Epilogue

1.7K 52 6
                                    

Baekhyun's POV



6months after kong manganak at nag back to work na ako. Mas lalo akong naging busy symepre madami na akong inaasikaso. Yung kumpanya, yung business namin ni Jongsuk at symepre ang pagiging nanay sa mga anak namin ni Chanyeol. Hinihintay ko pa kasi mag propose si Yeol, pero mukhang Malabo eh busy din siya sa kumpanya niya at kumpanya namin. Pag inoopen ko sa kanya yung kasal lagi na lang niyang iniiba ang usapan. Ayoko naman na kulitin siya baka mas lalong hindi siya mag propose.




Pag uwi ko sa bahay sinalubong kaagad ako ng kambal pati ng bunso namin na karga karga ni Haru. Kinuha ko si HyungChan kay Haru at sabay sabay kaming pumasok sa bahay.



"Haru anak ang daddy niyo umuwi na ba?"



"wala pa po Papa. Ang akala ko po eh mag kasama kayo."



"Hindi naman siya nag txt sa akin na malalate siya ng uwi. Teka tawagan ko nga." Kinuha ko yung phone ko at tinawagan ko si Yeol pero ring lang ng ring yung cellphone niya. At yun ang pinagtataka ko. hindi naman niya ginagawa ito pag ako ang tumatawag. Kahit nasa meeting siya may panahon siya para sagutin ang tawag ko. Tinawagan ko din si Kai at Sehun para tanungin kung kasama nila si Yeol pero ang sabi nila hindi pa nila nakikita si Yeol this past few days.



Pinakain ko na at pinatulog ko na yung mga bata pero wala pa din sa bahay si Chanyeol. Mag hahating gabi na ng marinig ko yung sasakyan niya na pumarada sa garahe. Nakaupo lang ako sa sofa at hinintay siya na pumasok sa bahay. Dahan dahan siyang pumasok hanggang sa binuksan ko ang ilaw.



"Baek.. bakit gising ka pa?" Lumapit siya sa akin at akmang hahalikan ako pero may naamoy ako.teka amoy alak ba siya.



"Kelanka pa natuto na uminom? At bakit ngayon ka lang?"



"Napasarap kasi ang kwentuhan ng mga cliente ko eh hindi ko namalayan ang oras. Hindi kasi ako makatanggi eh kaya ayun ininom ko na kahit hindi naman ako nainom. Malaking kliyente kasi namin yun kaya todo alaga kami."



"Ah ganun. Mas mahalaga pa yang kliyente mo kaysa sa amin ng mga anak mo. Alam mo ba kanina pa ako nag aalala sa iyo. Ni hindi mo nga sinasagot yung mga tawag at txt ko. Halos mamatay na ako kakaisip kung anong nangyari sa iyo." Kinuha niya yung cellphone niya at tinignan.



"Im sorry Dwende ko. Naka silent kasi ito kanina kaya hindi ko nasagot yung tawag mo."



"Sorry?? Wow grabe ah. kanina ka pa hinahanap ng mga anak mo hindi ko alam kung anong isasagot ko tapos isasagot mo lang sa akin Sorry." Lumapit siya sa akin para yakapin ako pero iniwasan ko ito at umakyat sa kwarto. PAg pasok niya sa kwarto binato ko siya ng unan at kumot.

Borrowed Heart  (Chanbaek fanfic) CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon