"Uy Odessa!" napatingin ako sa tumawag sa pangalan ko at nginitian ng ubod ng tamis si Derrick. Linapitan naman nya ako at inakbayan pagkaupo nya sa tabi ko.
"Derrick! Long time no talk a!" Sabi ko at ginulo ang buhok nya. Tinanguan ko naman ang mga kaibigan nya na laging kasama ni Carlos. The volleyball players.
"Busy e, alam muna" tumatawa nyang sabi at tumingin sa may stage na hanggang ngayon ay patuloy parin sa pagpapractice sila Carlos. Mag ttrenta minutos na ako dito ngunit hindi parin nya ako linalapitan. Kainis! Samantalang pinapansin naman nya si Sarah na syang nag bigay ng tubig sa kanila."So, ano'ng ginagawa mo dito? 'La kang pasok?" nakakunot ang noo nyang tanong. Binaling ko naman ang tingin ko sa kanya at ngumiti ng pilit.
"Uhm meron, one hour vacant e. Hinihintay ko lang si Carlos" sabay turo ko sa direksyon nila na ngayon ay katawanan na nya si Sarah! Bwisit! Kung bakit pa kasi ako pinapunta ni Trixie dito, e hindi naman pala ako kailangan!
"Ahh" napatango naman sya at tinanggal ang kamay nya sa balikat ko.
"Ikaw? Wala ba kayong pasok? Hindi ba't kaklase nyo si Carlos?" tanong ko.
"Oo, actually sinusundo na namin sya. Baka daw kasi makalimutan nyang may klase pa kami"
Kung ganoon may klase pa sya at hindi excuse? Hindi naman kaya maapektuhan ang pag aaral nya sa pagsasayaw nya? At bakit hindi pa nila itigil ang pageensayo nila para makaabot pa sya sa klase nya? And now I'm concern. Wow Odessa!
"Carlos!" sigaw nila kaya naman natigil ang tawanan nila ni Sarah at napatingin sa amin. Kumaway naman sya at may sinabi kay Sarah bago tinahak ang direksyon namin. Ang kaninang masayang mukha nya ay napalitan ng pagseseryoso ng makita ang kamay ni Derrick sa balikat ko na hindi ko namamalayan na linagay nya pala ulit ang kamay nya doon.
"Dude ano tara na? May klase pa tayo" sambit ni Donald ngunit hindi nya 'yon pinansin at kinuha ang bag nya sa gitna namin ni Derrick dahilan para tanggalin ni Derrick ang kamay nya sa balikat ko. Salubong ang kilay nyang tumingin sa akin ngunit tinaasan ko lang sya ng kilay.
"Sige una na kayo, may twenty minutes pa naman e. Pahinga lang ako sandali" ani nya.
Tumango naman sila at umalis na ngunit naiwan si Donald at Derrick. Nginitian ako ni Derrick at ginulo ang buhok ko.
"See you later classmate. At sya nga pala, dumalaw ka daw sa CIT miss ka na nila Robert" sambit nya.
"Nagkita lang kami noong Friday e" tumatawang sabi ko. Sus 'yong baklitag 'yon! Nagdadahilan lang para maipakilala ko sa kanila si Carlos e. Nagkibit balikat naman sya at tinapik ang balikat ni Carlos.
"Alis na kami, bye Odessa" kinindatan pa nya ako bago tuluyang umalis. Tumikhim naman si Carlos kaya naman napatingin ako sa kanya.
"Kanina ka pa?" malambing nyang tanong. Oo kanina pa! Hindi mo nga ako napansin dahil busy ka kay Sarah e! 'Yan sana ang gusto kung sabihin ngunit pinigilan ko ang sarili kung sabihin 'yon.
"Oo" iritado kung sagot at linagay ang shoulder bag sa balikat ko."Hindi mo man lang ako tinawag? Odessa naman" Malungkot nyang sabi kaya naman napatingin ako sa kanya. Nakanguso sya na parang bata at medyo nakayuko. Mamasa masa ang buhok nya at pawisan na hindi naman nakabawas sa gandang lalaki nya. Kahit saang anggulo talagang tignan napaka perpekto ang kagwapuhan nya!
"Paano e busy ka kay Sarah" inikutan ko sya ng mata at tinagilid ang ulo ko. Shit! Dapat kaswal parin ang boses ko ngunit hindi ko mapigilan ang mainis! Mas inuna pa nya ang makipagharutan sa batang 'yon kaysa sa akin?! My God! Paano kung hindi dumating sila Derrick? Hindi parin nya ako mapapansin? This is insane! I sound like a jealous girlfriend!
BINABASA MO ANG
A Glimpse from Carlos
RomanceHindi alam ni Odessa kung ano ang gustong iparating sa kanya ni Carlos, ang bagong salta sa bayan nila na pinsan ng kaibigan nyang si Trixie. Unang kita pa lang nya dito ay nag iiba na ang buong sistema nya, iba kung makatingin ito sa kanya at may k...