Chapter 15

1.7K 57 14
                                    

Kyungsoo's POV

Pag uwi ko ng condo ni Jong in naabutan ko siya na nanunuod ng tv. Hindi ko siya pinansin at dumeretso ako sa kwarto at nag palit ng damit. Tama si Baek dapat pa hard to get ako. Ahahahah pag kalabas ko ng kwarto dumeretso ako sa kusina at mag luluto ako ng dinner. Alam ko hindi pa kumakain si Jongin. Pag bukas ko ng ref niya boom puro manok ang laman hindi halata na favorite niya ang manok. So medyo late na din kaya nag prito na lang ako ng manok. Pag katapos ko mag luto tinawag ko na si Kai para kumain.

"Wow Kyungsoo ang sarap naman nito."

"Lahat naman masarap sa iyo basta manok."

"hahah sorry favorite ko kasi ang fried chicken."

"Bukas nga mag grocery tayo."

"Bakit naman madami pa naman laman ng ref ah."

"Juskooo naman Jong in puro manok ang laman ng ref mo. Kung yaan ang kakainin natin araw araw tutubuan na tayo ng pakpak kakakain niyan."

"Eh sige "

Simula ng tumira ako sa condo ni Kai, ako na ang madalas ang nag luluto ng kinakain namin. Una dahil gusto ko ang pag luluto, pangalawa gusto kong magpa impress kay Kai kasi nga crush ko siya, at Pangatlo feel na feel ko na misis ako ni Kai hahahah. Kahit paano nag kasundo naman kami ni Kai, hindi nung mga ilang araw ko dito nuknukan ng sungit yang negrong yan kala mo menopause na. Pero syempre iba ang alindog ko kaya yan medyo close na kami.

"Nga pala Kyungsoo may gagawin ka ba bukas ng gabi?"

"Wala naman bakit?" teka yayain ba niya ako mag date bukas.... Wahhhhhhhhhaaaaaaaaa teka hindi ako prepared....

"Samahan mo ako umattend ng auction party ng kaibigan namin ni Sehun."

"Sehun?"

"Asawa ng kapatid ni Chanyeol Hyung."

"ah I see." Akala ko ba naman mag dadate na kami yun pala hindi pero ok na din yun. Habang nag uusap kami biglang tumunog ang cellphone ko si Baekhyun ang tumatawag.

"Ano problema mo ha? beks..."

"Hello Beks... may lakad ka ba bukas?"

"OO eh may party kaming pupuntahan ni Jongin eh."

"Wow may date kayo ni Kai?" sana nga date yun pero hindi eh, hay umasa pa naman ako.

Borrowed Heart  (Chanbaek fanfic) CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon