"Hi! Mabuti naman at pinayagan ka ni Carlos" bungad saakin ni Eyrone na may maaliwalas na ngiti sa kanyang labi.
"O-oo, atsaka para naman sa project 'to" ngumiti ako ng pilit at tumingin sa paligid. No Eyrone, hindi payag si Carlos at sigurado akong galit na 'yon. Andito na ako e, wala nang atrasan.
"So tara? " inilahad nya ang kanyang kamay. Noong una nag atubili akong hawakan 'yon pero sa huli ay tinanggap ko rin. Mabilis siyang umikot ng makasakay na ako at umupo sa driver's seat.
"Sa kaduluduluan ba bahay ninyo? Bakit kailangan pang sumakay?"tumawa naman siya ng mahina at liniko ang sasakyan.
Naningkit ang mata nya sa ginawan nyang 'yon. Gwapo naman si Eyrone, matikas din ang katawan. Spiky ang buhok, dalawang dangkal lang siguro ang agwat ng height namin. Palaging masiyahin ang mukha na parang walang problema sa buhay. Makikita mo sakanya ang katangian ng isang lalaking hinahanap ng mga babae. Swerte ang magiging girlfriend nya or should I say girlfriend nya, kung meron man.
"Hindi naman, ayoko lang na paglakarin ka" tumawa naman ako sa sinabi nya at napatingin sa labas. Puro malalaki ang bahay, pang mayaman nga talaga ang lugar na 'to.
"Ano ba'ng project mo? Mahirap ba?" tanong niya at hininto ang sasakyan sa kulay cream na bahay. Marahil ay dito siya nakatira.
"Hindi naman kaso nawawalan lang ako ng idea, magpapatulong ako sa'yo" ani ko. Ngumiti naman sya at binuksan ang pinto sa tabi nya. Hindi ko na hinintay na pagbuksan nya ako ng pinto at lumabas na ako. Napa-wow ako ng makit ang kabuuan ng harap ng bahay nila. Hanggang second floor lang ito pero ang laki laki na. Mula dito sa labas ay kitang kita ang pool nila dahil glass ang wall ng kalahati ng bahay nila.
"Well, walang problema doon Odessa. Tara na" hihilain na sana nya ang kamay ko ngunit pinigilan ko siya.
"Wait. 'Yong parents mo? Baka mamaya ano'ng isipin nila!" tumawa naman siya at umiling. There's something wrong with his smile. Parang ang saya nya ata masyado.
"Wala ang parents ko Odessa, nagbakasyon sila sa Sagada, don't worry" tuluyan na nya akong hinila papasok sa bahay nila. Sumalubong sa amin ang napakahabang hagdan. Pinaghalong cream at white ang kulay sa dekorasyon ng bahay nila.
"Eh kapatid? Pinsan? Kamag-anak?" binitawan nya ako at sinuri ang mukha ko. Nailang naman ako sa paninitig niya kaya umiwas ako ng tingin. Pansin ko naman ang pagbuntong hininga nya at binulsa ang kamay. Kinakabahan ako, ewan ko ba pero, ngayon lang ako kinabahan sa presensya nya simula noong nakasama ko siya.
"Carlos is so lucky for having you Odessa, I wish I was lucky too. Pero malabo na, kung sana pinormahan na kita noon pa man" parang tumigil ang pag-ikot ng mundo ko sa sinabi niya.
Kung kanina ay punong puno ng kasiyahan ang mukha niya ngayon naman ay mas mabilis pa sa isang segundo itong napalitan ng kalungkutan. What is he trying to say? May gusto ba siya saakin? Bumilis ang pagtibok ng puso ko at may kung anong bumara sa lalamunan ko. Sinubukan kung magsalita ngunit hindi ko mahanap ang boses ko. Napapikit siya at napayuko.
"I'm sorry Odessa, huwag mo nang isipin pa ang sinabi ko" tulala lang akong nakatitig sa kanya at hindi alam ang sasabihin. Nginitian nya ako ng pilit at hinila papuntang kusina. Ang higpit ng pagkakahawak nya sa kamay ko na parang ayaw nya itong bitawan. Napapikit ako at ginamit ang buong lakas kung hatakin ang kamay ko. This is so wrong, pakiramdam ko nagtataksil ako kay Carlos kahit hindi naman.
"Heto 'yong mga niluto ko, tikman muna para masimulan natin 'yong project mo" kaswal ang boses nya pero hindi parin maitatanggi ang lungkot. God, parang nagsisisi ata ako na pumunta dito. Paano siya nagkagusto saakin at bakit? I never knew it will come. Ang alam ko, we're just friends.
BINABASA MO ANG
A Glimpse from Carlos
RomanceHindi alam ni Odessa kung ano ang gustong iparating sa kanya ni Carlos, ang bagong salta sa bayan nila na pinsan ng kaibigan nyang si Trixie. Unang kita pa lang nya dito ay nag iiba na ang buong sistema nya, iba kung makatingin ito sa kanya at may k...