Kabanata 19

27 3 0
                                    

"Maiwan ko muna kayong dalawa." saad ni Martin kaya tumango na lang ako.

Hindi ko alam na may ganitong lugar pala dito. Hindi ko alam kung saan ko ilulugar ang aking kasiyahan lalo na at dumapo sa aking braso ang isang ibon. Wala naman yata siyang breed pero ang ganda niya.

Tinawag ko pa sina Martin at Antonio para maipakita sa kanila ang ginawa sa akin ng ibon. Ang sumunod na ibon ay akala ko dadapo sa dalawa pero sa ulo ko dumapo, tinatawag ko sila para paalisin iyon dahil baka maiputan ako sa ulo.

Tatawa tawa lang ang dalawa kaya nainis ako ng kaunti pero ang inis na iyon ay dahil wala sa kanilang lumalapit na ibon at nasa akin lang.

"Bakit walang dumadapo sa inyo? Siguro hindi pa kayo naliligo?" natatawa kong tanong.

Agad umayos ang dalawa at nagsimulang sumipol, laking gulat ko ng sa pag sipol nila ay dumapo sa kanila ang ilang mga ibon maging ang nasa akin ay dumapo sa kanila.

Tuluyan na akong nainis dahil ang mga ibon na nakadapo sa akin ay nawala. Nag walkout ako palayo doon. Pero ilang saglit pa at nakuta kong nakasunod sa akin si Antonio.

Inarko ko ang isa kong kilay bilang pag tatanong kung bakit niya ako sinundan.

"Nagalit ka ba?" hindi ako nagsalita at hindi rin siya pinansin. Ramdam kong lumapit siya sa akin pero lumayo ako ng kaunti. Nang makalayo ako ng kaunti ay pinakikiramdaman ko kung anong ginagawa niya.

"Pasensya na huwag ka na magalit, dahil mas maganda ka pa sa kanila." saad niya, hindi ko alam pero agad nawala ang inis ko sa kanila.

Unti unti siyang lumapit sa akin at inabot ang aking dalawang kamay, nag paubaya naman ako. Tinitingnan ko ang bawat kilos na gagawin niya sa aking kamay.

"Huwag ka sanang magalit, binibini ngunit ako'y nahuhulog na sa iyo." my mouth parted when i heard what he say.

Sa pagkakataong ito ay nanatili akong walang kibo at tulala sa kaniyang mukha. Totoo bang umamin siya sa akin ngayon?

"Binibini?" doon ako nabalik sa katinuan ng muli niya akong tawagin.

"A-ano... Gaya ng iyong nararamdaman, may nararamdaman din ako sa iyo ginoo." hiyang hiya na ako sa pagkakataong ito.

Pakiramdam ko pulang pula na ang aking pisngi dahil doon. Tinitingnan niya ang aking dalawang mata pero umiiwas ako ng tingin. Hindi ko kayang tingnan siya sa ngayon dahil alam kong mapula na ang aking pisngi.

Kinagat ko ang aking labi para pigilan ang aking tinatagong ngiti. Nang tingnan ko ang kanyang mukha ay gulat na gulat siya dahilan para mapa bungisngis ako.

"Totoo ba ang iyong tunuran ukol sa iyong nararamdaman para sa akin?" nakangiti niyang tanong kaya dahan dahan akong tumango.

Pero di ko inaasahan na yayakapin niya ako. Kaya nauntog ako sa kanyang dibdib. Pero nang marinig ko ang boses ni Martin ay agad kong tinulak si Antonio palayo na para bang walang nangyari.

"Tayo na doon naman tayo sa kabilang parte." sambit niya kaya nauna akong sumunod kay Martin pero bago ako maglakad ay muli kong nilingon si Antonio at nakita ko siyang naka ngisi.

Umirap na lang ako at saka nagpatuloy sa pagsunod kay Martin. Habang nasa likod ako ni Martin ay napaisip ako dahil sa kilos nito. Para siyang galing sa kasalukuyang panahon, alam niya ang mais de condense at ang iba pang lenggwahe na galing sa kasalukuyan.

Hindi, maaaring nag aral lang siya noon sa ibang bansa kung kaya't alam niya ang iba't ibang lenggwahe. Mas malaki ang inaasam ko na sana nanggaling din siya sa kasalukuyan para kahit papaano ay may kasama ako dito.

Heartless: Drianna Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon