Kabanata 6

40 5 0
                                    

Sa sumunod na araw ay muli akong pumunta sa gubatan ng ako lamang mag isa. Itinabi ko muna ang takot kong nararamdaman. Nakamasid ako sa paligid, hindi ko pa naaamoy ang naamoy ko kahapon, isa lang ang ibig sabihin nito. Wala pa siya dito.

Ipinagpatuloy ko ang pag lalakad pero wala talaga akong naaamoy na mabahong usok. Hindi ko alam kung itutuloy ko pa ang balak ko na harapin siya gayong hindi ko pa naman siya nakikita.

Lumipas ang minuto at naglalakad pa rin ako, halos hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko matapos makita ang nasa puno sa harapan ko.

Isang babae ang nasa puno nakasabit at walang malay, labas na ang bituka niya at nababalutan siya ng dugo.

'Lintek na padali 'to'

Sa halip na ituloy ang pakikipag kita sa isang nilalang ay tumakbo na ako palayo sa lugar na iyon, sa ngayon iisipin ko muna kung paano ako makakatakas sa lintek na lugar 'to.

Habang tumatakbo ako ay may nabunggo akong isang tao, tiningnan ko ang hitsura niya. Matipuno siya, maputi at medyo curl ang buhok.

"Pasensya na ho." saad ko, nakasuot siya ng simpleng damit at may balisong sa gilid ng bewang niya.

"Ayos lamang binibini, ano bang ginagawa mo rito sa gubatan at ikaw lamang mag isa. Napaka delikado rito, baka mamaya ay ikaw pa ang mabiktima ng aswang dito." doon na ako mas lalong kinabahan.

'Aswang?'

Isang aswang rin ba ang may kagagawan ng nakita ko? Ang pag patay sa isang babae? Paano kung ako naman ang isunod ng aswang na iyon?

"Mas nais lamang po akong balikan, may nakita ho ako kahapon rito na isang bagay ngunit hindi ko na nakuha, dahil nag mamadali po ako." pag sisinungalin ko.

Hindi ko pwedeng basta basta ipagsabi ang pakay ko lalo pa't kasama rito ang gamot na kailangan ko.

"Mabuti pa at ika'y akin ng ihahatid, isang katulad mo ang natitipuhan ng mga aswang rito sa gubatan. Saan ka ba nakatira?"

"Kina aling Camila po ako nakatira, ako po ay isang De Leon." nang masambit ko iyon ay agad siyang humarap sa akin.

Mas lalo ko pang nakita ang gwapo niyang mukha, bata pa ang mukha niya tila kaedad ko lamang siya. Mukhang hindi siya naniniwala kaya't dali dali kong kinuha ang isang bracelet na tanda na isa ka talagang De Leon sa aking bulsa. Lagi ko itong dala dahil kahit sino ay hindi maniwala na isa akong De Leon.

Itinaas ko iyon sa harapan niya at nakita ko ang panlalaki ng kaniyang mata. May masama ba sa pagiging De Leon ko?

"Ngayon naniniwala ka na ba na isa nga akong De Leon, Ginoo?" dahan dahan siyang tumango. Nagpatuloy kami sa pag lalakad hanggang sa di namin namalayan ay nasa tapat na kami ng bahay ni Aling Camila.

Nag pasalamat ako sa kaniya bago siya umalis, halos mapatalon ako ng makita si Antonio na nasa labas ng kanilang bahay. Madilim ang tingin nito, nawala ang tingin niya sa akin at sinundan ng tingin ang lalaking nag hatid sa akin.

Nang makalayo na ang lalaki ay agad itong bumaling sa akin at dahan dahang lumapit habang kinakamot ang kilay? May kuto ba siya dun?

"Sino iyong nag hatid sa iyo?" tanong niya, sa tono ng pananalita niya ay seryoso siya. Halos araw araw naman siyang seryoso, kay Angelito lang ata siya nagiging masaya.

Shit, i didn't know what his name. Hindi ko natanong, katangahan mo Drianna. Teka paano ba ito, anong sasabihin ko bahala na nga.

"H-hindi ko siya kilala, nakalimutan kong itanong ang kaniyang pangalan." dahil sa sinabi ko ay lalo pa siyang lumapit sa akin, isang dangkal na lang ay lalapat na ang katawan niya sa katawan ko.

"Alam mo bang delikado sa lugar kung saan ka napadpad? Sumasama ka sa hindi mo kakilala paano kung may mangyari sa iyo? Hindi kakayanin ng konsensya ko Drianna!" napaigtad ako ng sumigaw siya.

"P-paumanhin, hindi ko naman alam." saad ko bago iniwan siya sa labas. Nagtungo ako sa likod ng bahay nila kung saan kami tumatambay ni Angelito.

Saktong nandun si Angelito nag aayos ng pang gatong. Naupo ako sa upuang naroon at pinanood siyang ayusin ang mga pang gatong. Hanggang sa naisipan ko siyang tanungin tungkol kay Antonio.

"Angelito, nakita mo na bang sumigaw si Ginoong Antonio?" tanong ko, napatigil siya sa pag aayos at tumingin sa akin.

"Hindi pa, hindi naman sumisigaw si Ginoo. Kung sumigaw man siya marahil ay galit talaga siya." dahan dahan akong napatango.

So yun yung kauna unahan niyang pag sigaw. Sa unang pag kakataon ay nasinghalan ako ng isang Ginoo dahil sa pag sama ko sa hindi ko kakilala. Kahit sino naman yatang tao o magulang magagalit kapag nakitang may kasamang hindi kilala ang anak nila.

Pero hindi ko naranasan sawayin, bigyan ng mga paalala. Namimiss ko na sila Mommy at Daddy, bakit kasi kailangan na nilang pumanaw? Nakaalis nga ako sa bahay ampunan pero hindi ko naman nakasama ang umampon sa akin. Nakasama sila ng batang ako pero hindi ng ngayong ako.

Ang mga kaibigan ko, kumusta na kaya sila? May ideya na ba sila sa gamot na aming kailangan? Wala naman akong cellphone para matawagan sila at hindi ko rin alam kung nasaan sila.

Sumapit ang tanghali at tinawag kami ni Aling Camila para kumain. Sumunod kami ni Angelito dahil nagugutom na rin kami, pero nauna roon si Angelito dahil nag muni muni pa ako ng kaunting oras sa likod ng kanilang bahay.

Pagdating ko sa loob ng bahay nila ay nakita ko kung gaano sila kasaya, humahagalpak sa tuwa. May ilang napapahawak sa tiyan dahil sa hindi mapigilang tawa at si... Dumako ang tingin ko kay Antonio na ngumi-ngisi lang. Hindi ba talaga siya tumatawa katulad ng pagtawa ng pamilya niya?

Pag natapos siguro ang pag hahanap namin sa gamot makakabalik na kami sa kasalukuyang panahon. Pero mas gugustuhin kong dito na lamang ako habang buhay, wala rin namang saysay kung makakabalik ako sa kasalukuyan dahil ang kamag anak ko naman ay sakim sa yaman na binigay sa akin nila Mommy. Paniguradong nailipat na nila sa pangalan nila ang properties na sa akin nakapangalan noon.

Natigil ako sa pag iisip ng tawagin ako ni Aling Camila.

"Anak, halina kumain ka na rito Drianna." napangiti ako sa di malamang dahilan. Unang tao na tumawag sa akin ng 'Anak' kay sarap palang pakinggan.

'Mommy eto na ako dalaga na, Daddy eto na yung prinsesa mo nakakalakad na. Nakakapag desisyon ng maayos. Magpakita naman kayo kahit sa panaginip na lang po.'

Heartless: Drianna Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon