Chapter 4

2.2K 87 23
                                    

Baekhyun’s POV

Pagpasok ko sa opisina tambak ung mga papel sa lamesa ko. Eto ang napapala ng emoterang frog katulad ko. Juskoo an gaga aga hagard na ang Fes ko.  -____-

Kaya ko ito.” At sinimulan ko na tapusin yung mga kalat sa lamesa ko.

 

“Knock Knock… May I come in?” dahil sa pagkabusy ko hindi ko na namalayan na may tao na pala sa pintuan. Nag angat ako ng tingin at nakita si Heechul hyung na nakatayo sa pintuan.

“Oh Hyung ikaw pala yan pasok ka.” Pumasok siya ng opisina ko at naupo sa harapan ko.

“Kamusta ka naman? Nabalitaan ko kasi yung break up niyo ni….”  

“Hyung any updates sa mga investors na nagsi alisan ng kumpanya? “ hindi ko na siya pinatapos akala ko pa naman tungkol sa company ang pag uusapan namin yun pala makikichismiss lang ito. At saka ayaw ko na pagusapan yung nangyari sa relasyon namin. Gusto ko na siyang kalimutan.

“May nakausap na ako sa kanila pero hindi mag babago yung desisyon nila na ipull out yung investment nila.”

 

 

“Ok sige hahanap na lang ako ng mga panibagong investors para mag invest dito sa kumpanya.”

 

 

Nag ring ang cellphone ni Heechul hyung at sinenyasan niya ako na lalabas na siya ng opisina ko. At ako naman ay nag patuloy sa ginagawa kong paper works. Ang laki kasi ng nawawalang pera sa kumpanya dahil sa project na ginawa ni Heechul Hyung. Ang sabi niya naloko daw siya ng kasosyo namin. Nagtatago na daw yung lalaking kausap niya about dun. Pero hanggang ngayon di pa nahuhuli.BAkit kasi may mga taong manloloko???!!!! Mapa-love life  man o pera, hay buhay nga naman.(#WHOGOAT)

Nasa kalagitanaan  na ako ng ginagawa ko ng may pumasok. Akala ko yung secretary ko hindi pala.

 

“Hoy Beks tanghali na oh!!! Wala ka bang balak na mag lunch?? Diet lang ang peg??”

 

 

“Sorry hindi ko namalayan yung oras sa dami ng tinatapos kong paper works.”

 

“OO nga hindi mo nga namalayan na pumasok ako dito sa opisina mo dahil nakasubsob ka na dyan sa mga papel na nasa lamesa mo.Yan kasi emote pa Byun Baekhyun baka sakaling malutas ang problema ng kumpanya.”

 

 

Hay eto nanaman po siya. Mas matindi pa siya manermon kaysa kay mama dati.

Borrowed Heart  (Chanbaek fanfic) CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon