Wakas

68 2 0
                                    

Thank you for reading and supporting Drianna and Antonio's story!! Please bear with the typo hindi pa po sila edited. Hindi ako isang mahusay na manunulat pero hinayaan niyo akong maibahagi sa inyo ang kwentong nais kong maibahagi. Kita kits tayo sa susunod kong nobela!!

——————

Simula ng dumating si Drianna sa panahong iyon ay nasusubaybayan ko lahat ng kanyang kilos. Noong una ay hindi ko ako nagpapakita sa kanya dahil alam kong alam niya ang kanyang ginagawa.

Pero nang mapansin kong nababaliktad ang ginagawa niya ay nagpakilala na ako sa kanya. Nais ko siyang ilayo sa bagay na makakapag pahamak sa kanya pero masyado na yata akong huli dahil mukhang hulog na hulog na siya.

"Totoong ikaw ay aking mahal, hindi dahil nakikita ko sayo si Marcel at ang kasal namin ay hindi talaga tinuloy dahil napag alaman na si Marcel ay isa sa mga kasabwat ng aming kalaban." nang marinig iyon ni Drianna ay natahimik siya.

Palihim siyang ngumingiti, napailing na lang ako dahil wala na talaga siyang kawala, hindi na rin yata niya naaalala ang nag iisang patakaran bago sila mapunta sa makalumang panahon.

Nang namatay ang tatay ni Antonio ay wala siyang ginawa kundi ang manatili sa tabi nito. Habang ako ay sinusubaybayan lang siya at nagpakilalang kaibigan.

Minsan na din siyang nanaginip tungkol sa Marcelino na iyon, pinagpipilitan niya na buhay pa si Marcelino dahil sa pag aakalang may maitutulong ito sa kanya.

Tulala na naman siya marahil ay iniisip niya si Marcelino, ang taong nanghingi ng tulong sa kanya. Bihira lang siya magkwento ukol sa gamot dahil masyado siyang mailap. Hindi agad siya nagtitiwala kahit kanino, sinanay siya ng mga De Leon na huwag agad mag tiwala.

Kilala ko ang mga De Leon isa silang sikat na pamilya sa pilipinas, mula sa lumang panahon hanggang ngayon. May mga patakaran at utos ang pamilyang De Leon na ni isa ay wala pang nakakalabag.

Tuloy sila sa pagpapalaganap ng dugong De Leon pero paano magiging De Leon ang magiging anak ni Drianna kung maski siya ay walang dugong De Leon ang nananalaytay sa kanyang katawan?

Mabait ang naging pakikitungo sa akin ni Drianna pero kahit anong pagpapakita ko sa kanya ng kabutihan ay halatang hindi isang gaya ko ang makakatanggap ng kanyang tiwala.

Tinanggal ko ang aking sumbrero at itinapat sa aking dibdib, isang pamilya na mula sa mahirap ang aking tinutuluyan. Madalas akong naghahanap kung ano na bang balita kay Drianna.

"Halina kumain na muna tayo." pag aaya sa akin ng asawa ng may ari ng bahay.

Nagpalusot na lang ako sa kanila na ako ay isang naliligaw sa kanilang lugar dahil laganap sa panahong ito ang mga rebelde, alam kong natatakot din sila dahil kung minsan ay ginagabi ako ng uwi.

Nagtataka siguro sila kung isa ba akong rebelde o ano. Nakakapagod pala ang mag imbestiga ng isang tao para lamang iligtas siya sa kapahamakan. Malaking responsibilidad ang aking gagawin dahil sa oras na hindi ko mailigtas si Drianna ay ako ang malalagot.

Napahinga ako ng malalim, tiningnan ko ang kalangitan maulap ito tila nagbabadyang pag ulan. Hindi ko alam kung may naisip na ba si Drianna na plano sa gamot o sadyang nakalimutan na niya ito.

Ang sumunod na nawala sa kanya ay ang batang si Angelito, namatay ito ng ilibing ang tatay ni Antonio. Sumugod ang mga armadong lalaki o mas kilala sa tawag na mga rebelde. Hindi nakaligtas si Angelito ng magpaulan ng bala ang mga ito.

Pinagmasdan kong makipagtalo si Drianna kay Antonio kung paano nila sasabihin sa pamilya ni Angelito ang pagkamatay ng anak nila. Hindi rin naman ibinurol si Angelito, natatakot sila na baka muling maulit ang nangyari at baka isa doon si Drianna.

Hindi niya alam kung gaano kagulo ang kasalukuyan niyang buhay. Mas pinili kong manahimik ukol sa buhay niya sa kasalukuyan para mas mabantayan ko siya at kung sakaling sasabihin ko iyon posibleng problemahin niya din iyon.

Mabuti na yung gamot na lang niya ang problemahin sa ngayon.

Mula sa aking kinatatayuan ay tanaw ko si Drianna na tulala at walang gana, ang kanyang mga mata na akala ko ay hindi na maaalis ang sigla ay napalitan ng malungkot na mata.

Paano nga ba niya nagawang umibig sa panahong iyon gayong may misyon siya. Hindi na niya kasama si Antonio dahil inihulog ito sa ilog ng dalawang rebelde. 

Hindi ko alam kung anong tumatakbo sa isipan niya ng oras na iyon, magpapatuloy pa ba siya sa paglalakbay? Hapon na ngayon at mabilis lang ang oras maya maya pa ay mag didilim na. Tanging silang dalawa lamang ni Martin ang magkasama ngayon, hindi niya nagawang tulungan si Antonio kahit pa sinabi nitong huwag siyamg bumaba.

May wastong alam siya pagdating sa pakikipaglaban pero pinilit niyang sumunod sa sinasabi ng kanyang mahal. Masyado niyang dinama ang pagbabawal ng kanyang mahal kaya ang kapalit niyon ay ang pag iwan sa kanya nito.

Pabalik balik si Drianna sa paglalakad mukhang balisa ito, sino naman ang hindi makakalimot ng ganoong sitwasyon kung pati ang kanyang dalawang malinaw na mata ay nakita kung paano ihulog sa ilog si Antonio. Umalis saglit si Martin tila maghahanap ng mabibilhan ng pagkain kaya't naiwang mag isa si Drianna.

Ilang saglit pa ay naupo siya ay may inilabas ma isang diary yata iyon at nag simulang mag sulat.

Dear Aling Camila.

"Aling camila patawad po kung hindi ko matutupad ang aking ipinangako, patawad po kung mabilis kong inagaw sa piling niyo ang inyong anak. Hindi ko na po alam kung ano ang susunod na mangyayari sa akin. Hindi ko alam kung ipagpapatuloy ko pa ang aking paglalakbay para makuha ang gamot.

Ayoko din naman po sayangin ang pinaghirapan ni Antonio na pagsama sa akin. Ibinuwis pa niya ang kanyang buhay para lamang sa akin at sa gamot. Patawad po dahil kung hindi dahil sa akin ay marahil buhay pa ang inyong asawa at anak, maging si Angelito.

Masyado po akong naging makasarili para hindi isipin ang kapakanan ng nawalay sa inyo. Antonio patawad kung hindi na natin matutuloy ang ating pagmamahalan, sinisisi ko ang aking sarili dahil sa hindi ko pag pigil sa iyo na huwag na lamang ako samahan.

Patawad din po kung ngayon pa lang ay sumusuko na ako. Kayo lang ang naging pamilya ko sa panahong ito, sa inyo ko lang naramdaman ang pagmamahal na matagal ko ng hinahanap.

Antonio aking mahal ang tanging hiling ko lang ay naway tayo ay magkita sa susunod na habang buhay, dahil asahan mo ikaw pa rin ang pipiliin ko sa sa araw araw at sa susunod na habang buhay, paalam mi amore."

                                                     Nagmamamahal
                                                             Drianna

Nakita ko siyang isinara ang kanyang diary at marahan na tumayo, napatigil siya ng makita ang baril ni Martin agad niya iyong kinuha at napatayo ako mula sa aking kinatatayuan.

Alam ko ang balak ni Drianna sa baril dahil sa mga tingin pa lang niya ay makikita mo na agad. May ilang takas ng luha ang lumandas sa kanyang pisngi at marahan na itinutok ang baril sa kanyang ulo.

'Hindi maaari ang iyong iniisip, Drianna!'

Bago pa ako makatakbo para pigilan siya ay isang putok ng bala ang umalingawngaw sa tahimik na paligid. Napatigil ako at parang may punyal na sumaksak sa akin ng marinig ko iyon at ng makita kung ano ang nasa aking harapan.

'Tinapos na niya ang kanyang misyon, hindi niya nakuha ang gamot kung kaya't buhay niya ang kanyang inialay para doon'

Heartless: Drianna Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon