Kabanata 4

55 6 0
                                    

"Kung ano ang pakiramdam na may tunay na nagmamahal sa iyo."

Oo, nararamdaman ko ang pagmamahal, pagmamahal ng mga kaibigan ko pero ang pag mamahal ng isang magulang ang aking hinahanap. Oo, nakasama at naranasan ko ang mahalin ng aking mga magulang pero hindi ko inakala na matatapos iyon.

Sandaling katahimikan ang namayapa sa pagitan namin, kaya naisipan kong tanungin siya sa ukol sa isang bagay na aking kailangan.

"May alam ka bang gamot na—" naputol ang aking sasabihin ng may makita akong isang malaking tao na nasa malaking puno at n-naninigarilyo.

Kakaibang nilalang, tila hindi siya normal na tao dahil sa sobrang laki niya, at bakit siya sa puno naninigarilyo? Hindi kaya isa siyang a-aswang?

Nagulat ako ng tumingin ito sa akin, na siyang dahilan para bumilis pa lalo ang tibok ng aking puso. Ang kaniyang mapulang mata na animoy ano mang oras ay aatakihin ka at kakainin.

"Anong iyong sasabihin, Binibini?" tanong ni Antonio.

"A-ah W-wala wala," nauutal kong sambit.

Ngayon lang ako nakakita ng nilalang na sa puno pa naninigarilyo at mapula ang mata. Kadalasan kung paninigarilyo ang pag uusapan ay sa kalye maraming naninigarilyo hindi sa puno.

Napatango si Antonio, maya-maya pa ay inaya niya na ako sa loob ng kanilang bahay. Kahit sa pagpasok ay nililingon ko ang lalaking nasa puno.

"Oh, bakit nasa labas pa kayo napahaba siguro ang kwentuhan niyo." sambit ni Aling Camila na siyang sinangayunan namin. Bumaling siya sa akin at nagulat pa ako sa kaniya.

"Bakit tila gulat na gulat ka." sambit ni Aling Camila, maging si Antonio ay lumingon din sa akin.

May kung anong kaba ang aking naramdaman ng makita ko ang tao sa puno. Pakiramdam ko naging balisa ako, ngayon na lamang ulit ako naging balisa.

"Binibining Drianna." napatayo ako mula sa pagkakaupo sa sofa nila ng makitang humahangos si Angelo na nakatayo sa may pinto.

"A-anong nangyari sa iyo?" nag aalalang tanong ko habang sinusuri siya.  Namumutla siya hindi kaya may sakit ito?

Nabigla ako ng bigla siyang bumagsak sa akin mabuti na lang at nahawakan ko siya, tila pagod na pagod ang batang ito. Binuhat siya ni Antonio at nilagay sa kwarto niya.

Saan siya galing at bakit inaapoy siya ng lagnat. Agad akong kumilos, kinuha ko ang isang planggana at nilagyan ng tubig na maligamgam. Humingi rin ako kay Antonio ng bimpo na siyang ipapampunas ko kay Angelo.

Inuna ko ang kaniyang mukha sumunod ang katawan, doon ko nakita ang kaniyang mga sugat. Sa pagkakaalam ko hindi takaw gulo si Angelo, pero ang nakakapag taka saan niya natamo ang mga sugat na ito?

Ang lalalim ng sugat niya tila kalmot, pero kung kalmot ito ng pusa ay hindi ganito kalala. Minsan na rin akong nakalmot ng aking alagang pusa at hindi ganito ang aking natamo.

Kunot noo kong pinunasan at pinagmasdan ang katawan ni Angelo, tuwing malalapatan ko ng bimpo ang sugat niya ay dumadaing ito. Gosh! di ko akalain na makakakita ako ng ganitong kalalim na sugat.

Wala na ata silang balak buhayin pa ang bata. Napalingon ako kay Antonio na hinarangan na ang aking nililinis na sugat. Umangat ang kilay ko, gamit ang mata ay tinatanong ko siya kung ano ang ginagawa niya.

Siguro nakita niya yung paraan ng paninitig ko sa kaniya kaya lumayo siya ng konti. Napabuntong hininga na lang ako. Naaawa ako kay Angelo paniguradong pag nagising ito ay mararamdaman niya ang sakit ng mga sugat niya.

Nang matapos ang pag pupunas ko ay tumayo na ako at humarap kay Antonio.

"Hayaan muna natin ang batang makapag pahinga, hindi rin niya kakayanin ang mga sugat na kaniyang natamo." saad ko, habang siya nakahawak sa baba animoy nag iisip.

'Ano kaya iniisip netong mokong na 'to'

Dumeretso ako sa kusina nila, diba kapal ng mukha ko feel free sa pamamahay na di naman sa akin. Kumain na kami matapos magluto ni aling Camila.

Hindi ako umalis sa tabi ni Angelo kahit pa mahimbing ang tulog nito. Napalapit na rin ako sa batang ito kaya ganito ako.

Pero paano ako matutulog? Hindi naman ako dito natutulog sa kwarto niya. Ngayon ko lang natingnan ang kwarto ni Antonio, napaka ayos nito at napaka linis. Parang babae siya sa kaniyang kwarto, malinis huh?

Halos mapatalon ako ng bumukas ang pinto at lumuwa doon si Antonio na bagong ligo, tinutuyo niya ang kaniyang buhok. Shuta bakit ang gwapo ng nilalang na ito? Kung di lang siya dito nabubuhay sa taong ito hahanapin ko siya sa kasalukuyan.

Kaso marahil deds na siya sa kasalukuyan, sayang ang gwapo niyang lahi. Nagtama ang mata naming pareho kaya agad akong napaiwas sa di malamang dahilan. Mabilis ang kabog ng dibdib ko, hindi ko alam bakit kailangan kong makaramdam ng ganito kapag siya ang kaharap ko.

Hindi kaya nahuhulog na ako sa taong ito? No way! hindi pwedeng mahulog ako sa taong nasa nakaraan, ayokong masaktan ang puso ko ng dahil sa lalaking nakilala ko lang sa nakaraan.

'Drianna don't think too much, hindi ka pa sigurado diyan sa nararamdaman mo.'

I let a heavy sighs.

"A-ah lalabas na ako," dali dali akong pumunta sa pinto ng kwarto niya ng bigla siyang magsalita.

"Dito ka na matulog, tiyak na hahanapin ka ni Angelo kapag nagising siya." napaawang ang bibig ko sa sinabi niya.

"P-pero paano ka? Kaya ko namang matulog sa sala doon na lang ako."

'Kahit ang totoo ay hindi ako sanay matulog sa kahoy.'

"Ako na lang ang matutulog doon, mukhang hindi ka sanay matulog sa matigas na higaan." saad niya na walang alinlangan pero sa akin ay iba ang pumasok sa isip ko.

'Matigas na higaan'

May abs ba siya? six pack ba? The hell Drianna what's happening with you!

"Ako na lang, maiwan na kita riyan." mabilis kong anas bago tuluyang lumabas ng kwarto. Hindi naman niya ako sinundan at nakipag pilitan pa.

•••
Bakit ba kasi tinanggihan ko pa yung sinabi niyang doon na lang ako sa kwarto niya matulog. Doon kahit papaano malambot ang higaan niya habang dito naman argh.

Halos tulog na ang lahat habang ako ay hindi magkanda mayaw kung paano hihiga, bawat galaw ko ay sumasakit ang aking katawan. Mahimbing na siguro iyon natutulog, pero paano naman ako? Ano hanggang sa umaga ganito ako?

Tiniis kong makatulog dahil ako lang rin naman ang mahihirapan kahit anong gawin ko ay wala akong ibang mahihigaan kundi itong nandito sa sala na bamboo chair.

Hm, ang sarap naman matulog dito, ang lambot ng higaan ko. May konti akong naririnig na ingay, tawa at hagikhik ng isang bata.

"Ginoo, tingnan mo ang binibini. Napaka komportable niya sa iyong higaan." What? H-higaan? Kaninong higaan ito.

Nagpanggap lamang ako na tulog dahil nakakahiya kung malalaman nilang akoy nag tutulog tulugan lamang.

"Oo nga, Mabuti na lamang at bumaba ako kanina, kung hindi ay hindi siya makakatulog ng ganiyan kahimbing. Pero ang pinag tataka ko, bakit kailangan niyang sabihin na kaya niyang matulog sa matigas na higaan gayong hindi niya naman kaya?" bakas sa tono niya ang pag iisip.

"Marahil ay nahihiya ang binibini sa iyo ginoo." napatawa naman ang bata. Nahihimigan kong si Angelo iyon dahil sa boses at enerhiya. At nasisiguro kong si Antonio naman ang kausap nito.

"Halika na hayaan muna nating matulog ng mahimbing ang binibini. Mauna ka na sa labas may kukuhain lamang ako dito sa aking damitan." Natahimik ng ilang segundo ang paligid ng kwarto, naramdaman kong lumubog ng konti ang higaan na aking kinalalagyan.

"Paano kung isang tulad ko ang mahulog sa binibining ito?"

Heartless: Drianna Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon