Binabawi ko na ang sinabi kung malapit na itong matapos hahaha!
Napabuntong hininga ako at inayos ang gulo-gulong kumot at unan sa kama ni Carlos. Kahit kailan talaga ang lalaking 'yon napakagulo. Ewan ko ba sakanya at kay aga aga e sinundo na nya ako sa bahay kahit tulog pa ako. Tinupi ko ang kulay puting kumot at ipinatong 'yon sa unan nya. Pumunta din akong closet nya para tumingin ng isusuot nya ngayon papuntang bahay nila Sarah. Yes, pumayag akong doon na sila magpractice na hindi labag sa loob ko. Gusto nga rin nyang sumama ako kaso tumanggi ako, hindi naman sa bitter nanaman ako. May mga projects lang akong tatapusin at hindi ko 'yon magagawa kung sasama pa ako sakanya.
Pinagtalunan nanamin 'yon kagabi dahil baka kung ano nanaman daw ang isipin ko. I assured him, na hindi na ako magagalit dahil ayos na ako sa mga sinabi nya kahapon. Sapat na ang mga salita nya para pagkatiwalaan sila. This time, hahayaan kung mawala ang insecurities ko. Dahil sa huli, alam kung ako at ako lang ang uuwian ni Carlos.Isang black shirt na de-colar ang napili ko, faded maong pants at 'yong paborito kung kulay brown nyang sapatos. Ilinagay ko 'yon sa kama nya at sakto namang bumukas ang pinto ng CR nya. Napalingon ako sa kanya, umawang ang labi ko ng makitang nakatapis lang siya ng tuwalya sa ibabang bahagi ng katawan nya. Tuloy tuloy ang pagtulo ng tubig sa buhok nya papuntang dibdib nya pababa sa abs. Kitang kita ko rin ang napakasexy nyang V line at pagtaas baba ng kanyang adams apple. Umbok na umbok ang muscle sa braso nya! Napalunok ako at tumalikod ng nakatitig lang siya saakin na may mapaglarong ngiti sa labi nya. Shit! Nakakapanghina ang ngiti nya. Para akong kinukuryente.
"Hinanda ko na ang isusuot mo uhm, palitan mo na lang kung a-ayaw mo" garalgal ang boses kung sabi at napahawak sa laylayan ng damit ko.
Pakiramdam ko malagkit parin ang titig nya sa likuran ko dahil hindi man lang siya nagsalita. Kinakabahan ako na halos marinig ko na ang malakas na tibok ng puso ko. Narinig ko ang yabag ng paa nya, naramdaman ko na lang siya sa likuran ko at hinawakan ang magkabilang balikat ko at hinalikan nya 'yon papuntang leeg ko. Bahagya kung tinaas ang ulo ko para mas lalo pa syang makasiksik doon. God! Why do I have this kind of feeling. Parang gusto ko pang mas higit pa doon ang gawin nya. Amoy na amoy ko ang mabango nyang shower gel kaya naman mas lalo pa akong naturn on.
"Hmm, ang bango mo Odessa" paos ang boses nyang sabi at mas lalo pa akong dinikit sa katawan nya. Tumaas naman ang halik nya at papunta na ang labi nya sa panga ko. Damang dama ko na ang matangos nyang ilong sa tenga ko. Nag-iinit narin ang katawan ko at rumagasa ang sensasyon sa buong sistema ko. Napapikit ako at dinama ang maiinit nyang halik sa batok ko paakyat sa earlobe ko. Ilang araw na ba kaming hindi napag-iisa? It's been how many days pero ramdam ko parin ang init ng katawan at halik nya noong araw na 'yon.
"C-Carlos, magbihis ka na" halos bulong ko ng sabi at linagay ang kamay ko sa buhok nya para diinan pa ang halik nya sa leeg ko. Naramdaman ko na lang na sinipsip nya 'yon ng ilang beses at sigurado akong magmamarka 'yon.
"I miss you. I miss my thing inside you Odessa" bulong nya sa tenga ko at kinagat pa nya 'yon bago ako iniwang uhaw na uhaw sa halik nya at hinarap ang damit sa kama nya. Sumimangot ako at tumingin sakanya na ngayon ay sinusuot na ang pants nya. Kainis! Sisimulan nya tapos hindi tatapusin! Tumawa sya ng mahina at umupo sa kama nya.
"I'm sure miss mo na ang mainit nating gabi Odessa, huwag kang mag-alala, mamayang gabi, papagurin kita at dito ka matutulog" hinampas ko sya sa braso at pinaupo sa kama nya. Kinuha ko narin ang tuwalya nya at ako na ang nagpunas sa basa nyang buhok.
"Doon ako sa bahay matutulog hindi dito! At ba't ko naman mamimiss 'yang ano mo" pumula ang mukha ko sa sinabi at inabot ang damit nya at ako na mismo ang nagsuot non sakanya. Tumatawa naman siya at hinalikan ang tyan ko.
BINABASA MO ANG
A Glimpse from Carlos
RomanceHindi alam ni Odessa kung ano ang gustong iparating sa kanya ni Carlos, ang bagong salta sa bayan nila na pinsan ng kaibigan nyang si Trixie. Unang kita pa lang nya dito ay nag iiba na ang buong sistema nya, iba kung makatingin ito sa kanya at may k...