Kabanata 11: Less than Three

703 18 0
                                    

Mabilis akong kumilos at naligo, mag aalas nwebe pa lang pero naghahanda na ako para pumasok. Ayoko na ulit paghintayin si Carlos at gusto ko kapag andito na sya ay aalis na kami. Ewan ko ba pero bigla akong nakaramdam ng hiya sa kanya. Mag tatlong linggo ko pa lang syang kilala pero parang andami nanaming pinagsahan at close na close na kami.

Pinasadahan ko ng tingin ang aking sarili sa salamin at tinali ang blinower kung buhok. Nilagay ko ang ID sa leeg ko at sinukbit ang bag sa aking balikat. Hinawakan ko ang keychain at pinagmasdan 'yon. Half of it is from Carlos since sya ang gumuhit. I'm not into arts pero alam ko kung paano nya ito ginawa. It's either from Photoshop or Paint Tool Sai. Sana naman linagyan nya ng konting filter ito para naman gumanda ako kahit papaano. Napailing iling ako sa aking naisip. Sheez! Ano ba ang iniisip ko.

Paalis na sana ako sa aking kwarto ng tumunog ang cellphone ko. Kinuha ko 'yon at nakitang may text, from Carlos.

Carlos:
Are you done? Masyado ba akong maaga? Andito ako sa labas ng bahay nyo.

And yes I saved his number, for emergency lang. Baka mamaya mawala nanaman sya. Hindi na ako nagreply at lumabas ng bahay. Napansin ko agad sya sa tabi ng gate, para nanaman syang nag momodel. Seryoso ang tingin sa malayo at nakabulsa ang dalawang kamay. Para syang professional model ng isang magazine! Naka side view pa sya kaya naman kitang kita ang guhit sa panga nya at ang matangos nyang ilong.

Kinakabahan ko syang linapitan at nginitian ng pilit. I need to be casual! Dapat cool lang at hindi naiilang. Hooo Odessa! Nahihibang na ata ang utak ko!

"Maaga ba ako? Or minadali kita?" Sambit nya. Umiling lang ako at sinara ang gate.

"Hindi tamang tama lang" Tumango naman sya bilang sagot at sumunod sa akin. Ang bilis nyang maglakad kaya naman nabigla ako ng lumiko sya imbes na diretso lang.

"Uh dito na tayo mas malapit" tinuro ko ang daan patungong kalsada. Umiwas akong tingin at kinagat ang ibabang labi ko. Damn! Hindi ko sya matignan ng maayos at naalala ko nanaman ang pagpupush ups nya ng patiwarik. That was too hot! Mabuti at nabalanse nya ang bigat ng katawan nya.

"Dito na tayo, namimis ko 'yong tarpaulin mo" ngumuso ako ngunit tumawa lang sya. Feeling nya talaga pinapasikat ko 'yong tarpaulin ko.

"Tara na nga, baka mainis ka nanaman sa akin" nginitian nya ako at mwinestra ang daan patungong kalsada.

Tahimik kami buong byahe papuntang school. Wala naman kaming paguusapan, at isa pa mukhang wala naman syang balak akong kausapin kaya ayun at halos mapanis na ang laway namin kanina. As usual, hindi nanaman sya pumayag na kanya kanya kaming bayad ng pamasahe. Kahit papaano ay nakakatipid ako sa kanya kaya ayos narin.

Nang makarating kami sa tapat ng gate ay ang dami nanamang kumpol ng studyante malapit sa bulletin board. Na curious ako kaya linapitan ko sila, pati si Carlos ay nakiusyuso rin.

"Sigurado akong sya talaga ang mapipili e! My god! Akalain mo kahapon lang ang audition pero nakapag desisyon na sila kaagad"

"Girl! I would definitely ship Carlos! Mas mahal ko na sya kaysa kay Sid!" umakto pang parang kinikilig ang babaeng nasa harapan ko. Kumunot ang noo ko sa mga narinig ko. What's happening? At mahal kaagad si Carlos? Tss.

"Odessa let's go" Natahimik sila at napatingin sa likuran ko, nanlaki ang mata nila ng makita si Carlos. Nangislap ang mata nila at halos pumula na ang mukha nila ng masilayan ang lalaking pinaguusapan nila.

"Hi Carlos!" bati pa nung isa. Ngumiti naman sya ng pilit at hinawakan ang braso ko. Nagsigawan sila at mabilis na umalis.

"OMG! OMG! Napakagwapo! Ahh I'm falling!" OA na sabi pa nya. Napailing iling ako at tumingin sa bulletin board. Something caught my attention.

A Glimpse from CarlosTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon