Kabanata 21

20 3 0
                                    

Katulad ng sinabi ko ang batas na ang bahalang magparusa kay Marcel dahil kalaunan ay inamin din niya na siya ang sumaksak sa tatay ni Antonio. Naroon siya sa bayan para imbestigahan ng mga sundalo. Pero matapos ang imbestigasyon ay kinulong na siya.

Inayos na ang libing ng tatay ni Antonio dahil nais nila itong paglamayan kahit tatlong araw bago ihatid sa huling hantungan. Sa ikalawang araw ng paglalamay ay bumisita si Marcel, pinayagan siya ng mga sundalo na nag babantay sa kanya.

Hindi naging maganda ang paglalamay sa ikalawang araw ng makita ni Antonio si Marcel ay agad niya itong nilapitan at muling sinakal. Ang mga nagbabantay na sundalo kay Marcel at ang mga taong naroon maging si Aling Camila ay nagulat sa mabilis na pagkilos ni Antonio.

Agad akong lumapit kay Antonio, at pilit na pinapakalma siya, lumapit na rin si Aling Camila sa kanyang anak para pigilan ito. Parang natauhan si Antonio at agad na binitawan si Marcel.

Nag aalala akong tumingin kay Antonio na ngayon ay nakatingin sa kanyang kamay. Humarap siya sa akin at nangingilid ang luha kaya agad ko siyang niyakap para doon may masandalan siya.

"A-ayokong magkaroon ng dumi ang kamay ko." sambit niya at panay hikbi.

Hinimas ko ang kanyang likod para tumahan siya. Alam naming hindi niya pa tanggap ang pagkawala ng kanyang tatay. Kaya naiintindihan ko ang pinanggagalingan ng kanyang galit.

Inaya ko na lang siya sa isang upuan na naroon para umupo. Kasabay nun ay binigyan siya ni Aling Camila ng Tubig.

Gabi na at madami dami pa rin ang tao kaya minabuti kong hanapin muna si Antonio para sabihing magpahinga. Nakita ko siya naroon sa labas ng kanilang bahay nakaupo at nakayuko. Nilapitan ko siya at hinawakan sa braso dahilan para mapaangat ang kanyang tingin.

"Magpahinga ka muna, kami ng bahala dito." sambit ko pero umiling siya.

Napabuntong hininga ako, hindi pwedeng hindi siya magpapahinga dahil isang araw na siyang hindi natutulog. Kanina lamang matapos bumisita ni Marcel ay bumisita dito ang mga kaibigan ni Antonio na sundalo nakikidalamhati.

Hindi din nagtagal si Marcel dito dahil may limitasyon daw ang kanyang pag labas ng selda. Tumango ako sa kanya at bumalik sa loob ng oras na iyon.

"Ikukuha kita ng kape." akmang aalis na ako pero hinawakan niya ang aking braso.

Sa gulat ko ay napaharap ako sa kanya, nang tingnan ko ang mata niya ay may nagsisimulang mamuong luha. Kaya sa halip na kumuha ng kape ay naupo ako sa tabi niya para damayan siya.

Ilang minuto ang namutawi sa aming hindi kami nagsasalita. Nagsalita lamang siya ng may bumati sa kanya.

"Pangarap ni tatay na magkaroon pa si Nanay ng malaking karinderya, siya daw ang gagawa ng bagay na iyon." kwento niya, ako naman ay nanatiling tahimik inaabangan ang kanyang susunod na kwento pero wala na ito.

Base sa kilos niya ay talagang pagod na siya kaya kailangan niya ng magpahinga. Sa pangalawang pagkakataon ay sinabihan ko siya na magpahinga muna mabuti na lang at sumunod siya.

Nais ni Aling Camila na magtinda pa din siya kahit may burol para daw tuloy tuloy ang kanyang kita ngunit pinigilan ko siya. Dahil kung mag titinda siya tiyak na doble pagod ang dadanasin niya. Atleast kujg walang tinda may mga oras siya para makapag pahinga matapos makipag usap sa mga bisita.

Kapag nagpapahinga silang dalawa ni Antonio ay si Angelito at Martin ang aking katulong sa mga gawain lalo na kapag mag hahayin ng mga tinapay, kape at iba pa. Si Angelito ay dito na rin natutulog dahil ayaw niyang umuwi dito lang daw siya hanggang sa mailibing ang tatay ni Antonio.

Nagpaalam na din daw siya sa kanyang ina na dito muna siya matutulog at sumangayon naman daw ang kanyang ina. Ganito pala ang ginagawa kapag may mga patay, hindi ako nakaranas ng ganito kaya nababaguhan ako pero kalaunan ay nasanay na din ako.

Nang mag gagabi na ay nagluto ako ng kanin at ulam para makakain na sila Aling Camila at Antonio. Habang tulog sila ay niluto ko iyon at nang maluto ay umakyat ako sa kwarto ni Antonio para gisingin siya pero tulog na tulog siya kaya lumabas muna ako para puntahan si Aling Camila.

Nakita ko si Aling Camila na tulala sa kanilang kwarto kaya nilapitan ko siya. Nang tawagin ko siya ay ilang minuto pa bago siya lumingon sa akin. Ngumiti ako sa kanya at hinaplos ang kanyang mga kamay.

"Kain na po tayo? Nagluto at nakahayin na po ang mga pagkain." sambit ko at tumango naman siya.

Nagpaalam ako na gigisingin ko muna si Antonio para sabay sabay na kaming kakain. Pagdating ko muli sa kwarto niya ay tulog pa rin siya kaya ginising ko na siya kahit sobrang lalim ng tulog niya.

Hindi naman siya pwedengg malipasan ng gutom, naalala ko ang sinabi ng kanyang mga kaibigang sundalo na huwag na muna siyang pumasok dahil sa nangyari. Napahinga ako ng malalim sa pang gigising ko sa kanya ay nagising din siya.

"Kakain na, nagluto ako halika na." nakangiti kong saad, nang makita niya akong ngumiti ay ngumiti din siya sa akin na para bang walang problema.

Wala akong nagawa kundi ngumiti ulit sa kanya, sinabi kong bababa na ako at mag ayos na siya at sumunod sa ibaba. Pagbaba ko nakita ko si Angelito na nakatulog na doon sa sofa kaya di ko maiwasang mapabuntong hininga. Nilapitan ko siya at mukhang katutulog niya lang.

Ginising ko siya para makakain muna siya bago muling matulog. Nagising naman agad siya at akmang bubuhatin ko siya ng may bumuhat sa kanya. Nang lingunin ko ito ay si Antonio, siya ang bumuhat kay Angelito na inaantok pa din hanggang ngayon.

Doon na rin kumain si Martin, habang kumakain kami ay si Angelito lamang ang maingay at nag papatawa. Kami naman ay nadadala sa kanyang mga kwento kaya naging masaya ang aming kainan.

Matapos kumain ay hinugasan ko na ang mga pinagkainan namin at ako naman ang nagpahinga ngayon. Si Angelito naman ay bumalik muli sa pagtulog dahil napagod din siya ng husto.

"Nakakapagod ang araw na ito, tila buong buhay ni Antonio ay aking masisilayan."

Heartless: Drianna Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon