Kabanata 16

30 3 0
                                    

Nagising ako dahil sa tagaktak ng aking pawis. Nilibot ko ang aking paningin sa kwarto na aking kinahihigaan, kakaiba ito sa buhay ko kanina. Teka kanina nga ba iyon? Nay narinig akong tumikhim dahilan para maiangat ko ang aking tingin.

It was Antonio! So wait aish, naalala ko na naman yung bago may mangyari kay Jea! Oh wait yung gamot holy shit!

Tatayo na sana ako pero biglang sumakit ang aking ulo. Agad kong naramdaman ang magaspang na kamay ni Antonio sa aking balikat, marahan niya akong pinahiga.

"May masakit pa ba sa iyo bukod sa iyong ulo?" tanong niya. Ngunit umiling lang ako.

Nasaan si Martin? Muli kong inalala ang mga nangyari bago ang alaala ng may mangyaring masama kay Jea. Nalipat ang tingin ko sa pintong bumukas, si Angelito na may dalang mangkok hindi ko alam kung ano ang laman ng lagayan na iyon.

Kinuha iyon ni Antonio kay Angelito at marahan na umupo sa higaan kung saan naroon ako.

"Nag luto si nanay ng lugaw, kumain ka muna." saad ni Antonio. Mainit init pa ang lugaw at nangangamoy ang amoy nitong pagkabango bango.

Sinubuan ako ni Antonio na siyang ikinapula ng aking pisngi, alam kong pulang pula na ito na halos maging kamatis ako.

"Ate Drianna namumula ang inyong pisngi may masakit po ba sa inyo?" ani Angelito.

Natatawang umiling si Antonio, mukhang alam niya ang dahilan ng aking pamumula. Nagpatuloy sa pag subo sa akin si Antonio ng lugaw hanggang sa maka dalawang mangkok ako ng lugaw.

I'm on a diet pero naka dalawang mangkok ako! Hindi naman halatang gutom na gutom ako. Matapos ko kumain ay inabutan ako ni Antonio ng tubig na siyang aking ininom.

"Teka ano bang nangyari?" tanong ko, pilit nirerecall ang nangyari.

"Niyakap kita tapos bumagsak ka bigla, hindi ko akalain na nakakahimatay pala ang aking yakap." pareho sila ni Angelito ngayon na tumatawa.

Ako nahimatay? Hindi naman ako low blood, hindi ako anemic paano nangyari yun. Marami akong dugo.

"Hoy! Ginoong Antonio may kakapalan din pala ang inyong mukha ano? Sinong may sabi sayong nahimatay ako dahil sa yakap mo?" asik ko sa kaniya, na siyang ikinaarko ng kaniyang isang kilay.

"Talaga? Bakit parang sobra yung pagtanggi mo?" nanunuksong tanong ni Antonio.

Kaya sa halip na sumakit ang ulo ko dahil sa pagkahimatay ay sumasakit ito dahil sa katatanong ni Antonio. Hiyang hiya na ako dahil alam kong para nang bomba ang aking mga pisngi.

Until he stopped teasing me, mabuti na lamang at sumuko na siya dahil kung hindi ewan ko na lang. Tumayo ako at kumuha ng damit.

"Oh saan ka pupunta binibini?" tanong ni maingay.

"Maliligo ako, baka pati sa cr ay nakasunod ka pa rin?" pabalik kong tanong. Agad siyang nag iwas ng tingin at dahan dahan na umalis.

Wala sa sariling napangiti ako. Hayy Drianna kakaibang saya nararamdaman ko. Ang ngiting iyon ay nawala ng may maalala akong isang consequence na kapag nagkaroon kami ng kaibigan dito mamamatay sila.

'Ayokong mamatay si Antonio, siya ang sugar daddy ko dito sa panahon na ito. Paano na lang kapag namatay ito?'

Umiling ako at dumeretso sa cr para makaligo na. Umaga pa lang kaya marami pang oras o bagay na magagawa ngayong araw na ito. Nag iisip na agad ako ng mga pwedeng gawin hanggang sa mag dilim.

Medyo nakakainip dito, kahit na may misyon ako hindi ko mahanap yung gamot so anong gagawin ko? Hindi ko naman pwedeng ipilit na magpakita ang bagay na iyon dahil rare daw iyon.

Heartless: Drianna Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon