I can't believe this!
I'm really inside a tricycle. Ang katulad ko ay nasa sasakyan ng mga cheap!
"Omg! Hindi siya nakaka-rich! Mainit tapos ang dumi!" I almost freaked out. Kalawang kalawang na ang tricycle and panigurado hindi sanitize 'yong mga upuan dito. Everything is cheap!
"Ang oa mo"
Sinamaan ko ng tingin si Rhyme na may blanko ang mukha habang katabi ko.
Mas lalo lang nakakairita dahil magkadikit na magkadikit ang balat namin dahil magkatabi kami.
"Anong oa?! Kinidnap mo ako!" Halos lumabas ang ugat ko sa leeg sa inis.
"Tss....pakipot ka pa, gusto mo naman"
I scoffed. Sobrang nababanas ako sa kaniya.
What's with the teasing now huh?!
"Anong gusto? I can call a police!"
"Edi gawin mo" He sound so confident na parang alam niyang hindi ko gagawin 'yon.
Napa-face palm na lang ako sa inis. "Sabi na kasing wala akong gagawin sa kaibigan mo"
"Just making sure"
"Arrggh!" Napapadyak na lang ako sa inis.
"Huwag kayong magulo mga bata. Nayugyog ang tricycle" suway sa amin ng driver.
Napakrus na lang ako ng braso sa sobrang inis. This is too much for the day. Plano ko lang naman mag-pa-spa!
Tumigil kami sa isang fast food chain. Si Rhyme ang nagbayad ng pamasahe bago niya ako ulit hinila papasok.
"This is too oa. Wala nga sabi ako gagawin!" Giit ko pa.
"Paniwalain mo ang pagong"
Seriously! Ganoon niya protektahan ang kaibigan niya?
Hinila niya ako sa pinakasulok na table. Iniupo niya ako doon.
"Huwag kang umalis dito. Hintayin mo ako" aniya habang nakapatong ang mga kamay sa maliit n mesa.
"At bakit kita hihintayin?" Pinag-krus ko ang braso at pati mga hita
"Dahil kailangan kung hindi...." natigilan ako nang bigla siyan lumapit at bumulong sa tainga ko. ".....hahalikan kita ulit sige"
Literal na namula ako sa kaniyang sinabi.
"Nag-blush amp" mahina siyang tumawa bagong iniwan ako mag-isa doon sa mesa na iyon.
Napaawang na lang ang bibig ko. Mas lalong tumindi 'yong inis ko sa sarili ko. What the hell Tin! Come on!
Napaghahalataang masiyado kang apektado sa kiss.
Ayaw ko na kayang maranasan ulit 'yon. Yuck kaya.
Gusto ko magdabog at sumigaw sa inis. Kung ano-ano na atang mura at sumpa ang binigay ko kay Rhyme bago ko siya nakitang lumabas muli sa counter. Naka-uniform na siya. Natigilan ako saglit at napatitig sa uniform niyang medyo kupas na.
Cheap.
Napatitig sa akin si Rhyme. May pagbabanta ang mga mata niya. I only glared at him.
Inirapan ko siya bago ko tinutok ang tingin sa loob ng isang fast food chain.
So this is where he work? Hindi ko alam na isa pala siyang working student. Well, kaya nga siya cheap!
Kinuha ko ang cellphone para mag-chat sa driver ko na i-chat ko lang siya kung magpapasundo na ako.
YOU ARE READING
The Rich And The Cheap
General FictionChristine Villafuerte was known as 'Hottie Bitch' because of her bitchy attitude. She's powerful and always competitive. She always get what she wants except in only one thing. Rhyme Delos Reyes, a peasant from province and a scholar. The only boy...