Kabanata 21: Naguguluhan

670 18 0
                                    

Nang matapos ang klase namin kay Mr. Magsaysay ay pinaulanan na ako ng tanong ng mga kaklase ko na katulad ko ay nagtataka sa sinabi niya.

"Oh my God Odessa! Kilala mo pala si Eyrone James Guiron?!" Tanong ni Arlene at yinugyug pa ako. Linigpit ko naman ang binder ko pati narin ang binigay ni Mr. Magsaysay na paper bag na hindi ko pa nakikita ang laman.

"Uhm oo noong sabado lang magkaibigan kasi si Max at Jayden" sagot ko at ngumiti ng pilit.

"Alam mo bang sya ang laging sinasali sa mga cooking contest noong high school pa lang sya? At alam mo rin bang tita nya ang may ari ng Thunderbird? My god! Balita ko nga minsan sya 'yong bartender sa Thunderbird e" kumikislap ang mata nyang sabi at umupo sa tabi ko.

Sa totoo lang wala akong kaalam alam tungkol kay Eyrone bukod sa nakalaban ko sya noon sa baking contest, at hindi ko alam na madami rin pala ang nakakakilala sa kanya. Siguro ay dahil tita nya ang may ari ng Thunderbird? Isa itong Five Star Hotel na matatagpuan malapit sa Poro na isang Airport. Kung ganoon, mayaman nga talaga si Eyrone.

"Uhm hindi e" simple kung sagot at napakamot sa ulo ko. Hindi naman sa hindi ako interesado kay Eyrone, ang akin lang e hindi ko naman na siguro kailangang malaman ang ilan pang bagay tungkol sa kanya. Para saan pa? Hindi naman kami close at coincedence lang ang pagkikita namin. At 'yong pinamimigay nya, siguro kay Max lang talaga 'yon.

"Jusko naman Odessa! Hindi ka ba natutuwa? Una sa lahat, close na close sa'yo ni Carlos. Parang ganito oh" pinag siklop pa nya pointing finger at middle finger nya. "At, alam mo ba ang daming naiinggit sa'yo? Dyosa si Carlos teh! Hot na nga gwapo pa. At pangalawa, nakilala mo pa si Eyrone na sa pagkakaalam ko ay syang tagapagmana ng Thunderbird dahil walang asawa at anak ang tita nya! Saan ka pa Odessa?!"

Halos isigaw na nya 'yon sa harapan ko at hinampas pa nya ang lamesa ko para matauhan ako. Tumawa ako at kinurot ang pisngi nya.

"Arlene, sinasamahan ko lang si Carlos dahil bago pa lang sya dito sa-"

"Odessa naman, mahigit isang buwan na si Carlos dito sa La Union. Matalino sya at sigurado akong alam na nya ang pasikot sikot dito. Sus, baka nag dadahilan lang 'yon para makasama ka"

Napahinto naman ako sa sinabi nya at napatitig lang sa blackboard. Bakit naman 'yon gagawin ni Carlos? Bakit nya gagawing excuse ang lugar namin? At isa pa, kung gusto nya akong makasama sasabihin at sasabihin naman nya. Knowing Carlos, sa halikan pa lang namin ay lagi na nyang bukang bibig 'yon ang gusto pa kayang makasama ako? Umiling iling ako at kinagat ang ibabang labi ko.

"Hindi 'yan-"

"Anong hindi?! Kalat na kalat kayang mag kahawak kamay kayo noong friday sa CIT! At suot mo pa daw ang cap nya na dapat sana ay susuotin nya noong sayaw nila" nalaglag ang panga ko sa sinabi nya.

"At hindi lang 'yon teh! May nakakita pa daw na may napadaang sports car dito sa school at sumama daw kayo, at pogi daw 'yong guy. Hmm. Sino ba 'yon Odessa?"

Napapikit ako sa mga sinabi nya, hindi naman chismosa si Arlene pero kung curious talaga sya sa isang bagay ay gagawa at gagawa sya ng paraan makasagap lang ng balita.

"Paanong hindi nila makikita e ang dami kayang tao noon sa tapat ng CIT at College of Law. Tss, si George 'yon Arlene at kaibigan nya 'yon sa Manila" sambit ko at nag pakawala ng malalim na hininga.

"Talaga? May naiwan pala syang kaibigan doon? E girlfriend kaya meron?" tumatawa pa nyang sabi. Tinagilid ko ang ulo ko at kinuha ang shoulder bag ko. Sabi ni Trixie mag dadalawang taon na daw syang single kaya wala syang kasintahan. Pero nakakapagtaka parin, bakit ayaw nyang manligaw ng ibang babae?

A Glimpse from CarlosTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon