Kabanata 33: Crush ni Sarah

640 17 1
                                    

Pasulyap sulyap ako sa gawi ni Carlos habang abala naman ang tenga sa pakikinig sa sinasabi ni Eyrone. Pasok sa isang tenga labas sa kabila. Gusto kung tanungin kung ayos lang ba si Carlos o kaya ay may gusto syang kainin ngunit hindi ko magawa dahil gusto ko nang matapos itong ginagawa namin ni Eyrone. Kanina pa sya hindi nagsasalita at nakatutok lang ang mata sa nakabukas na TV. Walang bakas ng kung ano mang reaksyon ang mukha nya at bored na nanonood. Sumimangot ako at gumawa ng script para sa gagawin naming poster comic style na ginuguhit ni Eyrone sa illustration. Nakakahiya at lahat ng kakailanganin ay binili na nila, halos walang naiambag si Max bukod sa dito sila gagawa ng project.

"Tapos muna Odessa? Naka sketch na ako, konting detail na lang matatapos na ito" sambit ni Eyrone habang na saakin ang tingin.

"O-oo malapit na, konting line pa matatapos na" tipid akong ngumiti at muling tumingin sa gawi ni Carlos. Magkatabi lang kami pero pakiramdam ko ay parang hangin lang sya sa tabi ko. Kainis! Galit pa kaya sya? Tahimik na sya simula noong matapos kaming kumain ng lunch.

"C-Carlos uhm, nauuhaw ka ba? Ano-" natigil ako sa pagsasalita nang bigla syang humarap sa akin. Wala ni kahit anong emosyon ang makikita sa mukha nya.

"Wala Odessa, ipagpatuloy mo lang 'yan" sambit nya bago muling itinuon ang pansin sa TV.

Sumimangot ako at nagngingitngit na hinawakan ang lapis. Naiinis na talaga ako sa kanya! Bakit ayaw nyang sabihin sa akin ang gusto nyang sabihin, at bakit ganyan sya kung umakto! Alam ko namang naiinis na sya at nasa iba ang atensyon ko, alam kung galit sya at nagtitimpi lang. Alam kung gusto nyang murahin si Eyrone at kaladkarin ako paalis sa tabi nya ngunit hindi nya magawa dahil ayaw nyang maging bastos sa paningin ni mama. Ang hirap nyang pakiusapan! Sinabi ko ring tulungan nya ako dito kaso ayaw nya at kaya na daw naming dalawa ito ni Eyrone. Bwisit! Parang nananadya na talaga itong lalaki 'to! Mukhang gusto oa nyang ibaby at ako mismo ang bibigay sa kanya. Humugot ako ng malalim na hininga at hinawakan ang braso nya. Pansin ko ang pagkagulat nya sa ginawa ko at panginginig ng kamay nya.

"Carlos, kausapin mo ako" nakanguso kung sabi at akmang ilalapit ang katawan ko sa kanya ng pigilan nya ako at hinawakan ang braso ko. Mabibigat ang paghinga nya at may binubulong na mura. Salubong ang kilay at nakaawang ang labi. Napapikit sya ng mariin at binitawan ang braso ko.

"I'm okay Odessa, huwag mo akong alalahanin dahil ayos lang ako" sabi nya at muling tumingin sa TV. Napaawang ang labi ko at gulat na napatitig sa nakatagilid nyang mukha.

Akala ko ba gustong gusto nya sa tuwing magkalapit lang ang katawan namin? Pero bakit ngayon ay sya na mismo ang lumalayo? Sinagad ko na ba sya at ayaw na nya akong pansinin? Ano'ng problema mo Carlos at inaayawan mo ako ngayon? Napabuntong hininga ako at napatitig sa sinusulat ko sa isang kapirasong papel. Sumikip ang dibdib ko sa inakto nya at uminit ang sulok ng mata ko. Ang sakit na binabalewala nya ako ngayon dahil lang kay Eyrone.

"God Odessa! Don't think too much okay? Ayoko lang makaistorbo para matapos na kayo diyan at nang masolo na kita. Huwag mong isipin na ayokong linalambing mo ako, just-" huminga sya ng malalim at napapikit. "Finished it" patuloy nya at pinagsiklop ang daliri namin.

Nagpigil naman ako ng ngiti ay hinayaan ang kamay naming magkasiklop. God! Wala talaga syang preno kung magpakilig kahit pa nasa harapan lang namin si Eyrone na alam kung dinig na dinig nya ang sinabi ni Carlos. Ang bumabagabag sa isipan ko ay nawala sa sinabi nya. Nagtitiis lang naman pala sya e, masyado lang akong nag isip ng kung ano. Tumikhim si Eyrone at nag angat ng tingin.

"Uhm Odessa, tapos mo na?" seryoso nyang sabi at madilim ang anyo ng kanyang mukha. Nagulat naman ako sa biglaang pagbabago ng mukha nya, parang ang aliwalas lang nya kanina.

"Oo, tapos ko na" kinuha naman nya sa akin 'yong papel at nag simulang isulat 'yon sa drinawing nya. Nakakabilib at magaling din pala syang gumuhit at maganda ang ginawa nya. Parang professional manga artist lang ang pagkakalay-out ng ginawa nya.

A Glimpse from CarlosTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon