Kabanata 17

33 3 0
                                    

"Wala akong nais sabihin sa iyo." ani ko sabay tanggal ng kaniyang brasong naka akbay sa akin.

Rinig ko ang kaniyang pagtawa kaya agad ko siyang binigyan ng nanlilisik na tingin. Ilang oras niya pa akong kinulit ng kinulit dahil alam niyang naiinis ako.

Nag paalam muna ako na mag lalakad lakad lang sa palengke. Nais pa akong samahan ni Antonio pero hindi ako sumangayon dahil patuloy niya lamang akong kukulitin.

Habang nag lalakad ako ay maraming nakatingin sa akin, hindi ko mawari kung bakit sila nakatingin sa akin. Ganito ba talaga noon? Kapag may dayuhan ay pagtitinginan?

Nakakahiya tuloy maglakad dito sa palengke. Akala ko ay matutuwa ako dahil makakapag lakad lakad ako dito sa palengke ngunit ako'y nababagot lamang idagdag pa ang paninitig ng mga tao.

Napag pasiyahan kong maglakad na pabalik kila Aling Camila, mas gugustuhin ko pa roon kahit na tahimik at nakakaburyo.

Sa pag lalakad ko ay natigilan ako dahil para bang may nakasunod sa akin. Nang tingnan ko kung sino ang nasa aking likuran ay isang lalaki na maayos ang kasuotan at nakatingin sa kanluranin. Muli akong nag patuloy sa pag lalakad at minabuting huwag pansinin ang lalaking iyon.

Pero sa pag lalakad ko ay hinila ako ng di ko kilalang lalaki. Tiningnan ko kung sino ito at hindi siya pamilyar sa akin.

"Sino ka ginoo? Tsaka bakit mo ako hinila?" takang tanong ko.

"Ako si Marcelino. May kailangan kang malaman tungkol sa iyo—" nagulat at napasigaw ako ng may umalingawngaw na putok ng baril kasabay noon ay ang pagbagsak ni Marcelino.

"M-marcelino? A-ano ang tungkol sa akin?" mag sasalita pa sana ito pero umubo na siya ng dugo.

Hindi ko alam kung anong gagawin ko, ako ba ang nakapatay sa kaniya o hindi? Kaya sa halip na alamin pa ang tungkol sa akin o kung ano ang nais niyang sabihin ay tumakbo na lang ako pauwi kila Aling Camila.

Nangangatal pa rin ako hanggang sa makarating ako kila Aling Camila. Ang sumalubong sa akin ay si Aling Camila na nasa kaniyang karinderya. May konting dugo ang aking kanang kamay dahil ng lapitan ko si Marcelino ay nahawak ko ang dugo nito.

"Drianna saan ka galing? At bakit may dugo ang iyong kamay?" tanong ni Aling Camila dahilan para lumabas sila Angelito, Marcel at Antonio.

"A-aling C-camila may ano po kasi doon... May isda na t-tumalsik sa sahig, kinuha ko po." mukhang sumang ayon naman si Aling Camila pero nagulat ako ng higitin ni Antonio ang aking kamay at dalhin ako sa likod ng kanilang bahay.

Inamoy niya ang dugong nasa aking kamay, kinukumpirma kung dugo nga ba iyon ng isda o ano. Ayokong sabihin sa kanila ang nangyari dahil natatakot ako na baka malaman ko pa ang nais sabihin ni Marcelino.

"Hindi 'yan dugo ng isang isda, Drianna. Dugo 'yan ng isang tao—"

"Wala akong pinatay! W-wala akong pinatay at hindi ko magagawa iyon!" sigaw ko sa kaniya dahil alam ko kung ano ang iniisip niya ng mga oras na iyon.

Napahinga siya ng malalim ang kaniyang kaninang galit na tingin ay lumambot nang makita niyang nangangatal pa rin ang kamay ko.

"Anong nangyari sa palengke?" hindi ako nagsalita. Tiningnan ko lang ang dugo na nasa aking kamay, hindi siya gaano karami pero mahahalata na may dugo sa aking kamay.

"Drianna!" sigaw niya dahilan para mapatalon at matakot ako sa kaniya.

Eto na ba yun ang sinasabi ni Angelito na iba magalit si Antonio? Nanlilisik ang kaniyang mata habang nakatingin sa akin. Hindi ko magawang labanan ang titig niya kaya ako na rin agad ang nag iwas tingin at yumuko.

"M-may isang lalaki, lumapit siya sa akin sinabi niya na may nais akong malaman tungkol sa akin. Pero bago niya masabi ay may pumutok na baril kasabay noon ay bumagsak ang lalaki. Nagulat ako kaya hinawakan ko siya at ng makita kong nag sisimulang umagos ang dugo ay tumakbo na ako dito! Hindi ko siya pinatay, Antonio." umiiling na saad ko.

Umalis siya doon sa likod bahay matapos marinig ang aking paliwanag kaya napaupo ako sa upuang naroon dahil alam kong hindi siya maniniwala. Isa siyang sundalo at pwede niyang isipin na espiya ako ng mga kalaban.

Ang hirap mamuhay dito, kung dati ay gusto ko ngayon ay hindi na. Bumalik si Antonio na may dalang basin at bimpo. Hindi siya nagsasalita at kinuha ang kamay kung may dugo, sinimulan niyang punasan ito.

Dahan dahan lang ang pagpupunas niya parang may sinasabayan na ritmo. Sobrang ingat niya sa pag pupunas eh nung bata ako halos sumakit ang kamay ko sa pag pupunas ni Tiya Marbela.

Matapos niyang punasan ay umalis siya, ibabalik niya yata yung basin at bimpo. Ako naman ay naupo habang pinag mamasdan ang kamay kong malinis na. Namatay si Marcelino nang hindi nasasabi sa akin kung ano ba talaga ang nais niyang sabihin.

Nalipat ang tingin ko kay Marcel na narito sa aking tabi, bakit ba ako lapitin ng mga letter M ang pangalan. Ang mga mata niya ay tila may nais sabihin, naupo siya sa aking tabi, katahimikan ang nangibabaw sa pagitan namin.

"Alam mo kung ako sayo binibini lalayo ako dito sa bahay nila Antonio, dahil sa ginagawa mong ganyan unti unti mong binibigyan ng problema ang pamilya niya." sambit ni Marcel, alam kong may sasabihin siyang masama kaya hindi na ako nagulat, nakakatawa lang dahil nagpapakagalit siya sa akin.

"Marcel may tanong ako. Sayo ba ang bahay na ito?" tanong ko. Mabilis siyang umiling dahilan para matawa ako.

"Hindi naman pala pero bakit nagpapakagalit ka? Eh kung yung may ari nga ng bahay ay pinatuloy ako at walang problema tapos ikaw? Aminin mo nga nag seselos ka sa amin ni Antonio hindi ba?" prangkang tanong ko.

"Hindi, tsaka hindi naman kayo bagay ni Antonio. Mayaman ka isa kang De Leon habang siya ay hamak na sundalo lamang." ang baba ng tingin niya kay Antonio!

"Kung sakali man na maging kasintahan ka ni Antonio, hindi ka hahanga sa taglay niyang pagiging isang sundalo?" nagulat siya sa aking tinuran at agad na natahimik.

"Ang sinasabi ko lang hindi kayo bagay." saad niya.

"Hindi bagay dahil kayo ang mas bagay? Kinahihiya mo nga ang pagiging sundalo niya. Kaya sa tingin ko hindi ka rin nababagay para kay Antonio," saad ko bago siya iniwan sa likod ng bahay nila Antonio.

Nakakainis, sino siya para sabihan ako ng ganun. Pumunta na lang ako sa kwarto ni Antonio kung saan ako natutulog. Pag bukas ko ng pinto ay nakita ko ang likod ni Antonio, nakahubad siya! Napalunok ako ng di oras at ilang saglit pa ay nasa akin na ang kaniyang paningin dahilan para mas makita ko ang kaniyang dibdib at ang 6 pack abs niya!

Agad akong tumalikod dahil sa hiya.

"Pasensya na, akala ko ay walang tao." saad ko pero halos makiliti ako ng marinig ang sinabi niya, nasa likod ko siya at ang lapit namin!

"Hindi ka ba nasisiyahan makita ang aking tinatago?" ngisi niya dahilan para mapakunot ang aking noo.

'Tinatago? Anong tinatago niya iyong 6 pack abs niya?'

Tinulak ko siya dahil baka mamaya makita na naman kami ni Marcel, tuluyan pa iyong magalit sa akin. Galit na nga yata siya.

"Lumayo ka nga sa akin, baka mamaya makita tayo ni Marcel." ani ko pero natigil ako ng maalala si Marcelino, buhay pa kaya siya?

"Antonio, samahan mo ako tingnan natin iyong lalaki baka buhay pa siya!" sambit ko pero nagulat ako ng umiling siya.

"Hindi. Walang Marcelino na nagngangalan dito sa ating bayan kaya ang tiyak ko isa siyang dayuhan." sambit niya this time may damit na siya.

"Ah... Antonio tinatawag ka ni Aling Camila." tumango sa kaniya si Antonio at bumaling sa akin noong umalis na si Antonio.

"Talagang kakaiba ang iyong kalandian binibini."

Heartless: Drianna Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon