Kyungsoo's POV
"Basta Beks ramdam ko na siya ang magbabalik ng ngiti sa mga labi mo." Sabi ko kay Baekhyun. Iba kasi yung nakikita kong ngiti habang kausap niya si Chanyeol.
"Ewan ko sa iyo Beks.."
"Wooo mas ewan ko sa iyo."
Pumasok na kami ng bahay at pinag usapan yung problema sa opisina. Simula ng namatay ang magulang ni Baekhyun siya na ang nag take over sa kumpany na tinayo ng magulang niya.Niyaya niya ako na mag trabaho doon para tulungan siya sa pag papatakbo ng kumpanya. Simula pagkabata mag kaibigan na kami. Katulong kasi ng mga Byun ang nanay ko na matagal na panahon. Pinagaral nila ako simula elementary hanggang college kaya sabay kami nag dalaga ni Baekhyun. Naiingit ako kay BAekhyun kasi tanggap siya ng magulang niya. Samantalang ako halos isumpa ako ng tatay ko sa pagiging bakla ko.Highschool nang nalaman ng tatay ko na bakla ako halos patayin niya ako sa bugbog ng mga panahon na iyon.
Flashback....
"Tay tama na po...." Pinagsusuntok niya ako kung saan saan. Dahil nalaman niya na bakla ako.
"Wala akong binabaeng anak. Kaya tigil tigilan mo na yang kabaklaan mo Kyungsoo."
"Tay BAKLA po talaga ako kahit anong gawin niyo. Eto ako..."
"Ipapagamot kita para mawala yang kabaklaan mo sa katawan mo."
"Wala naman po ako sakit para ipagamot ako... Hindi po sakit ang kabakla---...Arayyyyy." Pero hindi pa ako tapos nagsalita at sinikmuraan ulit ako ni tatay.
"Tama na Aramando, papatayin mo ba ang anak natin?" niyakap ako ng nanay ko
"Lumayas ka dito. Wala akong baklang anak." Kinuha ni tatay yung mga damit ko at binato sa akin.Tinulungan akong makatayo ni nanay at kinuha yung mga damit ko. Yung akmang lalabas na kami ni nanay hinila siya ni Tatay papasok ng bahay.
"At saan ka pupunta Amelia?Tutulungan mo yang baklang yan? Pumasok ka dito ngayon na."
"Pero Armando.,.."
"Walang pero pero pasok. At ikaw bakla ka wag na wag kang babalik dito!!!" galit niyang sabi.
BINABASA MO ANG
Borrowed Heart (Chanbaek fanfic) Completed
FanfictionAlmost perfect na ang buhay ni Baekhyun. Mayaman,successful sa buhay at may magandang girlfriend. But one day all of that sabay sabay na nawala sa kanya. He was broke back then,until he met Chanyeol a widow father. Namatay ang asawa niya dahil sa pa...