Pinaypayan ko ang aking sarili gamit ang kamay at nagpunas ng pawis. Umirap ako sa kawalan at pinunasan ang namuong pawis sa noo ko. Summer parin ba at hanggang ngayon ay ang init init pa rin? Kainis! Dapat ay umuwi na lang ako, kung hindi lang sana ako pinilit nila Trix na manatili muna dito a court ay talagang uuwi ako. Kaasar din naman kasi si Carlos at nagpapahintay pa! Akala ko ba matalino sya? Dapat ay alam na nya kung paano umuwi mag isa!
"Odessa watch out!" Napatingin ako sa sumigaw at hinarang ang kamay ko sa aking mukha at inilagan ang paparating na bola. What the?! Muntik na ako doon a!
"Are you okay?" linapitan ako ni Carlos at hinawakan ang braso ko, chineck na rin kung napuruhan ako. Hinawi ko ang buhok sa aking mukha at nanliit ang matang tinignan si Carlos.
"Mag ingat naman kayo!"
"Hindi ako sila" Sabay turo ang mga kalaro nya sa likod. Inikutan ko sya ng mata at tinagilid ang aking mukha. He's too close! Amoy na amoy ko ang pabango nya kahit pawisan na sya.
"Hindi pa ba kayo matatapos? Gusto ko ng umuwi" iniba ko ang usapan at tinignan ang oras sa aking relo, 4:30 na at kating kati na akong maligo.
"Malapit na Odessa, patience please. At tumingin tingin ka nga sa paligid mo! Baka mamaya tuluyan ka ng matamaan ng bola"
"Oo na. Alis ka na at amoy pawis ka" imbes na maasar sya ay tinawanan nya lang ako at bumalik sa paglalaro ng volleyball. Ewan ko ba dyan at naging tropa na nya ang mga volleyball players. Kung sino 'yong mga nakasama nya noong first day of school ay hanggang ngayon 'yon pa rin.
Pinanood ko sila habang naglalaro, specially Carlos. Gwapong gwapo nanaman sya kahit naka jersery shorts sya ng gray at damit na gray which is pang P.E. uniform nila, naka white na sapatos rin sya na may tatak na Nike.
Sumigaw ang nga high school student nang inispike ni Carlos ang bola at hindi natamaan ng kalaban nila. Napatingin ako sa kanila at isa sa nga sumigaw ay si Sarah, ang kapatid ni Sid.
"Woah! Nice shot dude!" Sabi ni Rick na sa pagkakaalam ko ay syang Captain Ball nila. Nag apiran sila at umupo sa benches upang nag break ng sampung minuto.
Umikot nanaman ang mata ko at tinignan sila Trixie sa silong ng mangga na ngayon ay nagseselfie. Hayan! Hihilain nyo ako dito at iiwan mag isa. Magaling! Magaling!
"Busangot ka nanaman Odessa.Why don't you join them?" Pumintig ng malakas ang puso ko ng tumabi sa akin si Carlos habang nagpupunas ng pawis.
"Hindi ako mahilig mag selfie" sambit ko.
"Really? Selfie nga tayo"
Inilabas nya ang kanyang Iphone at tinapat sa akin ang front camera. Nagulat ako at kitang kita ang mukha ko sa screen ng Iphone nya. Damn! Parang gulat na palaka ang mukha ko! Tumawa sya at dumikit sa akin, hindi pa sya na kontento at inakbayan ako.
"Ready, 1 2 3" Hindi pa man ako nakakangiti ay clinick na nya iyon ng dalawang beses. Tumawa sya at pinakita sa akin ang picture namin.
What the heck?! Iisa lang ang reaksyon ng mukha ko which is gulat na gulat samantalang sya ay nakangiti ng wagas at gwapong gwapo ang kuha nya! Madaya!
"Shit Carlos idelete mo 'yan!"
"Ayoko nga!" Nilabas pa nya ang kanyang dila at tumawa. Urgh! Kainis nakakahiya 'yong mukha ko doon!
"Ang pangit nyan! Delete mo!"
"Ayoko!" Sabay lagay nung Iphone sa bag nya. Tumatawa naman ang mga kaibigan nya habang pinapanood kami. Ahhh! Mas lalo akong nainis at pinanlakihan ko sila ng mata. Ang mga ilang andito rin ay pinapanood kami at nagbubulungan, including Sarah and her classmates.
BINABASA MO ANG
A Glimpse from Carlos
RomanceHindi alam ni Odessa kung ano ang gustong iparating sa kanya ni Carlos, ang bagong salta sa bayan nila na pinsan ng kaibigan nyang si Trixie. Unang kita pa lang nya dito ay nag iiba na ang buong sistema nya, iba kung makatingin ito sa kanya at may k...