Kabanata 52: Pain

645 16 0
                                    

"Ayos na siguro ito" ani ko at inayos ang pagkakalagay ng kurtina sa bintana ng kwarto ko.

"Ate, alis na kami ni mama" napalingon ako sa pintuan at nginitian si Max.

"Oh sige! Ingat kayo" anas ko, linapitan ko siya at hinaplos ang buhok niya. "'Yong pinapabili ko kay mama ah? Baka makalimutan niya"

"Opo" sagot niya at tuluyan nang umalis. Napangiti na lang ako habang tinatanaw sila ni mama palabas ng bahay. Bumalik ako sa ginagawa kung pagpupunas ng bintana at hininaan ang volume ng speaker.

Kung hindi lang sana ako maglilinis ng kwarto ko ngayon ay sasama sana ako kila mama sa Agoo. Gusto ko rin sanang lumabas muna ng bahay at makalanghap ng sariwang hangin. Pakiramdam ko na susuffocate ako dito sa San Juan. Napailing ako at pinatay na lang ang pinapatugtug ko. Ilang araw narin ang nakalipas simula noong nangyari ang tagpong 'yon sa karenderya namin.

Huminga ako ng malalim at napaupo sa kama ko. Oo nakikita ko si Carlos pero hindi katulad noon na palagi, ngayon minsan na lang. Ngunit ang nakakapanibago ay hindi ko na nakikitang kasama niya si Sarah which is nakapagtataka. Even Trixie, minsan ko na kang siyang makita kahit nasa iisang building kami sa sa school, parang nag la-lie low na siya. Marahil ay naainis parin siya kay Carlos dahil sa ginawa nito kay Jackson. Napapikit ako ng mariin at tumayo nang nay marinig akong may nahulog na bagay sa sala namin. Kumunot ang noo ko at lumabas ng kwarto. Sino naman kaya 'yon e ako lang naman ang tao dito, maybe pusa lang 'yon.

Nanlaki ang mata ko ng hindi pusa ang nakita ko kung hindi ay rebulto ni Carlos, pinulot niya ang malaking kutsara na gawa sa kahoy at sinabit 'yon sa dingding namin. Nag pakawala ako ng malalim na hininga, rumagasa nanaman ang kaba sa dibdib ko. Ano'ng ginagawa niya dito? Tumikhim ako upang makuha ang atensyon niya. Mabilis naman siyang lumingon saakin at napaawang ang labi ko nang makita ang mukha niya. May balbas na siyang tumubo, pumupungay ang mata na parang ilang araw siyang hindi natulog at namumula ang leeg niya hanggang sa tenga. Ano nanamang pinaggagagawa ng lalaking 'to sa buhay niya?

"Odessa" paos ang boses niyang sabi at binigay saakin ang isang tangkay ng gumamela. May dalawang dahon pa ito at halatang kakapitas lang. Tumaas ang kilay ko at kinuha 'yon sa kanya.

"Bakit 'to? And what are you doing here?" Sumimangot naman siya at yumuko. Napakagat ako sa labi ko ng makita ang gusot gusot nyang damit na kulay itim, naka pajama pa siya at nakapaa. Gulo gulo ang buhok at parang kagigising lang niya. God! Nagpapaawa nanaman ang isang 'to.

"I think I'm sick" ani niya at inangat ang ulo. Mas lalong tumaas ang kilay ko at linapag ang gumamela sa lamesa.

"Alagaan mo naman ako Odessa, wala akong kasama sa bahay" ilang sandali akong napahinto bago na proseso sa utak ko ang sinabi niya.

Pinagloloko ba ako ng lalaking 'to? Hindi ba niya naintindihan ang sinabi ko noong huli kaming nag kausap? At bakit siya saakin nag papaaalaga? Ba't hindi niya tawagin si Sarah?

"Odessa naman, please" mas lalong lumugkot ba ang boses niya. Bumagsak ang balikat niya at yumuko nanaman. Napapikit ako ng mariin at hinilot ang sintido ko. God, ginugulo nanaman niya ang isipan ko. Yes I said I quit, pero konsensya ko na lang kung papabayaan ko siya.

Linapitan ko siya at dinama ang ang leeg at noo niya, kitang kita ko ang pagsilay ng ngiti sa labi niya at unti unting sumigla ang mukha niya. Tumaas nanaman ang kilay ko at pinagekis ang kamay ko sa dibdib.

"May sakit ka ba talaga? Nagpapaawa ka lang ata e. Nakalimutan mo na ata ang huli kung sinabi sa'yo?" sumeryoso naman ang mukha niya at umiwas ng tingin.

"Hindi Odessa, hindi ko nakakalimutan. Nakatanim 'yon sa puso't isipan ko pero, I'm sorry Odessa, kahit ano pang masasakit na salita ang sabihin mo ay hindi kita titigilan. I can't because I really love you" tumitig siya sa mata ko, punong puno ng lungkot ang mata niya. Nalukot ang mukha niya at bigla na lang akong yinakap ng mahigpit.

A Glimpse from CarlosTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon