Kabanata 14

31 3 17
                                    

Hindi ko mawari ang dahilan ng aking pag uwi, limang aral pa lamang kaming nananatili sa Bataan pero tumawag si Pat at sinabing wala na roon si Tiya Marbella. Kahit ginawan ko siya ng masama ay may kaunti rin naman akong pag aalala sa kaniya.

Sa ika anim na araw namin sa Bataan ay nagpasya na kaming umuwi pabalik upang malaman kung nasaan na si Tiya Marbella. Gaya ng sinabi ko dumalaw muli ako kay Tita Johan para magpaalam. Kasama ko na rin si lola excited na siyang tumira sa mansyon pero iba ang aking nararamdaman.

Hindi ba dapat ay masaya ako dahil kasama ko na si lola sa bahay, doon na siya titira. Pero hindi, kakaiba ang aking nararamdaman. Madaling araw kami umalis sa bahay ni lola ang iba ko na tiyahin muna ang mag aalaga sa bahay na iyon habang nasa akin si lola.

Dahan dahan lang sa pag dadrive si Mike dahil maulan at madulas ang kalsada. Pinatulog ko muna si lola dahil malayo pa ang byahe at least makatulog man siya kahit konti ay may energy siya pag dating sa bahay.

Madaling araw na and I'm not sure if may bukas na mga 7/11 dito. Humahanap kami ng 7/11 para bumili ng hotdog sandwich at kape para hindi mapasukan ng lamig ang aming tiyan. Nang may makita kami ay si Mike na lang ang pinabili ko at sinabing bumili na rin siya ng kaniya.

Ayokong iwan mag-isa sa sasakyan si lola tsaka isa pa natutulog ito. Tanging binili lang ni Mike para sa kaniya ay kape, habang sa amin ni lola ay isang rice at tubig meron din akong kape para pampagising.

Nakarating kami ng manila ay maliwanag na siguro nasa mga 11 am i guess. Nais kong dalawin si Tiya Marbella sa kulungan kung saan siya nakakulong.

Ang paalam ko kay lola ay bibisita sa kaibigan kong si Zaraniah, pero ang totoo ay pupunta ako kay Tiya Marbella. Kasama ko ulit si Mike sa lahat naman ng lakad ay siya ang kasama ko sinabi ko kay Pat na kapag may kailangan si lola ay ibigay lang nila.

"De Leon may dalaw ka." ani ng isang pulis.

I was waiting here in visiting area with a serious face. Hinihintay ko lamang lumabas si Tiya Marbella para kumustahin siya. I don't have any idea why she was there inside the prison.

May ginawa na naman ba siyang masama kaya siya narito sa loob ng kulungang ito?

Nalipat ang tingin ko sa pintuan nang makita ko si Tiya Marbella na nakasuot ng uniporme ng isang taong nasa bilanggo habang naka posas ang kamay. Base sa reaksyon ng mukha niya ay wala siyang pakealam o ayaw niya akong narito.

"Kumusta, tiya?" tanong ko sa kaniya na kakaupo niya lang. May dala kaming pagkain ni Mike dahil alam kong hindi siya nakakakain ng maayos rito sa loob ng kulungan.

Itinulak ko sa kaniya ang mga pagkain na binili namin para sa kaniya.

"Ayos lang." walang buhay niyang sagot.

"Nagdala ako ng mga pagkain," isa isa niya iyong sinilip habang ako ay nilibot ang paningin sa loob ng visiting area.

"Hm, ilang araw ka na dito? kumusta ang buhay rito?" tanong ko sa kaniya, natigil siya sa pag titingin ng mga pagkain.

"Kapag oras na ng pagkain dapat nakapila na kung hindi walang aabutin." saad niya habang kumakain.

Nag usap lang kami ng kaunting minuto at nagpaalam na. Nagpasalamat siya dahil dinalaw ko siya at sa pagkain na dala ko, tumango ako sa kaniya at ngumiti.

Hinarap ko si Mike at tumango, nauna ako sa paglalakad palabas ng kulungan. Lumakas ang ihip ng hangin sinabayan pa ng pagbuntong hininga ko. Dapat maging masaya ako kasi nakakulong na si Tiya Marbella.

Sinabi ko kay Mike na magkikita kami ni Zaraniah sa park kaya doon kami dumeretso. Napansin siguro ni Zara na naiinis ako, nag rant ako sa kaniya ng mga gusto kong sabihin about Tiya Marbella kung gaano niya pinagdudusahan ang mga ginawa niya. Ang bilis ng karma niya.

"Drianna i think that's too much... Binenta mo na ang lahat ng ari arian ni Tiya Marbella mo at ngayon ay nasa kulungan na siya." sambit ni Zara sa di malaman na dahilan ay mas lalo pang uminit ang ulo ko.

"Too much?? What the hell are you saying, Zaraniah? Naaawa ka sa isang mamamatay tao?" hindi ako makapaniwala na mas kakampihan niya ang isang mamamatay tao.

Nakita ko ang pagtahimik niya marahil ay hindi niya alam na mamamatay tao ang kinaaawaan niya. Sinisigawan ko pa siya dahil napuno na rin ako ng galit. Until Zacaris and Selina stopped me. Parang natauhan ako roon, tiningnan ko si Zara na may namumuong luha. I didn't mean to hurt her feelings, to shout at her.

"Watch your words Drianna. Hindi alam ni Zaraniah na mamamatay tao 'yang tita mo. Stop yelling at her." may pagbabanta sa boses ni Zacaris na sinundan ng boses ni Selina.

"Drianna please, calm down. Lower your voice, hindi alam ni Zara ang bagay na iyon so please." ani Selina.

Alam kong ano mang oras ay susugurin ako ni Zacaris dahil sa ginawa kong pag sigaw kay Zara. This is the first time na sinigawan ko siya in public. Kahit nasigawan ko si Zara ay nagawa niya pa rin pigulan ang pag sugod sa akin ni Zacaris. Habang si Selina ay nasa likod ni Zaraniah na nakaupo at pinapatahan si Zara.

"Kakampihan niyo siya? Naaawa siya sa isang mamamatay tao kumpara sa kaibigan niya!" sigaw ko.

"Kaibigan natin siya Drianna. Tayo tayo na nga lang ang magkakasama tapos ganiyan ka pa sa kaibigan mo?" at the same time parang may punyal na sumaksak sa akin.

Tama si Selina sila na lang ang kasama ko ay nagagawa ko pa rin silang saktan. Sa kabila naman ay naririnig ko ang mahinang pag mumura ni Zacaris na halatang nagtitimpi lang.

"I'm sorry, i didn't mean to hurt her. I'm sorry." mahinang saad ko pero alam kong rinig nila iyon.

Mabilis akong umalis sa park na iyon at sumakay sa sasakyan at doon umiyak ng umiyak. Dahil sa galit ko may nasaktan na naman ako, sobra sobra na yung pagiging masamang tao ko.

Dalawang araw na ang nakalipas pero wala akong ginawa kundi magkulong sa aking silid. Pinupuntahan ako ni lola para kumustahin pero mas pinili kong huwag siyang pag buksan ng pinto. Gusto kong magtago na lang sa dilim habang buhay kaysa naman makapanakit ng ibang tao.

Heartless: Drianna Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon