13

23 3 2
                                    

Masama ang pinukol na titig sa akin ni Rhyme. Hindi ko siya tinitigan pa. I just message my driver na mamaya na ako pick-up-in.

This is unexpected. Ano ba kasing pumasok sa utak ko at ginawa ko ito? It's too late to backout.

"Anong problema mo?" Inis niyang sambit.

"Ofcourse it's you!" Mataray kong saad. "May sakit ka"

"Tapos? Nag-aalala ka sa akin?"

"Sa competition ako nag-aalala" kaagad kong depensa. "Paano tayo magpapraktis kung may lagnat ka? How will you compete huh? 'Yong talent portion pa natin. Kapag lumala 'yan hindi na talaga tayo makakapag-practice"

Ofcourse, hindi ko sasabihin na nag-aalala ako. Matatapakan no'ng ang ego na mayroon ako. 

He tsked. "Magiging okay din ako bukas—"

Hinipo ko ang kaniyang leeg kaya napatigil siya sa pagsasalita.

"No. You're not. Sobrang init mo. You should go home"

Nakatingin lang sa akin si Rhyme at hindi na umimik. Instead, pinikit niya ang mga mata at sumandal sa bintana ng tricycle.

Dahil makulit siya, pumara pa rin siya sa resto kung saan siya nagtatrabaho. I could see how pale he is at alam kong masamang masama na ang pakiramdam niya pero sige pa rin siya.

Sinundan ko siya papasok. Pumasok siya sa staff room para hindi ko siya masundan. Kaagad ko namang hinanap ang manager ng resto na iyon.

"Yes ma'am ano pong concern?" Tanong ng manager sa akin.

"Your worker is sick"

Natigilan ang manager. "Po?"

"'Yong kakapasok lang dito. Si Rhyme Delos Reyes. Give him a sick leave. May lagnat siya!" 

"Wait a minute ma'am"

Umalis ang manager at naghintay lang ako sa gilid ng counter. Ang tigas ng ulo niya ah?

Maya-maya lang ay nakita ko si Rhyme na nakasukbit ang bag. Kaagad siyang tumitig sa akin at nakita ko na mas lalo siyang naging iritado sa akin.

Hindi ko iyon pinansin bagkus ay lumapit ako sa kaniya.

"See? Pinayagan ka mag-sick leave"

"Bakit ba pakielamera ka?" Iyon ang bungad niya sa akin. "Sino ka ba para pakielaman ang buhay ko?"

Natigilan ako sa kaniyang turan. Kung kanina ay parang wala lang sa akin 'yon, ngayon ay parang may bigat na sa dibdib.

"I told you it's for your sake. The i-intramural—"

"Sabing pwede na 'to sa paracetamol. Girlfriend ba kita para ganituhin ako?"

Umatras ang dila ko. Hindi na ako nakasalita. The h*ck! He's so unappreciative.

Huminga ako ng malalim para pakalmahin ang sarili ko pero sadyang nasundo ang pika ko.

"Ikaw na nga itong inaalala, ikaw pa itong galit. Do you think you can perform well when you're sick? Kung tingin mo kaya mo naman then go. Concern na nga, nagagalit pa. Bahala ka nga sa buhay mo" tinulak ko siya sa dibdib sa inis bago ako tumalikod at umalis ng restaurant na iyon.

I just waste my time here.

Sinabi ko na sa driver ko na pick-up-in ako dito. This is a stupid idea. Bakit ko ba siya pinigilan pa. Hayaan ko siyang mamatay sa pagod.

Lumabas ako ng restaurant at doon na lang naghintay.

Nakita ko naman si Rhyme na lumabas din ng gusali at may gana pa itong tumabi sa akin.

The Rich And The CheapWhere stories live. Discover now