Kabanata 18

28 3 0
                                    

"May kailangan akong sabihin sa iyo, iligtas mo ako dito." isang lalaki na humihingi ng tulong sa akin.

Hindi ko mamukhaan ng maayos ang lugar kung nasaan ako. Madilim ang lugar at halos mapatalon ako ng may humawak sa aking paahan. Tiningnan ko kung sino ito, hindi ko siya mamukhaan.

May dugo ang kaniyang mga kamay at maging ang kaniyang dibdib ay mayroon.

"Huwag mo akong lapitan ginoo. Hindi kita kilala!" sigaw ko ng nagpupumilit siyang tumayo habang hawak ang aking isang paa.

Natumba ako ng pilitin kong makawala sja hawak niya at ang kasunod noon ay ang pag bitaw niya dahilan para matumba at mapaupo ako. Napantayan ko ng aking mga tingin ang lalaking humihingi ng tulong sa akin, doon ko nakita ang kaniyang mukhang puro dugo, dahil sa dugo ay hindi na siya mamukhaan.

Noong una ay akala ko patay na siya pero nagulat at napasigaw na lang ako ng bigla siyang agresibong lumapit sa akin. Wala akong nagawa kundi ang umatras palayo sa kanya. Hanggang sa wala na akong maatrasan ay nang pag angat ko ng tingin ay doon ko nakita na may hawak na kutsilyo ang lalaki.

Nang isasaksak na niya ay napapikit na lang ako.

"Wag!" mabilis ang bawat pag hinga ko. Nang lumingon ako sa kabilang side ay nakita ko si Antonio na may pag aalalang tingin sa akin.

"Ayos ka lang ba binibini?" tanong niya kaya napalunok ako.

Sino yung lalaking nasa panaginip ko...

"Ginoong Antonio baka pwede nating puntahan si Marcelino baka buhay pa siya, may nais siyang sabihin sa akin." sambit ko pero muli siyang umiling.

"Nasisiguro kong patay na ang  lalaking iyon." aniya.

Tiningnan ko ang labas madilim pa hindi ko mawari kung gabi pa ba o madaling araw na. Sinabihan ako ni Antonio na mag pahinga at matulog na pero hindi na ako nakatulog hanggang sa mag umaga.

Wala akong inisip kundi si Marcelino, kung patay na nga siya sana muli siyang pumasok sa aking panaginip para malaman ko kung ano ang nais niyang sabihin. Nahihirapan ako at mahihirapan pa kung mangangapa lang ako sa nais niyang sabihin.

May nag baba ng tasa sa aking harapan, sinilip ko kung anong laman ng tasa at kape iyon. Inangat ko ang aking tingin at nakita ko si Antonio na may iniinom na kape din yata. Nag aalinlangan akong ngumiti sa kaniya pero agad iyong nawala ng ngitian niya ako pabalik.

Pinagmamasdan ko ang aking kape, nasanay na rin ako mag kape dito siguro si Antonio ang nag titimpla nito. Napaka sarap ng timpla. May kumatok sa pinto kahit bukas naman iyon kaya napabaling kami doon at nakita ko si Martin na nakangiti.

Tinanggal niya ang kaniyang sumbrero at nilagay sa kaniyang dibdib at yumuko. Ang cute cute niya, siguro nata pa siya pero mas matangkad siya sa akin. Simula ng naparito ako ay puro kapilyuhan ang aking naiisip, kung noon ay puro problema at madalang na pakikipag usap sa mga kaibigan ngayon naman ay ako na ang naninindig balahibo sa sariling naiisip.

"Ano ang iyong sadya dito ginoong Martin?" malamig na anas ni Antonio.

Noong makita niya kami ni Martin na mag kasama at nang pauwiin niya ako ay malamig na ang kaniyang tingin at pag sasalita kay Martin.

'May galit ba 'to kay Martin cutie?'

Suddenly i craved for mais de condense, jusko naman may binatog ba dito sa panahong ito? Lumapit ako kay Martin at kinamusta siya.

"Kumusta ka? Martin alam mo ba yung mais de condense?" tanong ko sa kaniya ng makalapit ako.

"Maiwan ko muna kayo." kung kanina ay malamig lang ang tono ng boses ni Antonio ngayon naman ay malamig na malamig na.

Heartless: Drianna Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon