Sorry sa Update! HAHAHA!
Sumapit ang araw kung saan gaganapin
ang Dance Revolution sa Ortega's Gym. Kanina pa ako dito sa labas ng bahay at hinihintay si Carlos at Trixie, baka mamaya nag aaway nanaman ang dalawang 'yon. Napangiti ako ng wagas nang makita na ang paparating na Innova ni Carlos. Huminto 'yon sa tapat ko at mabilis na lumabas si Carlos. Naka shirt syang kulay itim na V-neck na may mahabang sleeve at nilislis nya 'yon hanggang siko nya, naka faded maong pants at brown na sapatos na may tatak na Vans. Nangingislap ang kulay silver na hikaw sa tenga nya at nakataas ang buhok. Para nanamang dinagsa ng daga ang puso ko nang lapitan nya ako at humalik sa labi ko."Goodmorning young lady" bulong nya sa tenga ko at yinakap ng mahigpit. Napahawak naman ako sa braso nya at ipinahinga ang ulo ko sa dibdib nya. God! Hindi halos ako makapaniwala na boyfriend ko na sya, na kahit kakasagot ko lang sakanya kahapon ay parang ang tagal nanaming mag karelasyon.
"Ang tagal nyo naman" ngumuso ako ngunit kinurot nya lang ang ilong ko at linagay ang kamay nya sa bewang ko.
"Si Trixie kasi, ang bagal kumilos" sabi nya at tumingin sa nakabukas na bintana ng sasakyan nya. Nasa loob si Trixie at busy sa cellphone nya.
"Andyan ba si mama?" tumaas ang kilay ko sa tanong nya ngunit tumawa lang sya.
"Huwag mo akong tinataasan ng kilay Odessa, pagtataray 'yan para sa akin. Sige ka, kung ayaw mong ituloy natin 'yong nangyari kahapon sa Capitol"
Uminit naman ang pisngi ko sa sinabi nya at umiwas ng tingin. Kainis! Ipaalala naman ba 'yon?! Ni hindi na nga namin pinansin 'yong guard kahapon at mabilis na kaming umalis doon. Tumatawa pa sya habang nagddrive pauwi at hahawak sa hita ko habang nasa daanan ang mata. Kainis! Nakakahiya kaya 'yon!
"Tumigil ka Carlos a! At huwag mo ngang ipaalala 'yon!" Mataray kung sabi at umiwas ng tingin ngunit hinapit naman nya ang bewang ko palapit sa kanya at halos magdikit na ang dibdib namin sa sobrang lapit namin. Ang mata nya ay nakatitig sa labi ko habang nakaawang ang labi nya. Shit! Ang hot nya talagang tignan kahit saang anggulo, kahit anong gawin nya ay ang gwapo parin nya at para bang inaakit ka nya kahit hindi naman. Nakakatunaw ang titig nya. Nakakakuryente sya! Nakakabaliw! Nakakapagpawala ng sistema ang kagwapuhan nya!
"Odessa" paos ang boses nyang sabi habang nakatitig parin sa labi ko. "God! I badly want to kiss you right now, you're too hot in my eyes. Na para kang nakahubad sa harapan ko kahit may saplot ka naman. What have you done to me? Bakit ganito na lang ang epekto mo sa akin? Na kahit girlfriend na kita ay parang patuloy mo parin akong inaakit. Why Odessa?"
Linapit nya ang kanyang mukha sa akin, magkadikit na ang ilong namin at ramdam ko na ang mabango nyang hininga sa mukha ko. You don't have to say that Carlos! I feel the same way too.
"T-talaga? Ganoon ang epekto ko sa'yo? Kung ganoon mutual nga talaga tayo" kinakabahan kung sabi at sinubukan ko ang charm ko sa kanya. Mukhang umepekto naman dahil bumigat ang paghinga nya at napakagat labi sya.
"Woman, are you seducing me? Baka hindi tayo makaabot sa Gym at kaladkadin kita sa bahay" natauhan ako sa sinabi nya at tinulak sya. Napatingin ako sa relo ko at saktong alas otso na.
"Malalate na tayo sa sayaw nyo! My God Carlos! Tara na" hinila ko sya ngunit hindi naman sya nagpahila at ngumuso na parang bata.
"Carlos!" mariin kung sabi, mas lalo syang sumimangot. Hindi maipinta ang mukha nya habang pinagbubuksan ako ng pinto.
"Huwag muna ulit ako aakitin Odessa, tandaan mo. Akin ka na at may karapatan na ako sa'yo. Lahat Odessa. Lahat" masungit at seryoso nyang sabi bago sinara ang pinto at sumakay sa driver's seat.
BINABASA MO ANG
A Glimpse from Carlos
RomanceHindi alam ni Odessa kung ano ang gustong iparating sa kanya ni Carlos, ang bagong salta sa bayan nila na pinsan ng kaibigan nyang si Trixie. Unang kita pa lang nya dito ay nag iiba na ang buong sistema nya, iba kung makatingin ito sa kanya at may k...