WARNING: May pagkaSPG HAHAHA
Matapos sabihin 'yon ni Carlos ay mabilis nya akong iniwanan sa kusina. Ni hindi man lang nya ako binigyan ng clue kung ano ang ibig nyang sabihin. Bumalik ako sa tabi ni Eyrone at humingi ng pasensya sa inasal ni Carlos. Tinanong din ako ni Max kung ano ang sinabi ni Carlos ngunit hindi ko na lang sya sinagot. Nang matapos kaming kumain ay bumalik na kami sa school at hinatid sila Max at Jayden sa classroom nila.
Madami ang matang nakatingin sa amin dahil kilala rin si Eyrone bilang tagapamana ng Thunderbird at varsity player din sya sa SLC. May nag bubulungan rin na rinig ko naman ang sinasabi nila ngunit hindi ko na sila pinansin pa. Nagpapasalamat rin ako dahil hindi ko nakita si Carlos, hindi ko alam kung ano ang sasabihin sa kanya at baka magalit nanaman 'yon na kasama ko itong si Eyrone.
"Ito ang gagawan nyo ng logo, I like there ideas kaso hindi ko type ang design ng logo. So guys I'm expecting na matatapos nyo ito ngayon, magagawa nyo ba? Eyrone and Odessa?" linagay ni Mr. Magsaysay ang folder sa harapan namin at umupo sa lamesa nya. May nakahanda naring dalawang laptop sa bakanteng lamesa sa tabi nya na syang gagamitin namin.
"Tito, kaya namin 'to. At isa pa magaling naman itong si Odessa e, diba nga napili 'yong kanya?" sinamaan ko ng tingin si Eyrone ngunit kinindatan nya lang ako. Kainis! Sinabi na ngang hindi ako masyadong maalam sa ganito dahil si Carlos 'yong gumawa ng logo ko.
Ngumiti ako ng pilit at tumikhim.
"O-opo. Kayang kaya!" Masigla kung sabi na itinawa ni Eyrone, pati si Mr. Magsaysay ay nakitawa narin.
"Kung ganoon maiiwan ko na kayo, babalik ako before 5" Tumango kami ni Eyrone bilang sagot. Pagkalabas pa lang ni Mr. Magsaysay sa office ng mga professor ay hinampas ko sa balikat si Eyrone.
"Aww! Para saan 'yon!" sigaw nya at inikot ang braso nya.
"Bakit mo sinabing matatapos natin 'to ngayon? Ang dami kaya at hindi ako masyadong maalam sa Photoshop!" sumimangot ako ngunit tumawa lang sya at umupo na sa harapan ng laptop.
"Kaya natin 'ton, at isa pa magtutulungan naman tayo. Sharing ideas you know" kinindatan nanaman nya ako at hinawakan ang mouse. Wala na akong nagawa kung hindi ang umupo na lang sa tabi nya.
"Tag lima tayo a? Ako na 'yong masyadong mahirap at kung may hindi ka alam na gamitin, just ask me okay?" sambit nya.
"'Kay" nakasimangot kung sabi ngunit kinurot naman nya ang pisngi ko. Tinignan ko sya ng masama ngunit nginitian nya lang ako at binaling ang tingin sa laptop.
Noong una ay nahirapan ako dahil hindi ko naman masyadong alam 'yong gamit ng bawat tool. Nakakaisa pa lang ako ngunit nakadalawa na si Eyrone, parang sisiw nga lang sa kanya ang paggawa ng logo! Parang ang dali naman kasing mag isip ng design ng logo para sa isang food product! Buti sana kung asukal lang 'yong gagawan ng logo kaso hindi! Alas kwatro na noong matapos kami, iniwanan na lang namin ni Eyrone 'yong ginawa namin sa lamesa ni Mr. Magsaysay. Pinaprint na din namin 'yon bago lumabas ng office.
"Kita mo, ang dali nga lang noong ginawa natin" tumatawa nyang sabi kaya nakitawa narin ako.
"Sisiw nga lang sa'yo e! Ba't dika mag apply sa mga kompanyang naghahanap ng ganoon? Designer ba?" sagot ko habang tinatali ang mahaba kung buhok. Nagkibit balikat naman sya at ginulo ang buhok nya.
"Ayoko, talent ko lang 'yon pero hindi ko passion" sagot nya at tinignan ang oras sa relo nya. Palabas na kami ngayon ng building at as usual, pinagtitinginan nanaman kami. 'Yong iba naman ay kinikilig sa presensya ni Eyrone.
"So, paano Odessa, I have to go. Babalik pa akong SLC dahil may practice kami" sumimangot sya at dinukot ang susi sa bulsa nya. Tumawa ako at mas lalong ginulo ang buhok nya.
BINABASA MO ANG
A Glimpse from Carlos
RomanceHindi alam ni Odessa kung ano ang gustong iparating sa kanya ni Carlos, ang bagong salta sa bayan nila na pinsan ng kaibigan nyang si Trixie. Unang kita pa lang nya dito ay nag iiba na ang buong sistema nya, iba kung makatingin ito sa kanya at may k...