag bigay pa ng liwanag. Hindi ko mapapagkaila na magandang tingnan at pag masdan ang kalangitan lalo na ang buwan.

"Gusto kong maranasan maging isang buwan," sambit ko.

"Bakit mo naman nais maging isang buwan binibini?" nagulat ako ng marinig ang boses na iyon.

"Dahil nais ko ring tingalain ng mga tao, mahalin, kung paano nila minamahal ang buwan, iyon ang aking nais ngunit malabo iyong mangyari." malungkot kong sambit.

"Kung ano ang pakiramdam na may tunay na nagmamahal sa iyo."

Heartless: Drianna Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon