Sino ba 'to at ganito na lang makareact ang lalaking 'to? Seryoso ang anyo ng kanyang mukha at nagtagis ang kanyang bagang na linapitan ang itim na sports car na pati ibang studyante ay napatingin sa mamahaling sasakyang ito. Kinatok nya ang bintana nito at medyo umatras nang lumabas ang isang lalaki. Nakasando sya nang floral ang design, naka maong shorts at itim na sapatos. Spiky ang buhok at hindi maittanggi ang maputi nitong balat.
"Carlos dude!" nag man to man hug sila at hinila ang bagong salta sa direksyon ko.
"What are you doing here George?" Nakakunot ang noong tanong ni Carlos.
"What? Don't you miss me?" mapaglaro ang kanyang ngiti at tumingin sa akin. Nanlaki naman ang mata ko sa ngiting pinakita nya sa akin. Teka, hindi kaya magkasintahan ang dalawang 'to?! At kaya sumama si Carlos dito ay dahil broken hearted nga talaga sya sa lalaking 'to? Oh my God!
"I know what you're thinking young lady, burahin mo 'yan dahil hindi ko shota ang lalaking 'to" Seryoso nyang sabi at hinapit ang bewang ko palapit sa kanya. Humagalpak naman ng tawa si 'George' at sinuntok ang braso ni Carlos.
"Fuck you dude!" tumatawa parin nyang sabi at muling binaling ang tingin sa akin. "Hmm I think I saw you few months ago"
Nanlaki ang mata ko at tinuro ang sarili ko. Noon si Francis at Eyrone tapos ngayon itong George na ito. Seriously, bakit ang daming nakakakilala sa akin na hindi ko naman kilala?
"Huh? Huwag mong sabihing nakalaban nanaman kita noon sa baking contest?" humagalpak sya ng tawa at sumuntok nanaman sa braso ni Carlos. Nababaliw na ata ang isang 'to, Ano'ng nakakatawa sa sinabi ko? Tss.
"Of course not! I'm GeorgeHarris, Carlos bestfriend" Hinawakan nya ang kamay ko at hinalikan ang likod ng palad ko ngunit pagkadampi pa lang ng labi nya ay agad nang hinablot ni Carlos ang kamay ko.
"Wow! Pag aari mo pre?" Tumawa nanaman sya "By the way, ikaw siguro si Odessa? Trixie's bestfriend right? Clingy ang babaeng 'yon sa'yo e. Pinakita nya sa akin lahat ng pictures mo sa laptop nya and oh even the printed!"
Namilog ang mata ako at tinitigan sya. Totoo ba ang sinasabi ng lalaking 'to? Well, nagsasabi naman siguro sya ng too. Hindi ako mahilig magselfie pero lagi akong kinukuhanan ng stolen shots ni Trix at saka lang magpapapicture kapag in good mood ako.
"Ahh, oo ako si Odessa. Nice meeting you" nginitian ko sya at kinamayan. Magiliw naman nyang tinanggap ang kamay ko at nilibot ng tingin ang CIT.
"Dito ka nag aaral Carlos? At talagang IT parin huh? Ano gagawa tayo ng computer game natin? Nang hindi na Clash of Clans ang kinaadikan natin" tumatawang sambit nya.
"Shut up George! Hindi mo pa sinasagot ang tanong ko" sabi naman ni Carlos.
"Bibisita lang ako kila lola sa Ilocos Sur, sa Santiago at nabanggit sa akin ni tita na madadaanan ko daw ang school ninyo kaya 'yon" medyo umatras pa sya at tinignan ang kabuuan ng building. Napatingin naman ako kay Carlos at nakatingin rin sya kay George.
"Seriously dude? Ano'ng meron dito sa La Union at iniwan mo kami?" tumawa nanaman sya at tinapik ang balikat ni Carlos. "Samahan nyo naman akong kumain bago ako magtuloy sa Ilocos. My treat"
Napatingin naman sa akin si Carlos at humugot ng malalim na hininga bago hinawakan ang kamay ko. Anong problema nito at ang busangot nanaman ng mukha nya? Hindi ba sya nasiyahan at nagkita sila nang kaibigan nya?
"Sige. Tara Odessa" hihilain na sana nya ako ngunit pinigilan ko sya.
"Uhm kayo na lang, take your time. Miss ka na ni George e" ngumiti pa ako pero tinignan nya lang ako ng masama.
BINABASA MO ANG
A Glimpse from Carlos
RomanceHindi alam ni Odessa kung ano ang gustong iparating sa kanya ni Carlos, ang bagong salta sa bayan nila na pinsan ng kaibigan nyang si Trixie. Unang kita pa lang nya dito ay nag iiba na ang buong sistema nya, iba kung makatingin ito sa kanya at may k...