Kabanata 5

43 4 0
                                    

Tanghali na ako nagising dahil napasarap ng husto ang aking tulog. Pagkagising ko ay wala ng tao sa loob ng kwarto ni Antonio kundi ako na lang.

Muling pumasok sa isip ko ang huli niyang sinabi bago ako tuluyang iwan sa kwarto niya. I decided to clean his room bago lumabas.

Parang may nagsasabi sa akin na huwag magpakita kila Antonio, dahil nandoon yung babae. Ano bang status nila ni Antonio? Hindi niya naman siguro girlfriend yun.

Palinga linga ako, nag babaka sakaling makikita si Angelo pero halos mapatalon ako ng mangibabaw ang tinig nito.

"Binibini gising ka na pala." dahil sa sinabi niya ay napunta sa amin ang tinginan ng lahat.

"Halina at nang tayo ay makapag almusal na." uupo na sana ako kung saan ako palaging nakaupo nang maunahan ako nung babae, hindi ko naman naitatanong kay Antonio ang pangalan noon dahil baka kung anong isipin.

Napatingin ako sa kaniya dahil naunahan niya ako sa aking pwesto. Kaya wala akong nagawa kundi ang umupo sa tabi ni Angelo. Nang mag simula ng kumain ay ramdam ko na ang walang gana sa pagkain, kaya sa kalagitnaan ng aming pagkain ay tumayo na ako. Alam kong walang pag galang sa pagkain ang inasal ko pero hindi ko kayang makita na ganoon ang aking nataranaw.

"Pasensya na po pero ako'y busog na. Maraming salamat po sa pagkain." saad ko at hinayaan naman nila akong umalis doon.

Naglakad lakad ako sa bakuran nila at may upuan doon kung saan ako naupo. Panay bulong ako nang ilang saglit pa ay may sumunod sa akin.

"Binibini..." tawag niya.

Tiningnan ko siya na halatang katatapos lang kumain. Siguro minadali niya ang pagkain, naupo siya sa tabi ko ay niyakap ako. Hindi ko mawari kung naglalambing siya o ano.

"Bakit ka po umalis doon, hindi niyo po ba nagustuhan yung pagkain?" tanong niya.

Hindi ko mapigilang mapangiti sa inaasta niya. Ayan na naman siya sa pag lalambing niya.

"Nagustuhan ko pero ang aking hindi nagustuhan ay ang aking natatanaw." maliit lamang akong ngumiti sa kaniya.

"Ganoon po ba?" tumango ako sa kaniya at ginulo ang buhok niya. Niyaya ko siya na mag ikot ikot sa gubatan at para makapag hanap ng pang gatong. Magkahiwalay kami sa pag hahanap ng gatong, medyo napalayo ako sa kaniya dahil sa tingin ko mas maraming pang gatong sa dadaanan ko.

Sa pag hahanap ko ng pang gatong ay may naaamoy akong kakaiba, amoy usok pero wala namang nag sisilab dito. May lalagyan kami ng mga pang gatong kaya malaya kaming nakakapag hanap. Pero nang pupulutin ko na ang pang gatong na nakita ko uli ay may lalo pang nangamoy usok.

"Napaka ganda mong binibini." hinanap ko kung saan nang gagaling ang tinig na iyon, ngunit wala sa paligid ko.

"W-where are you?" nanginginig kong sambit.

"Narito lamang ako sa paligid, binibini." lalo pa akong nagtaka dahil naiintindihan niya ang lenggwaheng binanggit ko.

Nahihilo ako sa amoy ng usok, hindi lamang simpleng usok iyon. Hindi na tuloy ako nakapag focus sa pag hahanap ng pang gatong. Dumagdag pa ang gamot na aming dapat hanapin para sa kaibigan namin.

Ilang araw na ako rito sa panahong ito ngunit wala pa rin akong nagagawang hakbang ukol sa pag hahanap ng gamot. Rare daw ang gamot kaya't walang ganoon sa kasalukuyan, tanging nasa lumang panahon kung saan ako at ang mga kaibigan ko ay nasa taong ito.

"Alam ko ang tungkol sa gamot." muling nagsalita ang 'di ko makitang tao.

"Paano mo nalaman ang tungkol sa gamot?" takang tanong ko kahit hindi ko siya nakikita.

"Simple lang,"

Paano niya nalaman ang tungkol sa gamot kung taga rito talaga siya. Kami kami lamang ang nandoon ng oras na sabihin sa amin ni Professor Alexander ang tungkol sa gamot.

Sa halip na sagutin siya ay minadali kong mag lakad paalis sa lugar na iyon, pero bago ako makaalis ay muli siyang nag salita.

"Magkita tayo sa sunod na araw dito rin sa lugar na ito."

Agad kong hinanap si Angelo para makauwi na kami agad. Hindi ko pa alam kung susunod ako sa sinabi ng kung sino, pero kailangan kong sumugal para sa kaibigan namin.

Maging buhay ko man ang kapalit, maligtas lang siya. Pagkarating namin ng hapon ay nakita namin si Antonio sa kanilang bakuran tila may hinihintay, marahil ay iyong babae na naman ang kaniyang hinihintay.

Nang makita niya kami ay lumapit siya sa amin, akmang kukuhain ang aking bitbit na mga gatong pero mabilis ko iyong iniiwas. Hindi porke babae ay hindi na kayang magbuhat ng mga gatong.

Nagulat siya sa ginawa ko kaya nagsalita ko.

"Iyong kay Angelo na lamang ang iyong kuhain at nabibigatan na ang batang iyan." matapos sabihin iyon ay dumeretso ako sa kanilang likod.

Doon ko inilagay ang mga gatong na aking nakuha, siya naman ang may bitbit ng kay Angelo. Matapos maibaba ang mga gatong ay nagpahinga muna ako saglit doon din sa kanilang likod. Si Angelo naman ay nakasunod sa akin.

Marami rami din ang nakuhang gatong niya kaya't alam kong pagod na pagod na siya. Habang nagpapahinga ay di maalis sa isipan ko ang naging sagutan namin ng kung sino.

Bakit tila lahat ay alam niya tungkol sa gamot? At saka bakit hindi siya nagpakita sa akin kanina habang kausap ako? Isa pa rin yung naaamoy kong mabahong usok, teka isa ba siyang kapre?

'What the hell are you thinking, Drianna.'

Ilang oras akong nasa kanilang likod nag iisip ng gagawing hakbang sa gamot at dito sa lugar na ito pero ni isa ay walang pumapasok sa isip ko.

Lintek na utak 'to, ano bang nangyayari sa akin. Gumana ka naman oh ngayon kita kailangan. Pero wala kahit anong pilit ko walang pumapasok na idea sa isipan ko.

Sa kalagitnaan ng pag pipilit ko sa aking utak na mag ka idea ay may nag abot sa akin ng baso, basong gawa sa kahoy. May laman iyong tubig, at si Antonio ang may dala nito.

"Uminom ka muna, hindi makakatulong ang pag pipilit mo sa sarili mong gumawa ng hakbang."

Heartless: Drianna Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon