Kabanata 20

28 3 0
                                    

"Binibini may nais pumatay sa iyo sa mundong ito, maag iingat ka." nagising ako ng parang may bumulong sa akin.

Nagtataka ako, kung may nais pumatay sa akin sa mundong ito sana nung ilang araw pa lang ako dito ay wala na ako. O di kaya may pumipigil sa taong gustong pumatay sa akin.

Muli kong inalala ang boses mula sa aking panaginip, para siyang boses ni Marcelino. Buhay ka pa ba Marcelino?

Nang tumila ang ulan ay nagpasiya na kaming mag simulang maglakad para makauwi. Hindi din kami makakatulog doon dahil hindi safe ang lugar na iyon.

Nakarating kami sa bahay nila Antonio ng hindi umuulan kaya nagpapasalamat ako, sandaling pumasok sa aking isipan ang pag amin na ginawa ko kanina kay Antonio. Wala namang mag babago kund umakto at kumilos ng normal.

Nadatnan namin doon si Marcel, nang makita niya kami hindi kami si Antonio ay parang nawala ang kanyang pag aalala. At umusbong ang galit ng tingnan ako pero minabuti niyang magtanong kay Antonio.

"Saan kayo nanggaling? May bagyo at gumagala pa kayo." may bahid na inis sa kanya.

"Wala naman namasyal lang." sagot naman ni Antonio.

Nakauwi na rin si Martin sa kanila, kaya't nasisiguro kong alam niya na narito si Marcel ang kanyang kapatid. Mukhang mag uusap pa ang dalawa kaya minabuti kong magpaalam at umakyat sa kwarto ni Antonio.

Kumuha ako ng damit para makaligo at dumeretso sa cr. Bagamat kulang ang tulog ko sa kubo ay maaga akong nakatulog, hindi na ako nakakain ng gabihan.

Naalimpungatan lamang ako ng lumubog ang kabilang side ng kama. Kaya dahan dahan kong iminulat ang aking mga mata, nakita kong may hawak siyang porselas napaisip ako kung bigay ba iyon ni Marcel habang nag uusap sila o ibibigay niya pa lang kay Marcel.

Naramdaman niya siguro na mulat na ako kaya lumingon siya sa akin, rinig ko ang pagbuntong hininga niya malambot ang kanyang tingin sa akin. Dahan dahan akong umupo para mapantayan ang tingin niya.

Hindi ako nagsasalita ng makaupo ako, may kung ano sa akin na nagseselos ako dahil naiisip ko pa lang na may ibibigay o may ibinigay si Marcel sa kanya ay naiinis na ako.

"Hindi ka na nakakain, binibini." tamlay niyang sambit.

Tumango ako bilang pagsagot at naghikab, kulang pa ako sa tulog dahil napaidlip lang ako matapos kong maligo. Hindi na ako ngayon nakatingin sa kanya.

"Totoo ba ang iyong sinabi noon?" agad akong napakunot noo ng marinig ang tanong niya.

"Ang alin ginoo?" tanong ko.

"Na sinasabi mong galing ka sa kasalukuyang panahon." isang detalye na siyang ikinatigil ko.

Nanatili akong tahimik, naghahanap ng maisasagot sa kanya pero muli siyang nagsalita.

"Dahil kung totoo man iyon, hindi ko gugustuhin na bumalik ka sa panahong iyon." napatigil ako sa kaniyang sinabi, nag hihintay na bawiin ang kung anong sinabi niya.

Ngayon ko siya tiningnan sa mata, kita ko ang lungkot sa kaniyang mukha, mukhang iniisip niya ang sinabi ko noon.

"Hindi iyon totoo ginoo, pawang kathang isip lamang ang mga sinabi ko noon." i denied what i say then.

"Matulog ka na binibini," sambit nya bago ako tuluyang iwan sa kaniyang silid.

Hindi agad ako nakatulog dahil sa sinasabi niya. Paano kung sa sandaling malaman niya na hindi talaga ako dito nanggaling sa panahong ito tiyak na kamumuhian niya ako dahil nag sinungalin ako.

Marami akong gustong itanong kay Martin pero alam kong hindi niya sasagutin ang aking mga katanungan dhail minsan na akong nagtanong sa kanya ngunit iniiwasan niya ang aking tanong kaya't hindi na ako magtataka.

Kinabukasan maaga akong nagising at parang hindi na yata ako natulog. Tama ang hinala ko na pupunta si Martin sa bahay kaya ng makita ko siya ay agad ko siyang hinila sa likod bahay. Kita ko sa mga mata niya ang pagkagulat.

"Ginoo sagutin mo ang aking katanungan. Galing ka ba sa kasalukuyang panahon?" sambit ko.

"Hindi ko alam ang iyong sinasabi tsaka narito pa tayo sa kasalukuyang panahon." hindi ko alam kung anong ginagawa ko pero agad akong lumayo sa kaniya ng matauhan na sobra sobra ang ginagawa ko.

"Ayos ka lang ba binibini?" tanong niya kaya tumango ako at iniwan siya sa likod bahay.

Lumabas din ako ng bahay nila Aling Camila, naglakad lakad. Wala akong iniisip sa mga oras na ito kundi yung sa pagkatao ni Martin dahil kung taga kasalukuyan din siya matutulungan niya ako.

Sandaling pag alis ko sa bahay ay umuwi rin agad ako pero sa pag uwi ko nakagigimbal ang sumalubong sa akin. Nagkakagulo sa loob at labas ng bahay nila Aling Camila, sandaling pumasok sa isip ko si Antonio baka kung anong ginawa niya.

Kaya dali dali akong pumasok sa loob ng bahay, nahirapan pa ako dahil sa mga taong naroon. Nakita kong umiiyak si Antonio, natigilan ako ng ilipat ko ang aking tingin sa t-tatay niya.

Napahawak ako sa aking bibig ng makita ang tatay ni Antonio na nakahandusay sa sahig halatang inatake ng sakit sa puso. Unti unti akong lumapit doon para kumpirmahin ang aking iniisip ngunit ng makalapit ako ay doon ko napatunayan na mali ang aking iniisip, may sumaksak sa kanya.

Nakahandusay ang ama ni Antonio sa sahig at wala ng buhay. Nilipat ko ang tingin ko kay Antonio na naka ikom ang bibig pero rinig ko ang kanyang pag hikbi. Akmang lalapitan ko siya ng humarang si Marcel sa akin ng may nanlilisik na tingin.

"Ikaw ang dahilan kung bakit namatay ang tatay ni Antonio!" sigaw niya sa akin dahilan para mapalingon ang lahat.

Nagsimula na silang magbulungan doon habang nakatingin sa akin. Tiningnan ko ang bawat miyembro ng pamilya ni Antonio, sina aling Camila at ang iba pang naroon.

Lumapit ako sa kanila pero agad akong niyakap ni Aling Camila at doon humagulgol. Nang tingnan ko si Marcel ay naroon ang galit sa mukha niya, doon ko siya nagawang pagmasdan at ikinagulat ko pa ang nakita ko sa kaniyang damit.

"Marcel bakit may dugo ka sa iyong damit?" tanong ko.

Ang galit na naroon sa mukha ni Marcel ay napalitan ng gulat dahil sa aking sinabi. Ang lahat tuloy ay nasa kanya ang atensyon, maging ako ay nag aabang ng kaniyang sasabihin.

"N-nakuha ko ito doon sa palengke, A-aling Camila hindi ba inutusan mo akong bumili." sambit niya na tila ba nag papaliwanag.

Nalipat ang aking tingin kay Aling Camila, ang mukha ni Aling Camila ay napalitan ng pagkalito bago ito muling umiling at sinagot ang sinasabi ni Marcel.

"Hindi ko naaalala na ikaw ay aking inutusan binibini."

Sa bilis ng pangyayari ay nagulat na lang kami ng umiyak ng malakas si Marcel. Hawak ang kanang pisngi kung saan siya sinampal ni Antonio. Lumapit pa si Antonio kay Marcel at dinakma ang leeg nito, napasinghap kaming lahat dahil sa ginawa ni Antonio.

Ako na ang lumapit sa kanya para sawayin siya dahil mapapatay niya si Marcel kung hindi niya ito binitawan. Naka ilang saway pa ako bago niya unti unting binitawan si Marcel na siyang panay ubo ngayon.

"Baka mapatay mo siya. Tama na." galit na bumaling sa akin si Antonio.

"Mapatay? Binibini pinatay niya ang tatay ko kaya kulang pa iyan sa kanya!" sigaw niya sa akin.

Naiintindihan ko ang pinanggagalingan ng kanyang mga galit, noong nangyari sa akin ang pagkamatay nila mommy at daddy ay wala pa akong masyadong muwang kaya hindi ko gaanong naintindihan ang nangyayari noon.

"Naiintindihan ko ang galit mo ginoo pero maaaari kang mawala sa pagiging sundalo kung siya ay mapatay mo. Hayaan na lang natin na ang batas ang pumataw ng nararapat na parusa sa kanya." kalmado kong sambit.

"Tatanggapin ko ang mawalan ng posisyon o rango bilang sundalo makuha ko lang ang hustisya ni tatay!" marahan akong tunango bilang pag unawa sa kanya.

"Ngunit tiyak na hindi gugustuhin ng ama mo na mawalan ka ng posisyon o rango dahil lamang sa iyong galit. Gaya ng sinabi ko hayaan mo ang batas ang magbigay parusa sa kanya."

Heartless: Drianna Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon