Chapter 20

1.5K 50 5
                                    


Chanyeol's POV




Kinakabahan ako habang palapit siya sa kinatatayuan ko. Halo-halong emosyon ang nararamdaman ko. Excited na kinakabahan. Pero mas nangingibabaw ang saya, finally this is the right time to propose to him.Ng inalis na ang piring sa mata niya hindi niya napigilang umiyak. Napaka iyakin talaga ng dwende ko. Nag simula na akong tumugtog ng piano, kinausap ko si Chen at Kyungsoo nakumanta ngayong gabi. At ng malapit na sa may bandang chorus kumuha ako ng mic at pumunta sa harapan niya.


"Baek its been 2 years since we met here. Tadhana na ang nag lapit sa ating dalawa. Akala ko noon hindi na ako iibig pa simula ng mamatay si Dara. Pero ng Makita kita nag bago ang lahat. Im a straight guy who fell inlove with a man. Marami ang hindi maintindihan ang relasyon natin. Wala akong pakielam sa mga batikos at mga pangungutya sa atin ang mahalaga ay nagmamahalan tayong dalawa. Im so blessed na dumating ka sa buhay ko. Mahal kita hindi dahil nasa iyo ang puso ni Dara, Mahal kita kasi alam kong ikaw ang mag bibigay ng kasiyahan sa akin. Mahal na mahal kita Byun Baekhyun. Happy 2nd anniversary Dwende ko." sabay bigay ng red roses. Iyak siya ng iyak na overwhelm yata sa mga nangyayari. Kaya hinawakan ko ang kamay niya ." And I Know that this is the right time to do this." Lumuhod ako sa harap niya at kinuha yung box ng singsing mula sa bulsa ko.



" Byun Baekhyun.... Will you my forever? Will you marry me?" nakatitig lang siya sa akin at umiiyak. Ilang minuto bago siya nag salita. Ngumiti ako ng maluwag habang hinihintay ang sagot niya sa alok kong kasal.



"Im Sorry Chanyeol but I can't." Halos tumigil ang pintig ng puso ko sa isinagot niya sa akin. Binitawan niya ako at tumakbo palayo sa akin. Hindi mag sink in sa utak ko yung isinagot niya . Hinabol siya ni Kyungsoo pero agad agad siyang sumakay sa kotse. Tinatawaga ko siya pero hindi niya sinasagot. Kailangan ko ng paliwanag. Hindi ko maintindihan kung ano ang dahilan kung bakit ayaw niyang mag pakasal sa akin. Kaya dali dali akong sumakay sa kotse at hinabol siya. Pero hindi ko siya naabutan kaya dumeretso na lang ako sa bahay niya. Pag dating ko sa lugar niya nakita ko ang isang kotse na nakapark sa labas ng bahay niya. Bukas ang bubungan ng kotse at kitang kita ko si Baekhyun na nasa passenger seat at isang babae na nasa driver seat. Hindi ako nag kakamali na ang babae na nasa driver seat ay walang iba kundi si KIM Taeyeon. Ang ex-girlfriend ni Baek. Magkayakap sila sa loob ng kotse . Parang pinipiga ang puso habang nakikita ko silang magkayakap. Ito ba ang dahilan kung bakit hindi siya pumayag sa alok kong kasal sa kanya. Hindi ko na natiis ang sakit ng nararamdaman ko at lumabas ako ng kotse at nilapitan sila.


"Chanyeol." nagulat si Baekhyun sa presensya ko. Binuksan ko ang pinto ng kotse kung saan siya naka upo at hinila siya palabas ng kotse.



"Chanyeol ano ba nasasaktan ako."



"Bitiwan mo si Baekhyun." Sigaw ni Taeyeon. Pero patuloy ko pa din hinihila si Baek palabas ng kotse niya.



"Kailanga natin mag usap Baek."



"Chanyeol nasasaktan ako bitiwan mo ko please." Tumingin ako sa kamay niya, nag pupumiglas siya mula sa pagkakahawak ko. Ayokong bitawan ang mga kamay niya kasi baka pag binitawan ko ito tuluyan na siyang mawala sa buhay ko.

Borrowed Heart  (Chanbaek fanfic) CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon