"Mag iingat kayo doon ah? At ikaw Odessa! Huwag kang pabigat ulo kay Carlos" pangaral ni mama saamin. Linapitan ko naman siya at inakbayan.
"Opo ma, parang hindi naman ninyo ako kilala" humalik ako sa pisngi niya at lumuhod sa harapan ni Max.
"Pakabait ka Max ah! Apat na araw lang naman kami sa Manila e, bibilhan kita ng pasalubong" tumango naman siya habang nakanguso at bumalik sa matigas naming sofa.
Napabuntong hininga ako at tumayo. Kanina pa nagtatampo si Max, gusto niya kasing sumama kaso ayaw naman ni mama dahil bakasyon daw namin ito ni Carlos. Ngumiti ako at sinukbit ang bag ko sa balikat. Hinawakan naman ni Carlos ang bewang ko at bumeso kay mama.
"Alis na po kami ma, pagbalik po namin ni Odessa, kasal na kami" siniko ko siya ngunit tinawanan niya lang ako.
"O siya sige, umalis na kayo para maaga kayong makarating doon" tumango ako at yumakap kay mama.
Apat na araw lang kami doon pero alam kung mamiss ko na agad sila. Si papa naman bumalik na sa ospital dahil gabi ang shift niya ngayon. Nakapagpaalam na kami sa kanya at salamat at pumayag siyang sumama ako kay Carlos.
"Alis na po kami ma" tumango saamin si mama at hinatid kami hanggang sa may pinto. Sumulyap pa ako sa bahay bago tuluyang lumabas ng gate.
"Akala ko hindi na kayo lalabas! Dalian niyo at matutulog ulit ako" inikutan kami ng mata ni Trixie at nauna ng pumasok sa Van.
Ala una na at ngayon na kami pupunta sa Manila, dapat kanina pa kami nakaalis pero ito kasing si Carlos ayaw paawat kanina! Kung hindi pa kami binulabog ni Max ay hindi na niya ako tatantanan. Minsan lang 'yan makipag ano saakin pero mapapagod naman ako kapag active ang hormones niya! Kulang na lang ay magdamag kaming magyugyugan! Dalawa ang driver na kasama namin ngayon at parehas silang nasa harapan. Si Trixie naman okupado ang unang row ng upuan, sa pangalawa ay puro bag niya at sa likod naman ay kami ni Carlos.
Ibinaba pa konti ni Trixie ang upuan, nagsuot ng earphone at nagsimula nang matulog. Umupo ako sa likuran at tumingin sa labas habang mabagal na tumatakbo ang sasakyan. Tumabi naman saakin si Carlos at mabilis niyang yinakap ang kamay niya sa bewang ko at siniksik ang ulo niya sa leeg ko. Napapikit ako nang maamoy ko ang pabango niya. Amoy sex at pinaghalong pabango namin.
"Tired Odessa? Gusto mong humiga?" bulong niya sa tenga ko. Gustuhin ko man ay hindi naman kami kasya dito sa upuan.
"Oo sana, hindi naman tayo kasya dito, atsaka baka manangawit ka lang" tumawa naman siya at mas lalong siniksik ang katawan saakin kahit na ang luwang luwang sa tabi niya.
"Hmm, pagod narin ako. I need to gain more energy! Higa tayo, gusto ko palagi kang komportable"
Humiwalay siya at dahan dahan niya akong pinahiga ng patagilid sa upuan, binaba pa niya 'yon ng konti para magmukhang kama. Tumabi narin siya saakin at yinakap ako mula sa likuran, siniksik nanaman niya ang ulo niya sa leeg ko at hinaplos ang buhok ko. Nakakarelax ang ginawa niya kaya naman nakatulog na ako ng mabilis.
"Hmm, Odessa, mahal na mahal kita" rinig ko pang sabi niya at tuluyan na akong nawalan ng diwa.
Nagising na lang ako ng may humahaplos sa bewang ko pataas sa dibdib ko, sinuway ko ang kamay na 'yon ngunit rinig ko lang ang pagtawa niya sa tenga ko at kinagat 'yon. Muling humaplos ang kamay niya sa loob ng damit ko pababa hanggang sa pumasok na ang kamay niya sa shorts ko at mariin hinahaplos ang gitna ko. Mabilis akong nag mulat ng mata. Shit! Kinabahan ako sa ginawa ni Carlos at para nanaman akong kinukryente. Hinarap ko siya na ngayon ay tumatawa at pumupumungay pa ang mata.
"Umagang uma-" hindi na niya ako pinatapos at hinalikan ng mariin sa labi.
Nanlaki ang mata ko at tinulak siya ngunit sinunggaban nanaman niya ang labi ko. Nakapikit siya at sarap na sarap sa paghalik sa labi ko kahit hindi ko sinasagot ang bawat galaw ng labi niya. Napangiwi ako ng kagatin niya ang bibig ko kaya naman kinuha niya ang pagkakataong 'yon para ipasok ang dila niya sa loob ko habang ang isa naman niyang kamay ay humahaplos sa pagitan ng hita ko. Shit! Hindi pa ba napapagod ang lalaking 'to at pati dito sa sasakyan ay sinisimulan na niya ako?!
BINABASA MO ANG
A Glimpse from Carlos
RomanceHindi alam ni Odessa kung ano ang gustong iparating sa kanya ni Carlos, ang bagong salta sa bayan nila na pinsan ng kaibigan nyang si Trixie. Unang kita pa lang nya dito ay nag iiba na ang buong sistema nya, iba kung makatingin ito sa kanya at may k...