Kabanata 22

25 3 0
                                    

Nagising ako ng madaling araw para silipin kung anong nangyayari sa lamay sa ibaba. Kakaunti na ang tao dahil madaling araw na, bukas na ang libing ng tatay ni Antonio kaya paniguradong dagsa ang mga tao mamayang gabi.

Inaantok pa ako at ng makita kong wala namang problema sa ibaba ay bumalik ako sa pagtulog. Tanghali na ako nagising kaya dali dali akong kumilos para maligo, magluluto pa ako ng almusal namin. Sila naman mamaya ang matutulog.

Pagbaba ko ay nakahanda na ang lahat, nakaluto na din kaya wala na akong lulutuin. Nang makita nila ako ay binati nila ako at inanyayahan kumain. Ngumiti at tumango ako sa kanila bago lumapit para makisabay kumain.

Nag uusap sina Antonio at Aling Camila kung saan ililibing ang kanyang tatay habang kami ni Angelito ay tahimik na kumakain at nakikinig. Ang balak ko sana ay bibisita muna ako kay Marcel para malaman ko kung anong kalagayan niya doon.

Sinabi ko na ang balak ko kay Antonio at sbai niya ay sasama siya pero pinigilan ko siya dahil baka pag nakita niya ulit si Marcel ay hindi lang sakal ang gawin nito. Sinabi ko rin na mabilis lang ako doon dahil alam kong mamaya lang ay madami na ang mga tao dito.

"Kumusta ka binibining Marcel?" alam kong bawal akong bumisita sa kanya dahil pinaghihigpit iyon. Mabuti na lang at pinayagan ako ng isang sundalong nag babantay doon.

"Ayos lang, pinag sisisihan ko ang nagawa ko." aniya.

"Bakit mo nga ba nagawa iyon binibini? Kung hindi mo mamasamain ang aking katanungan." sambit ko ng may pag iingat.

"Masyado akong nainggit sayo at kay Antonio, noong dumating ka sa'yo na nabaling ang kanilang atensyon na noon ay nasa akin lang." nakatungo niyang saad.

Hindi niya ako matingnan ng mata sa mata. Kaya hindi ko na lang siya pinilit, sandali akong napaisip sa naging sagot niya. Kung hindi ako dumating dito hindi mapupunta sa akin ang atensyon nila, hindi magagalit si Marcel ng ganito at higit sa lahat hindi niya sana mapapatay ang Tatay ni Antonio. Sana buhay pa ito hanggabg ngayon, pero nang dahil sa akin ay nawala ang tatay ni Antonio.

Ako ang sinisisi niya sa nangyayari dahil totoo naman na ako ang dahilan kung bakit unti unti siyang nilalamon ng galit.

"Dapat pala ikaw na lang yung sinaksak ko para wala ng hadlang sa amin ni Antonio. Sana naikasal na kami ay mayroon na sanang mga supling." nabigla ako sa sinabi niya, hindi ako nagpahalata na natatakot ako sa kanya kahit ang totoo ay talagang natatakot ako.

"Hindi din naman matutupad ang iyong nais dahil papatay ka pa rin ng tao para sa ambisyon mo." simpleng sambit ko pero nang tingnan ko siya ay nakatingin na siya sa akin na may nanlilisik na tingin tila apoy ang nasa loob ng kanyang mga mata.

"Hindi magiging maayos ang libing ng tatay ni Antonio, kaya maghanda ka binibini baka ikaw na ang susunod na mawala." may nakakalokong ngisi ang kumawala sa labi ni Marcel.

Sa halip na mag isip ng mag isip ay minabuti ko nang mag paalam sa kanya, hindi ko na hinintay ang kanyang sasabihin. Habang sakay sa kalesa ay nanatili lamang akong tulala. Ibig sabihin nakatakdang ikasal sina Marcel at Antonio, at kung hindi lang ako dumating tiyak na kasal na sila.

Bakit kasi dito pa ako binagsak ng pesteng time machine na yun. Nang makarating sa bahay nila Antonio ay sinalubong ako ni Antonio, kinamusta ang pagbisita ko doon.

"Antonio, nakatakda pala kayong ikasal ni Marcel?" hindi ko napigilan itanong na iyon. Kita ko ang pagkagulat sa kanyang mukha.

"Totoo iyon binibini." natahimik ako sa kanyang sinabi. So totoo nga, ako ang sumira sa pamilyang nais nila.

"Kung ganon bakit ka umamin sa akin na ako'y iyong mahal?" sambit ko, sa puntong ito ay hindi ko na alam ang mga pinag sasasabi ko.

Dahil umaasa ako na mahal niya ako dahil ito yung pagkatao ko, hindi dahil nakikita niya sa akin si Marcel o iba pang rason. Nang hindi niya masagot ang aking tanong ay umalis na ako, pumasok sa loob ng bahay at nagsimulang asikasuhin ang mga bisita.

Heartless: Drianna Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon