Kabanata 13

31 5 6
                                    

Matapos kumain ay sinabi ko kay lola na bumisita kami sa puntod ni Tita Johan, para kamustahin siya. Sumangayon naman si lola dahil sabik na rin siyang makapunta muli sa puntod ni Tita Johan. Ang mga bagahe na dala namin ay iniakyat muna ni Mike sa kwartong aking tutuluyan.

Nais namin maglibot habang may pagkakataon pa ako rito sa Bataan, gaya ng napagkasunduan ay inuna naming bisitahin ang puntod ni Tita Johan, kasama namin ang mga bata kaya maingay sa loob ng sasakyan. Huminto kami sa isang tindera ng bulaklak kaya bumili kami ng dalawa.

Nakalibing si Tita Johan sa lupa, hindi siya inilagay doon sa suutan lamang ng mga kabaong. Nilapag namin ni lola ang dala naming bulaklak para sa kaniya at naupo roon. Hinaplos ko ang lapida ni Tita Johan ang maganda niyang pangalan ay nakaukit roon.

'Johanna Bambiya' naroon rin ang araw ng kaniyang kapanganakan at kung kailan siya nawala.

"Tita kumusta po kayo dyan? Paniguradong nakikita niyo po mga ginagawa ko rito sa mundong ibabaw. Patawad po kung ang dati ninyong itinuro sa akin na maging mapagpatawad ay hindi ko magagawa. Masyado po akong nilamon at nagpalamon sa galit. Gabayan niyo pa rin po ako kahit wala na po kayo, kung sumosobra na po ang ginagawa ko dalawin niyo na lang po ako." i chuckled, ewan ko ba pero natawa ako sa sinabi ko kay Tita Johan.

Balang araw huhupa rin ang galit ko at mapapatawad ko rin ang taong nagkaroon ng sala sa akin. Hindi ko sinabi kay lola ang mga problema na kinakaharap ko sa bahay, ang gusto ko ay sasabihin ko na lang ito kapag tapos na lahat lahat. Baka samaan pa ng lasa si lola kapag sinabi ko iyon

Naupo rin doon ang mga pinsan ko at si lola habang si Mike ay nakatayo at nagbabantay. Nag stay pa kami roon ng ilang minuto bago napagpasiyahan umalis, babalik ako rito pata muling dalawin ang puntod ni Tita bago bumalik ng manila.

Sinabi ko kay Mike na sa Mall ang deretso namin, as usual tuwang tuwa ang mga bata. Ang sumunod na apo ay nasa 15 yrs old na the rest is bata pa. Nakakatuwa sila dahil pagpasok namin sa storyland nahihiya pa.silang pumunta sa mga palaruan na gusto nila.

"Go ahead and play, don't worry nag bayad na ako para makapag laro kayo." i smiled at them.

Gaya ng inaasahan ko ay naging masigla silang pumunta sa bawat palaruan na gusto nila. Ang 15 yrs old na si Teya ay nasa tabi ko lamang, ayaw niya raw makipag laro dahil syempre dalaga na siya kaya magkatabi kaming pinapanood ang mga bata sa palaruan.

"Apo hindi mo naman kailangan gawin ang bagay na ito, masyado mo silang pinag eenjoy." umiling ako sa sinabi ni lola, ayoko naman pigilan ang mga bata na mag laro tsaka masaya akong nakikita silang nakangiti kahit bigyan sila ng maliit na bagay.

Tinanong ko si Teya kung anong gusto niya pero umiling lang siya at ngumiti sa akin, nahihiya pa siguro siya sa akin. Ayoko naman maging awkward ang paligid namin kaya unti unti ko siyang kinukwento para maalis rin ang hiya niya sa akin.

Sunod na pumunta kami ay sa bilihan ng mga laruan, sinabi ko sa kanila na pumili lang at bibilhin namin kaya nagsimula na silang pumili. Si lola ay tinanong ko rin kung anong gusto pero ngumiti lang siya.

May signal naman rito kaya nag tingin tingin muna ako sa messenger kung may nag chat o kung anong pinag uusapan nila Zara. Tahimik ang gc pero maraming nag cha-chat sa akin na students din sa school namin.

I choose to ignore them kasi kapag nireplyan ko ang isa may magagalit tapos kung ano anong paninira ang gagawin sa akin. Ayoko ng ganun all i want is peace. Lumapit na sa akin ang mga pinsan ko at ayun na raw ang nais nilang bilhin kaya dumeretso kami sa counter para bayaran ang mga iyon. Muli silang nagpasalamat sa akin hindi ko mapigilan mapangiti dahil sa kanila ay lumalakas ang tambol ng dibdib ko.

Uuwi na sana kami pero dumeretso kami sa bilihan ng mga damit, balak kong bilhan ng damit si Teya I'm sure '7di na siya makakatanggi rito. Hinarap ko si Teya na nagiikot para sabihin sa kanya na pwede na siyang mamili ng damit na nais niya.

"Teya go ahead get some of clothes you want, we'll buy it." tumango siya sa akin at pinasundan ko siya kay Mike dahil baka sakaling marami siyang mapili ay may mag bubuhat ng damit na nais niya.

Matapos ang kapagurang pamimili ay umuwi na kami, kahit nakakapagod ay nag enjoy naman ako tsaka ayos na yun naging masaya ang mga bata. Pag dating namin ay nakahanda na ang mga pagkain nagluto ang tiyahin kong kapatid ni mommy ng afritada na siyang inulam namin.

Sa kalagitnaan ng pagkain ay gusto kong mag cr kaya nagpaalam ako na mag ccr lang, si Mike naman ay tumayo para sundan ako pero sinabi ko na huwag na at kumain na lang.

Dineretso ko ang daan papunta sa cr at ganun na lang ang gulat ko ng makita ang kung anong bagay.

"Ahhhhhhhhhhh!" sigaw ko.

"Ma'am anong nangyari?" si Mike agad ang nakita ko kaya tinuro ko sa kaniya ang nakita kong napaka laking palaka!

"Look! Ang laki ng palaka, hindi ako makaihi." saad ko sa kaniya, natatawa siyang kumuha ng plastic para isuot sa kamay at kuhain ang palaka.

Sumunod na sina lola doon sa may cr at tinanong kung anong nangyari, si Mike ang nag paliwanag dahil umiihi ako. Halos tumalon ako ng makita ko kung gaano kalaki yung palaka!

"Ayos ka lang ba Apo?" saad ni lola ng makalabas ako ng cr.

Tumango ako sa kaniya at uminom, saka muling kumain. Tanghali pa lamg pero ang rami na naming napuntahan at baka bukas ayain ko silang ipasyal ako rito sa Bataan dahil minsan lamang ako makapunta rito kaya lulubos lubusin ko na. Dahil pag balik sa Manila problema na naman ang kakaharapin ko.

"Lola pwedeng sa manila na lang po kayo tumira?" tanong ko kay lola. Wala na naman roon si tiya Marbella dahil wala naman siyang mapapala sa labas ng mansyon.

"Bakit apo may problema ba?" umiling ako at ngumiti kay lola.

"Gusto ko lang po na doon kayo tumira sa bahay para na rin po may kasama ako sa bahay bukod sa mga kasambahay." ngumiti si lola at niyakap niya ako.

"Sige sasama ako sa iyo pabalik ng maynila." magpasalamat ako kay lola dahil pumayag siya.

Siguro nga sa tamang panahon magiging maayos rin ang lahat.

Heartless: Drianna Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon