Irene's POV
Pag pasok ko sa kwarto ni Jackson nag ring ang cellphone ko. Si Manang Tasing ang tumatawag, for almost 3 years sa kanya ako nakikibalita sa kalagayan ni Papa. Pasalamat na lang ako at hindi siya nahuhuli ni Papa.
"Hello, manang napatawag ka?"
"Irene.. ang papa mo...." Kinabahan ako bigla, iba ang tono ng boses ni manang Tasing. Umiiyak siya habang nag sasalita.
"Ano pong nangyari kay papa?"
"Ang papa mo sinugod sa ospital."
"What?? Bakit anong nangyari sa kanya?"
"Inatake siya Irene."
"What?"
"Umuwi ka na dito anak, kailangan ka ng papa mo."
"Sige manang uuwi na po ako. Mag papaalam lang ako sa boss ko."
"Sige hintayin kita dito." pag kababa ng telepono ay agad akong napaiyak sa nalaman ko. Alam ko isa ako sa dahilan kung bakit inatake si papa sa puso. Naabutan ako ni Jack na umiiyak, niyakap ko na lang siya para gumaan ng konti ang pakiramdam ko. Ilang saglit lang at sumunod si sir Baekhyun, at nakita niya akong umiiyak.
"Rine what happen? Umiiyak ka ba?"
"Papa iyak yaya."
"Jack anong ginawa mo kay yaya mo?"
"Ala po. Yaya don't cry." Pinunasan niya yung mga luha ko sa mata at niyakap, napakalambing talaga ng batang ito sa akin. Hindi naman mahirap alagaan si Jackson eh, napalaki siya ng maayos ni sir Baek. Mabait si Sir Baek sa amin ni manang Weng, tinuturing niya kaming pamilya. Kasi nga namatay na ang magulang niya at si sir Kyungsoo naman ay nasa Pilipinas kaya walang kamag anak dito sa Korea si Sir Baek. Mabait lahat ng kaibigan ni sir Baek except kay Taeyeon. Yung malditang babaeng iyon. Pinag selosan pa ako. Jusko mas maganda naman ako sa kanya. Natatawa na lang ako pag nagtagpo sila ni sir Kyungsoo kasi asar talo si Taeyeon.
BINABASA MO ANG
Borrowed Heart (Chanbaek fanfic) Completed
FanfictionAlmost perfect na ang buhay ni Baekhyun. Mayaman,successful sa buhay at may magandang girlfriend. But one day all of that sabay sabay na nawala sa kanya. He was broke back then,until he met Chanyeol a widow father. Namatay ang asawa niya dahil sa pa...