Y/N'S POV
''Babe.'' naramdaman ko na nakayakap ako sa braso niya. ''Gising na.'' hinawi niya ang buhok ko at inipit sa tenga ko. Ngayon ko lang naramdaman na may tao din palang magmamahal sa akin nang ganito. yung tipong hindi sapilitan.
''Baka hinahanap ka na nila.'' He said in a deep tone voice. Morning voice pa nga. ''magtataka sila kung bakit hindi ka natulog sa cabin nila,'' sabi niya pa at hinalikan ang balikat ko. ''Gising na Babe,''
''Ayoko pa... Inaantok pa ako.'' sabi ko. Nararamdaman ko din ang sakit ng gitna ko. feeling ko hindi ako makakatayo. ''Ang sakit Vester. feeling ko hindi ako makakatayo.'' sabi ko sabay hila pa ng kumot para matakpan yung katawan ko. Narinig ko naman na pinatay ni Stell yung aircon. tumayo na din naman siya at nag ayos. Ako matutulog na muna ako.
''May araw na oh.'' sambit niya sa malambing na tono. ''Gising na. O gusto mo---''
''Umagang umaga. Hindi ko pa kaya.'' sabi ko na ikinatawa niya. Siraulo talaga to! Umagang umaga may balak nanaman niyang gawin yung ginawa niya kagabi.
''Come, Let's eat breakfast.'' sabi niya pa. Hindi na din ako nakatiis, tumayo na din ako. tinitiis ko ang sakit, ''Wag ka na ngang tumayo. naawa ako sayo eh.''
''Eh sino ba may kasalanan! masyado mong sinagad!''
''That's the thrill babe. Hindi ka mapupuntang langit kung hindi ko isasagad.'' Sabi niya. Dinala niya yung pagkain sa kama. dito nalang talaga ako kakain. Hindi ko talaga kayang tumayo. ''Eat na.''
''Longsilog yan. Ayan nalang ang available eh. nakakain na kasi yung iba.'' sabi niya.
''Okay okay.'' sabi ko at nagsimula na akong kumain. ''Una na muna akong lalabas. baka mamaya magtaka sila. try ko nalang lusutan.'' sabi ko. Natatawa naman siya na parang nababaliw na.
''We're married. So bakit mo kailangang itago na dito ka natulog sa akin.'' He said. Tama naman siya, bakit ko ba kailangang itago? eh mag asawa naman kami.
''Oo na nga.''
................................
''Teh san ka galing?'' Nagulat ako nang biglang lumitaw si Arya sa harapan ko. ''Saan ka natulog? sa dagat?'' Natatawang sabi niya. Halos kabado ako sa mga pinagsasabi niya. Takte naman!
''Wag kang maingay.'' sita ko sakanya. ''Wala namang nangyar---''
''impossible,''
Halos matawa pa siya sa sinasagot niya sa akin. ''Ako pa niloko mo... Mukang nag enjoy ka at hindi ka nakabalik.'' Hinampas ko siya nang mahina. Siraulo talaga tong babaeng to!
''Sus...''
''Siraulo ka talaga! ano ba ang napaniginipan mo kagabi at ngayon ganyan ang lumalabas sa bibig mo.'' Sabi ko. ''teka nga, nag breakfast ka na ba? gutom lang yan.'' Sabi ko sabay hila sa kanya para makalayo sa iba. mamaya may makarinig pa sa usapan namin.
''Tanga! kumain na ako.'' sabi nya. ''Kaya nga may nakain kang longganisa kasi yun nalang ang natira.'' Sabi pa niya. takte naman! oo na nga eh!
''Oo na. wag ka nang maingay, doon ako natulog sa private cabin niya. Hindi ba normal lang naman yun sa---'' tinigil niya yung sinasabi ko. Nagulat ako nang bigla siyang sumigaw siraulo talaga tong babaeng to!
''SHET!!! SABI NA EH!!! SO HOW WAS IT?! OMG KA!!''
Siguro mayayanig yung buong cabin kung sobrang lapit namin doon. Walangya! buti nalang pala at lumayo ako ano??
''Hi girls!' Sambit ni Joel. He was wearing a sando top at simpleng swimming shorts. Ano ba to? mang aakit ng lalaki o mang aakit ng babae? Natatawa nalang ako sa mga tanong na tumatakbo sa isip ko, at sigurado ako na ganun din ang tumatakbo sa amin ni Arya. ''Mga baklang to! tara na mag swimming na tayo!'' Sabi niya.
''Nakikita mong tirik na tirik ang araw!'' Sabi ni Arya.
''Gusto mo bang matusta? mauna ka na Joel, mamaya na kami.''
''Mga baklang to! hindi pa ako samahan! ang daming gwapo doon ohh!!'' tinuro niya pa talaga yung mga lalaking nagvovolleyball sa tirik na araw. ''Tagaktak ang pawis dzai! nanghihina ako beshhh!!'' Nagpangap pa siyang hinihimatay. Sinalo naman siya ni Arya at sinamapal ng bahagya.
''Aray ko naman marse! Ayaw mo bang makahawak ng anim na pandesal sa umaga? yummy ohh!'' He bit his lip.
''Tanga! Ikaw nalang kaya. nadadamay pa kami sa kalandian mo!''
''Ayaw ka pa! ayaw mo yun may mauuwi kang jowa sa manila. duhh!!'' Umirap pa siya. ''Edi don't mukang ayaw niyong papilit. Ito sinasabi ko sa inyo, mamaya may boyfriend na ako! gogorabels na ako!'' Sabi niya.
Alam mo yung nakakatawa kung paano siya maglakad papunta doon sa mga naglalaro. Kumikendeng pa ampota.
''Juskong baklang to! Tignan natin kung magtagumpay yan.'' Sabi ni Arya. ''Hindi ba talaga tayo mag swiswimming? okay naman na ata yang paa mo.'' Tinignan ko yung paa ko, mukang okay naman siya, hindi na siya namamaga. nakapag--- puta! bakit ko ba naisip yun saklap naman! Mukang nasatisfied naman siya sa ginawa namin kagabi... hindi naman ako pumalpak ano?
''Y/N.'' Nakarinig ako ng boses na tumatawag sa akin. Lumingon ako, nakita ko si Vester na nakasuot ng tshirt na fitted. Pinagnanasaan ko ba siya? kung nakikita lang yung detailed abs niya. tangina! pati yung biceps niya halos lumabas na ng shirt niya. teka nga! akala ko ba babe ang tawag nito sa akin, bakit naiba nanaman?! first name ko naman ngayon. Ano bang trip mo.
''Nako, speaking of. Lalarga na din ako. Bahala ka na dyan! Babushhh!!'' Tumakbo si Arya palayo sa akin, at ngayon si Vester naman na yung nasa tabi ko.
Nagulat ako nang bigla niya akong hilahin. ''Teka! where are we going? Mr. Ajero?'' I asked. Tinatagan ko yung pinaglalagyan ng paa ko para hindi ako makaalis sa pwesto.
''Pwede bang sumama ka nalang.'' Humarap siya sa akin at glared at me. Aba! tinatakot pa ako nito.
''Mamaya kung ano pang mangyari sa akin doon... AT BAKA KUNG ANO PANG GAWIN MO SA AKIN DOON.''
''Medyo tama ka... Doon lang naman kita kakainin...'' He smirked at gave a scare look. Siraulong to! Edi mas lalong di ako sasama. pagod na nga ako kagabi, papagurin naman ako. ''Biro lang. masyado ka namang seryoso. Bakit ba nag hehesitate ka eh asawa naman kita.'' sabi pa niya. Bumigay na yung katawan ko, As in... para bang sumama nang kusang loob yung katawan ko.
Nasa pangpang kami ngayon, may isang jetski. Don't tell me... dadalhin niya ako sa island? hoy teka! takte!! Natatawa ako kasi ganito lang naman yung mga nababasa ko sa nobela at kung ano ano mang movie. ''Dadalhin mo ba ako sa isa sa mga isla.'' Natanong ko nalang sa kanya.
''Oo. Ayaw mo ba? We can go back.'' sabi niya. He was still holding my hand, never letting it go. I guess He's my home now.
''Tara na nga.'' sabi ko. I saw him smiled para bang sa isang sinabi ko lang na yun. Nabuo na ang araw niya. ''Sana pala nagdala ako ng payong.'' sabi ko.
''I'm only wearing pajamas. pwede bang magpalit muna ako?'' Tanong ko sakanya.
''Okay I'll wait you here.'' sabi niya at agad naman ako nagmadaling tumakbo para makapunta sa cabin ko at magpalit ng damit.
BINABASA MO ANG
Married to Mr. Ajero ✔ [SB19 STELL]
FanfictionSB19 STELLXREADER ''Kalimutan na natin ang kontrata. Mahal kita. Y/N,'' Aniya. Being Married to someone is not that easy. being in this kind of relationship. being tied to a guy who doesn't love or want you. He just wanted you to do this job for his...