Kabanata 27: Binabalewala

658 19 2
                                    

"Odessa, andiyan ka pala!" napatingin ako kay Trixie na ngayon ay kalalabas lang ng kwarto nya. Bagong ligo dahil basa pa ang kanyang buhok. Binaling ko ang tingin kay Carlos at Sarah na ngayon ay nakatingin rin sa akin.

"Hi ate Odessa" kumaway sa akin si Sarah at ngumiti ng wagas. Nginitian ko rin sya ng pilit at napatingin kay Carlos.

Nakaawang ang kanyang labi at mapapansin ang pagkagulat sa kanyang mukha. Ang kamay nyang nakahawak sa kamay ni Sarah ay bigla nyang tinanggal at dinala 'yon sa kanyang batok. Umiwas sya ng tingin at pansin ko ang pagtaas baba ng kanyang adams apple. Ang kaninang tumatawa nyang mukha ay napalitan ng kaseryosohan, parang naguiguilty sya sa kung ano man ang gusto kung sabihin. Umirap ako at binaling ang tingin kay Trixie. Matapos mo akong iwanan sa school ay ganyan ang ipapakita mo sa akin? Guilty? Alalang alala ako sa kanya tapos 'yon pala may kinakarengkeng na syang iba, at sa isa pang bata!

I can't be jealous, pero shit lang at nagpapakasaya na pala ang lalaking 'to! Uso naman ang cellphone a, bakit hindi man lang nya hinarap 'yon?! Ay oo nga pala, paano nya haharapin kung busy sya sa iba diba? Tumawa ako ng peke sa aking isipan at muling tinignan si Carlos. Ngayon pa lang hindi na sya nagsasabi sa akin kung saan sya nagpupunta at kung sino ang kasama nya, what more kung kami na? Paano ko sya mapagkakatiwalaan kung ngayon pa lang ay nagagawa na nya ito? Kumirot ang aking puso at huminga ng malalim.

"Ikaw pala Sarah, naistorbo ko ata kayo? Pasensya na huh?" Sambit ko at pinipigilan ang sariling huwag silang sigawan.

Sarah is jus a kid. Ilang taon na ba sya, 15? 16? Nasa stage pa lang sya ng pagdadalaga pero makikita mo na sa mukha nya ang maturity at dalaga na kung kumilos. But still, she is just a kid for me.

"Naku hindi ate Odessa, nagpapatulong lang ako kay kuya Carlos. Diba kuya?" umangat naman ang kanyang mukha at napatingin sa akin.

Malungkot ang kanyang mata at batid kung kinakabahan sya dahil namumula nanaman ang kanyang mukha at tenga. Nagsusumamo ang kanyang mukha at tumayo.

"O-oo" maikli nyang sagot kaya mas lalo akong nainis. Shit! 'Yon lang ba ang sasabihin nya?! I want an explanation! Talaga bang mahal nya ako? Pero bakit kailangan nyang magsinungaling sa akin? Just wow! Parang pinaasa nya ako kanina a! At pwede namang mag paalam sa akin dahil papayag naman akong tulungan nya si Sarah!

Parang tumaas lahat ng dugo sa ulo ko at ramdam ko nanaman ang pag iinit ng ulo ko. Urgh! Ang sarap nyang sampalin! Inikutan ko sya ng mata kaya mas lalong umawang ang kanyang labi. Humakbang sya ng isang beses at mukhang lalapitan nya ako ngunit tinalikuran ko na sya bago pa man sya makalapit.

"Labas muna tayo Trixie, kain tayo sa auditorium" wagas ang kanyang ngiti at sinukbit ang kamay sa akin.

"Sure tara, iwanan muna natin sila!" sarcastic nyang sabi at tumawa. Mukhang naguguluhan din si Trixie at gustong magtanong kung bakit andito si Sarah. It's like we're sharing the same blood dahil parehas kami ng pinapakitang expression kay Carlos. Mas wild nga lang itong si Trixie at may pasarcasm sarcasm pa. Kaibigan ko nga talaga sya.

"Alis na ako Sarah" nakangiti kung sabi at tinignan si Carlos. Madilim ang kanyang mukha at halatang galit. "Enjoy" dagdag ko at tinalikuran sila ngunit nakakaisang hakbang pa lang ako nang hawakan ni Carlos ang braso ko.

"Sandali" Mas lalong kumulo ang dugo ko nang magdikit ang balat namin. Pinipigilan ko ang aking sariling sumbatan sya dahil ayokong maging bastos sa harapan ni Sarah. Huminga ako ng malalim at hinarap sya.

"O bakit?" Maangas kung sabi at tinaasan sya ng kilay. Tinanggal naman ni Trixie ang kamay nya sa braso ko at pansin ko ang pagtayo ni Sarah sa likuran.

"Ayoko 'yang pagtataray mo Odessa a, tigilan mo 'yan" shit ka!

Inilisi ko ang kanyang kamay at rumagasa ang galit sa sistema ko. 'Yan ang sasabihin mo sa akin? Gago! Hindi 'yan ang kailangan ko. Yes I can be a bitch too. Babae ako at ramdam kung gusto ni Sarah si Carlos, unang kita pa lang nya dito ay pansin ko na ang pangingislap ng kanyang mata. Everytime na magkikita sila ay nakikita ko ang pagkahumaling ni Sarah kay Carlos. 'Yon ang kinakainis ko, pero ang mas kinagagalit ko ay bata lang si Sarah! I can't be bitch on her, mabait sya at ayokong bastusin sila ni Sidrack dahil naging kaibigan ko na ang Less than Three.

A Glimpse from CarlosTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon