Kinaumagahan ay maaga akong gumising para mapaghandaan ang pag alis namin nila Trixie at para narin matulungan si mama sa pag aayos ng mga gulay na ibebenta sa palengke. Dalawa kasi ang pwesto namin, sa San Fernando sa may bayan at dito sa baranggay namin.
Kung sa San Fernando ay kada sabado ang Palengke Day, dito naman sa amin ay tuwing lunes at biyernes.
"Max, gising na. Ano sasama ka sa amin?" Yinugyug ko ang kapatid ko pero tinalikuran nya lang ako at binaon ang ulo sa unan. Ineenjoy na nya ang pagtulog dahil pasukan na sa lunes.
Iniwan ko na lang sya doon at bumalik sa kwarto ko, sakto namang tumunog ang phone ko at nakitang nag text si Trix.
Trixie:
Odessa! 8:00 tayo pupunta. Maliligo lang ako at diretso na kami jan ni Carlos, commute tayo.Nireplyn ko na lang sya na maliligo na din ako at pumasok na sa CR, buti na lang at meron yong tiyahin kung tumutulong kay mama sa palengke. Hindi ko na proproblemahin ang pagtulong kay mama sa pagbebenta.
Makalipas ang ilang minuto ay tapos na ako sa pag aayos. Nag suot na lang ako ng sleeveless na maluwag na kulay puti na hanging sa dalawang gilid, nag tube sa loob dahil makikita ang bra ko kapag hindi ako nag suot non. Nag shorts ako at nag sneakers na lang.
Hindi pa man ako nakakalabas ng bahay ay kinakabahan na ako. Kasama namin ngayon si Carlos at hindi ko alam kung paano ko sya pakikitunguhan, I don't know. Parang ang awkward kasi.
Pinasadahan ko ng tingin ang sarili ko sa salamin, ng makitang okay na ako sa suot ko ay lumabas na ako ng kwarto at naabutan ang kapatid ko sa sala na ngayon ay inaantok pa. Kung meron lang sana syang kasama dito sa bahay ay sigurado akong hindi sasama yan, e' ang kaso may trabaho si papa ayon at walang magbabantay sa kanya.
"Ate, saan ba tayo pupunta? Inaantok pa ako" Humihikab nyang sabi at nilapitan ako. Umupo naman ako sa harap nya at inayos ang polo nya.
"Mag eenroll daw si Carlos e' nagpapasama si Trixie"
"Talaga? Dito na mag aaral si Kuya?" Napahinto ako sa pag aayos ng polo nya at kinunutan sya ng noo. Nawiwili sya kay Carlos a.
Lumabas na kami ng bahay, sakto namang pagkasara ko ng gate ay naglalakad na sila Trixie papunta sa direksyon namin. Napaawang ang labi ko ng mapansin si Carlos.
Naka polo sya ng dark blue at naka shorts ng hanggang tuhod na kupas ang kulay, naka tuck in yon at naka sapatos sya ng brown. Napakurap ako at napailing. Shit! Ang gwapo nya, napaghahalataang hindi sya taga dito dahil sa itsura nya. Madami din namang gwapo dito sa probinsya kaso, iba ang dating nya.
Isama mo pa ang seryoso nyang mukha na parang nabobored na dito sa lugar namin, nakakadagdag pa yon sa appeal nya. Nakakalaglag ng panga.
"Goodmorning" bati ni Trixie at kinurot ang pisngi ni Max. Napangiwi naman ang kapatid ko at linapitan si Carlos.
"Kuya o' si ate Trixie" Nalaglag ang panga ko sa ginawa nya, close na sila? Tumawa naman si Carlos at ginulo ang buhok nya. Hindi nya pinansin ito at tumingin sa akin.
"Goodmorning" baritino ang boses nyang sabi at nginitian ako ng pilit.
"G-goodmorning" that piercingly eyes of him. Nakakapanlambot ng tuhod, nanginginig pa ang boses ko habang sinasabi yon. Damn Odessa! Bakit ba ako kinakabahan.
"Tara na nga, baka wala ng maabutan itong si Carlos. Baka hindi na sila tumataggap ng late enrollee"
Naglakad na kami at pumunta sa sakayan ng jeep. Diretso lang ang daanan pero pwede din na dumaan sa kabilang kalye, malalagpasan ang ilan pang malalaking bahay na kadalasan ay mga foreigner ang may ari. Malalagpasan din ang Gymnasium ng baranggay namin na nagsisilbing venue kapag may fiesta dito sa amin. Katapat noon ang Presidencia at Museo ng San Juan na puro bricks ang wall, sa likod naman non ay ang San Juan National High School.
BINABASA MO ANG
A Glimpse from Carlos
DragosteHindi alam ni Odessa kung ano ang gustong iparating sa kanya ni Carlos, ang bagong salta sa bayan nila na pinsan ng kaibigan nyang si Trixie. Unang kita pa lang nya dito ay nag iiba na ang buong sistema nya, iba kung makatingin ito sa kanya at may k...