Chapter 27

1.1K 36 4
                                    

Kai's POV


" Hon sure na ba na pupunta si Baek sa kasal natin next month?" Kakatapos lang niya kasi makipag usap kay Baek sa Skype. At na upo sa tabi namin ni Asher.



"Oo sure na daw siya."



"So ipapakilala na niya si Jack kay Chanyeol hyung?"



"Wala naman siyang nabanggit sa akin about dyan. Pero panahon na siguro para ipakilala ni Baek si Jack sa tatay niya."



"Tama ka dyan Honey. Teka mukhang naistress ka na sa kasal natin. Tignan mo yung itsura mo mukhang pagod ka." Hinaplos ko yung mukha niya, halata ang pagod at puyat. Hands on kasi siya sa mga detalye para sa kasal namin. Dagdag mo pa yung pag aasikaso niya sa amin ni Asher at yung sa trabaho niya.



"talaga hon? Ang panget ko na ba?" binuksan niya yung cp niya at tinignan niya yung mukha niya sa camera ng cellphone niya. " Oh my gulay ang hagard ng fes ko.hindi pwede to. Kailangang fresh pa din ako hanggang sa araw ng kasal natin. " tinawanan ko na lang siya. kahit kelan talaga napaka conscious ng Penguin ko sa looks niya. Kahit gaano kahagard man ang mukha niya mahal na mahal ko siya.



"hoy Kim JongIn anong tinawa tawa mo dyan ha?Siguro napapangitan ka na sa akin?" lalo akong tumawa dahil nag pout siya at halatang naiinis na siya sa akin.



"Siguro pag panget na ako iiwan mo na ako. Iiwan mo na kami ni Asher... Hahanap ka na ng mas maganda at mas....." hindi ko na siya pinatapos sa litanya niya at hinalikan ko siya sa labi. Ayun na tigil ang pag tatalak niya at namumula siya sa ginawa ko.



"Ano ba kahit pumanget ka man o tumaba ka hinding hindi kita iiwan MRS. KIM KYUNGSOO. Ikaw lang ang mamahalin ko habang buhay. Kaya wag ka mag worry dyan ha hinding hindi kita iiwan. Halika nga dito pakinggan mo yung tibok ng puso ko." hinapit ko siya palapit sa akin at itinapat ko ang tenga niya sa dibdib ko.



"Kyungsoo.... Kyungsoo... Kyungsoo.... Diba ikaw lang laman niyan." Hinampas naman niya ako ng mahina at nag smile na.Niyakap niya ako sa bewang at nakasandal siya sa dibdib ko, nag lumapit si Asher sa amin.



"Dada, Daddy gusto ko po ng chicken."



"Gutom ka nanaman anak, diba kakain mo lang kanina?"



"Kanina pa po iyun. Gutom na Asher. Sige nap o Kain na tayo ng Chicken."

Borrowed Heart  (Chanbaek fanfic) CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon